Nuff Said

Ang Tunay Na Lalaki, Nanunuod ng Music Video ni Stefani Joanne Angelina Germanotta

Ang larawang kupas ay hiram lamang kay Pareng Google
Masayang sumakay sa jeep. Halos buong buhay ko ay jeep ang transportasyong sinasakyan ko papuntang opisina. Marami akong nakakasalamula. Ibat-ibang tao at pangyayari na din ang aking nasaksihan sa palagiang pasakay ko ng pambansang transportasyon ng Pilipinas.

Kanina lang, natuwa naman ako na nasakyan kung jeep/dyip dahil sa loob nito ay may maliit na monitor na konektado sa speakers na nasa ilalim ng upuan. So malayo pa lang ay naririnig mo na ang malakas na tugtog ng musika sa loob nito. Mistulang disco bar ang tugtog ng sasakyan. 

Unang video na pinalabas ay ang Music Video ni Britney Spears na Criminal. Natuwa naman ako sa nasakyan ko dahil na rin sa nakakawala ng kaba ang aura sa loob ng sasakyan. Kung di niyo pa alam ay takot na akong mag commute dahil na rin sa nangyari sa akin noong mga nakaraang buwan. Sa di pa nakakaalam kung ano yung. Maaring basahin ang pangyayari dito --> dahil gusto mo talagang malaman ang nangyari noong mga nakaraan buwan!

So yun alam niyo na marahil kung bakit takot ako sumakay ng jeep. Wala lang talaga akong choice kasi di pa naman ako milyonaryo para makabili ng helicopter para gamitin ko papasok sa opisina. Pero malapit na yun. Humanda! Hehe.

Mabalik tayo sa usapang jeep. 

Matapos ang nakakaaliw na performance ni Britney at pinatay ni Manong Driver ang musika sa pagaakala kong naiingayan na din siya sa wakas. Nagulat ako ng bigla tumugtog ang mga linyang "Rah, rah, ah, ah ,ah Roma, Roma, ma, ma".. Caught in a bad breath romance. So yun nga, si Stefani Joanne Angelina Germanotta o mas kilala sa pangalang Lady Gaga ang tugtog ni Kuya.

Akalain mo yun na mga nasa edad 40, brusko, and take note yung asawa niya nasa tabi niya, tulog na tulog at yung anak nila na nasa likuran lang nakaupo, tulog din. Hanep sa family bonding ang mga toh. Sabagay 'The family that rides together, ay pagod." Kaya tulog na tulog ang mag ina niya. 

Matapos ang Bad Romance na nakaka disturb aliw, ay pinorward ni kuya ang music. Akala ko ayaw na niya kay Lady Gaga, yun pala gusto niya pakinggan at mapanuod ang video na.... Tengteneneng.... Alejandro!!! At matapos yan ay sumunod si Hudas. Alam niyo na kung anong kanta na yan.

Ang saya lang talaga nang byahe ko sa gabing ito. Pero may mga narealize din ako:
  • Ang tunay na lalaki, nakikinig din kay Lady Gaga.
  • Ang pampatulog sa mag ina ni kuya ay ang mga musika ni Lady Gaga.
  • Ginusto ni Kuya panoorin ang mga sayaw ni Lady Gaga in preparation for their Christmas Party. Para sa presentation niya sa kanilang Jeepney Association 2012 Year End party
  • Di kaya may lihim na kalambutan si kuya at gusto niya ang aura at fashion style ni Lady Gaga. Isipin mo habang nagmamaneho siya suot niya ang costume ni Lady Gaga sa video na Bad Romance, All in white and so pure. 
  • Masaya ang may musika sa jeep lalo na pag masyado ng gabi. Nakakawala ng antok at kaba. 
  • Masaya ang aura ng ibang pasahero. May libreng panuod na, umiindak at umiindayog pa sa musika. 
  • At dahil sa puro Lady Gaga na lang ang tugtog, ayun, na LSS na ako sa Alejandro.
  • Mahilig talaga tayong mga Pinoy sa musika kaya kahit sa jeep/dyip at kinakabitan pa natin ng kung anong anek-anek para lang may mapakinggan tayo.
Sana masakyan ko uli ang jeep na yun at favor kay kuya pwede mag request, try natin musika ng Alon Band at ipatugtog ang peyboret song ko na Pusong Bato. Please?

