Bakit Nga Ba Ako Nagbo-blog?
Natanong ko na din ang sarili ko sa makailang ulit kung bakit ako nabo-blog. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado kung saan nagsimula ang interest ko sa pagsusulat. Hindi naman ako ipinanganak na magaling magsulat at wala din kaming dugong manunulat sa nananalaytay sa aming angkan. Hindi ako mahilig magsulat at wala ding hilig ang pagsusulat sa akin.
Pero bakit ako andito ngayon at bakit mo nababasa ang blog na to??
Pero bakit ako andito ngayon at bakit mo nababasa ang blog na to??
Kailan nga ba ako nagkaroon ng interes dito?
Iniisip ko kung sino ang may kasalanan kung bakit adik ako sa pagbo-blog kahit na wala naman akong kinikita dito, hindi gaya ng iba na limpak-limpak na salapi na ang pumapasok sa kanilang kaban dahil lamang sa pagamit ng internet at kanilang imahenasyon at utak.
Aha! doon nagsimula ang gusto ko sa blogging. May isang tao akong nakilala na itago na lang natin sya sa ilalim ng mesa para di makilala. May pagka mahiyaan kasi ang taong ito. Naibahagi nya sa akin na nung nag blog sya ay kumita sya ng malaki. Kaya dahil sa madali akong naniwala at isang uto-uto, ayun! nagkakandarapa sa pagsusulat. Kaya nakaupo ako ngayon at may naisulat dahil gusto ko din kumita ng pera. #MukhaAkongPera
Hindi pala madali. Ang hirap! lalo na kung wala kang maisip na isulat at maibahagi.

Dahil dyan napagtanto ko na ang pagboblog ay nangangailangan ng talento. Kailangan malawak ang iyong isipan at imahenasyon. Kailangan maging mapangahas at mapanuri, mapagmatyag! Matang Lawin! Kuya Kim?
Minsan may mga panahon na wala talagang akong maisulat. Siguro dahil sa kulang lang ng inspirasyon. Kaya minsan ang ginagawa ko eh nagbabasa ako ng ibang blog para ma inspired ako sa pagsusulat. Minsan naman ang dami kong gustong ibahagi at isulat kaya pag dumating sa puntong iyon, sulat lang ng sulat hanggang sa labasan, i mean hanggang sa mailabas ko ang naghihimutok na ideya na nasa loob ng aking isipan. Sabi nga nila, strike while the iron is hot.
On a serious note, Blog lang ng blog. Mag nagbabasa man o wala. Ang mahalaga ay nailabas mo ang nilalaman ng puso at isipan mo. Ang mga mambabasa ay darating din yan sa tamang panahon. Wag magmadali. Kailangan lang ng pasensya at tiwala sa sarili at kapal ng mukha. Alam na!
I had the same question and arrived to the same realization. Sige lang, blog lang kapatid. You're blessed.
ReplyDeletetama ser! blog lang ng blog! may kitain man o wala! hehe : )
ReplyDeleteteka pareho ba tayo kasali sa patimpalak? ^_^
Matagal ka ba labasan...ng idea? basta wag ka lang bibitiw... kapit lang tayo... enjoy naman ang blogging eh!!!
ReplyDeletetotoo yung dapat mas mapagmatyag ka na .. yung ala kuya kim . ahahha..
ReplyDeletenaging mas maobserba ako sa mga bagay2 ngayon kesa noon :)
well i guess yun ung pinaka basic purpose ng blogging un i express mo yung
ReplyDeletesarili mo haha
ako kuya nag inspire sakin mag blog may kita na kasi sya but then nung naenjoy ko na
ayun post post na lng
haha... yep, blog blog til you drop :D joke.. hehe... reading your blogs is fun, lalo at ang funny at kwela nyo din sulatin ang mga ideas nyo..
ReplyDeletei still have to think about the reason why i blog coz for now, pinapangatawanan ko pa yung pagiging blog reader lang ako..haha
Tama!! Blog lang ng blog. :)
ReplyDelete