Jesus Take The Wheel



Habang nasa byahe ako kaninang umaga papuntang work, bahagyang uminit ang ulo ko dahil sa sobrang traffic ng kalsadang dinadaanan ko. Halos dalawang oras ang byahe ko papasok sa work na kung tutuusin ay nasa 30 minutes lang ang byahe. Pero kaninang umaga, kakaiba! Hindi ko alam kung anong meron pero sobrang traffic talaga.

Isang oras na ang nakalipas sa byahe eh medyo nagagalit na ang ibang pasahero na kasabayan ko. Pati ang driver mismo ng jeep ay galit na din. Pinipigilan kung magalit kasi kapag nagalit ako, alam ko na buong araw na akong galit. Kaya hanggat maari ay ayaw kung magalit. Sinuot ko ang earpiece at nagpatugtog na lang para kalmado pa rin ako.

Music play....

Akmang-akma ang musika na napakinggan ko... "Jesus Take the Wheel" ni Carrie Underwood.

Naisip ko na sana si Jesus na lang ang nasa manibela, Im sure mabilis ang byahe namin ng walang problema. Habang paulit ulit kung pinakikinggan ang musika ay mag dadalawang oras na ako sa byahe. Isipin niyo Makati papuntang The Fort, almost two hours na. Medyo hindi na kinaya at mainit na ulo ko. Naisip ko na sana bilisan ni Manong driver ang pagmaneho para umabot kami sa distinasyon namin.

After almost two hours, nakarating ako sa Guadalupe kung saan sasakay pa ako ng isang jeep papuntang The Fort/Market Market. Medyo naiinis na ako sa mga oras na to. Late na nga ako, mainit pa, madaming tao, at badtrip puno ang mga jeep.

Nang makasakay ako ng jeep pa Market2x ay nag wish ako na sana matulin ang pag maneho ng driver. Ngunit nabigo ako dahil mabagal pa sa pagong ang byahe namin. Inis na inis na ako. Nakikita ko ang ibang jeep na humaharorot na sa pagmamaneho, pero ang driver namin na medyo sumisingkit na sa mata dahil siguro malabo na ang paningin ay parang antok lang kung magmaneho.

Sa kaloob looban ko ay gustong gusto ko na mabilis ang pagbyahe namin para makarating agad sa trabaho. Peor bigo talaga.

Inis na ako. Nagmumura na ang kalooban ko nang bigla isang pagsabog ang aking narinig.

Boom!

Bumangga ang jeep na humaharorot sa isa pang jeep na kasalubong nito.

Natulala ako. Para akong yelo na natutunaw sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Kitang kita ko ang pagbangga ng dalawang jeep. Malakas ang impact. Nakakagimbal.

Habang patuloy kami sa byahe ay naisip ko ang music na pinapakinggan ko... "Jesus Take The Wheel".

Nanalangin ako at nagpasalamat dahil sa kahit na ginusto ko na mabilis ang takbo ng jeep na sinkayan ko ay hindi parin hinayaan ng Panginoon na mangyari sa amin ang banggaan. Nanalangin ako na sana walang masamang nangyari sa mga pasahero ng jeep na nabangga.

Prayer really covers us from harm, it keeps us away from any danger. All things work together for good to those who believe.

Thank God I'm safe.

Comments

  1. wow, ohh kita mo na! let jesus take the wheel!
    im glad you're safe parekoy! oks lang malate or ma stuck sa traffic basta safe!
    mejo may muntik maaksidente na din sa harap ko kanina, buti at di nasagasaan si ate, cute pa naman

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dyan MEcoy.. salamat
      buti naman at alang nangyari kay ate

      Delete
  2. Na-miss kita parekoy... mwah...

    Great post! Inspiring!

    ReplyDelete
  3. Mejo matagal din akong hindi nakadalaw dito ah... na miss ko yung bata saka aso na naglalakad jan sa bottom ng page mo hehehe!

    Siguro that time, sinubok lang ni Lord kung hanggang saan ang patience mo. And yeah, pray, it works!

    ReplyDelete
  4. "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11

    Nakakatuwa si God, pinakita nya sayo kung anong pwedeng mangyari kung nasunod ang gusto mo. Nakaplano pala talaga ang lahat na sa mabagal na sasakyan ka mapasakay, at least, safe.

    Let Jesus take the wheel! :)

    Ingat! ;)

    ReplyDelete
  5. "For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11

    Nakakatuwa si God, pinakita nya sayo kung anong pwedeng mangyari kung nasunod ang gusto mo. Nakaplano pala talaga ang lahat na sa mabagal na sasakyan ka mapasakay, at least, safe.

    Let Jesus take the wheel! :)

    Ingat! ;)

    ReplyDelete
  6. Si God binibgyan tau ng aral araw araw .... Nmiss ko blog mo lalo n ung layout n may gumgalaw sa ibaba hehe

    ReplyDelete
  7. Amen.. God is really good. Just have faith di nya tayo pababayaan.. :)) Godbless!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?