31 comments:

  1. hehehehe. buti hindi alexandro ang kanta. isipin mo, parang kinakantahan ka ni koya with indak to the tune of lady gaga's song.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahha.. Alexandro.. dont call my name Alexandro.. hahah roberto.. haha

      Delete

  2. music pa din naman kasi ung songs ni lady gaga. upbeat kumbaga. as long as alam nya sa sarili nya ang tunay nyang kasarian at kagustuhan, oks lang yun

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. Tama.. wala naman masama sa pinapakinggan ni kuya.. haha

      Delete
  3. kasi naman ang daming bad feedback about lady gaga.tumatayo tuloy balahibo ko tuwing naalala ko yung mga kwento sa pagiging anti christ nya

    ReplyDelete
  4. i find it so funny ang pusong bato kasi even the oldies love to sing that!! oh god! haha at ang ra ra ra na yan ni lady gaga, pag narinig ko naiinis ako dahil hindi ko alam kung horror ba or thrill ang dating sa akin! lels!! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahah.. wala ka sa Boss ko na may edad na nasa 60 na ata siya..pero favorite niyang singer si Taylor Swift hahahhah

      Delete
  5. haha hindi kaya beki si manong driver?

    ReplyDelete
  6. Hehehe okay ah.... mahilig talaga ang pinoy sa musika...

    Pero malay mo request un ng asawa niya para makatulog hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang ganun na nga kasi sobrang tulog ni Ate ehh hahah kahit sobrang lakas nung music

      Delete
  7. ayos yang jeep ni manong a! buti di ka napasayaw! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Muntikan na nga ehh pinipigilan ko lang sarili ko ahahaha

      Delete
  8. nakaka mind fuck tong ALEJANDRO. at kamusta naman ako ngayon dba? nagbabasa lang entry at bigla ako napa ale ale-jandro ale ale-jandro.. =.=

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahahahah.. ayun lang ahehehe.. LSS..

      Delete
  9. Astig si kuya. At ngayon ko lang nalaman ang true name ni Lady Gaga. Tawa ako sa Xmas party preparation. Baka nga beki si kuya. lols

    ReplyDelete
  10. Laughtrip! Baka naman nahawa lang kay misis? Sabi kasi nila kung anu yung tugtog na lagi mong naririnig eh nagugustuhan mo na din. O kaya themesong nila ni misis! Oha! Nakarelate siguro kay... Alejandro? XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wahahaahah ayos din ng theme song nila ha.. BAD ROMANCE talaga? kung ano nun magiisip na ako kung bakit ko siya pinakasalan.. bad romance pala ehh wahahaha

      Delete
  11. grabe lang sa haba ng name tapos simpleng Lady Gaga lang ang ending.. kakatuwa naman si kuya madalang ang tunay na lalake na makikinig at magpapatugtog ng mga kanta ni britney spears at lady gaga..minsan nakakaaliw din pag lumalabas ang mga soft side ng mga lalake eh... hindi ko gusto dati yung pusong bato pero ngaun favorite ko na sya hehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga baka fan nga siguro yung asawa niya.. or pampatulog lang talaga yun hahahaha...

      Delete
  12. na ang tunay na lalaki minsan lady gaga! lols

    ReplyDelete
  13. Anong song yung pusong bato? Haha. Nakakatawa na agad yung title. Ang sosyal ng jeep na yan may screen. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yow, sikat na kanta yan dito.. para sa mga taong brokenhearted at nasaktan sa pagibig yan hahaha

      Delete
  14. Pusong bato? Lagi kong naririnig to, pero puro title lang, yong actual song di pa haha... Pakikanta nga Alexandro sa christmas party natin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si kakantahin ko yan Mar basta promise ka muna na pupunta ka sa Christmas party.. haha

      Delete
  15. Riding the jeep is really a unique experience. Only in the Philippines. You may encounter your soulmate, make friends, ma-hold-up, ma-rape, ma-born-again, makakuha ng winning lottery ticket at maging milyonaryo on the spot, at kung anu-ano. At eto pa, makakita ng isang Little Monster. Hahaha!

    Lady Gaga does have a very strong gay following. She always claimed na ang gay community ang naging launching pad ng kanyang fame. Most gays kasi nga love dance music.

    I admit that I'm a Gaga fan, a Little Monster din. The first time I heard yung pokerface, na bad trip ako. Kasi sabi ko, "Anong kagaguhan na naman ito?! Another auto-tuned-glitter-ass pop singer!" Galit ako kasi sa mga katulad ni Britney Spears at Miley Cyrus at Taylor Swift.

    Nabago lang ang pagtingin ko nung nakita ko si Gaga tumugtog ng piano. I was floored. Hands down talaga ako sa talent niya to play the piano. At for the first time, na realize ko na posible pala gawing acoustic ang mga dance music!

    Since then I became her fan, not because the songs are inspiring. They're still trashy and stupid. But I admire Gaga's talent, her piano skills, and even her artistry and how she uses her image to convey her mind and music.

    Nakakagago. I actually learned some of her songs in my guitar. Amateur lang. So does that make me Little Lord Gago? hahaha!

    ReplyDelete
  16. aliw nga itong si kuya, image na naggaganyan ang isang driver. first time ko ito malaman yung ganito. hahaha

    pero okay din ito... for me talaga music is magic. rararah-rah!

    ReplyDelete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!