Return to Sender: Second Chance Hopeful



Isang letter sender ang bibigyan ng kaukulang pansin dito sa Return to Sender. Isang babaeng nais bigyan ng second chance ang lalaking minahal niya ng buong buhay at tapat. Isang pag iibigan na humantong sa hiwalayan dahil sa "third party". Sa tingin nyo dapat pa bang bigyan ng second chance si lalaki? Naniniwala ka bang sa katagang "Love is sweeter the second time around?".

Basahin natin ang liham ni Ms. Second Chance Hopeful

-----------------------------------------------{-@
From: Second Chance Hopeful
To: zxander316@gmail.com
Date: August 31, 2011
Subject: Is Love sweeter the Second time Around?

Dear Xandero,

May matinding tanong po ako sa inyo. Naniniwala po ba kayo sa second chance? Like yung tipong magkakabalikan pa kayo ng ex-lover mo? Ikaw po ba kung may ex ka at nagkaroon ng moment na magkaayos kayo babalikan mo pa? 

Weird po ng tanong ko noh? Pero kasi yung ex ko gusto makipagbalikan sa akin. Ehh Im scared na baka mangyari na naman ulit yung dati. Naghiwalay kasi kami kasi nagkaroon ng third party. Nagkaroon siya ng iba. Pero matagal na nangyari yun. Well actually noong una sinabi lang niya na he needs space muna daw and then after a week sinabi na niya na pwede na daw ako mag entertain ng iba. Weird diba? Pero before pa siya nagsasabi sa akin ng ganito sinabi na niya kung ok lang ba daw na makipag kaibigan siya sa ibang babae. May isang babae kasi na kinukwento niya sa akin na kamukha ko daw. Sabi ko naman na ok lang kasi friends lang naman wala namang malisya dun. Tapos isang araw bigla na lang niya sinabi na ayaw na daw niya sa akin.


Wala na akong balita sa kanya lately pero according sa common friend namin nakita daw niya yung ex ko na kasama yung girl. Ka-opisina pala niya yun.

Nasaktan ako kais parang nagmukha akong tanga sa ginawa niya pero mahal ko siya. Mukhang seryoso na naman siya this time. Magulo lang kasi ang sabi ng puso ko bibigyan ko siya ng chance pero sabi ng utak ko na wag na kasi lolokohin lang ulit ako nun. Matagal na din ang 3 years na naging kami kaya nasasayangan ako na itapon na lang yung basta. Help naman diyan kuya! Magaling ka mag advise eh.

Thanks for reading this one Xander!
Cheers and have a great day.
Second Chance Hopeful

######

Hi Second Chance Hopeful,

Una sa lahat maraming salamat sa iyong liham at sa tiwala na binigay mo para maibahagi ang iyong kwento at karanasan.

Kung ako ang iyong tatanungin ang pagbibigay ng second chance ay depende yun sa bigat ng nagawang kasalanan ng isang tao dahil kung lahat ng tao ay bibigyan ng second chance eh di kahit yung mga kriminal at halang ang kaluluwa na nasa kulungan ay pwede rito. Good luck na lang sa mundo. Ngunit sino ba naman tayo na hindi maibibigay ang second chance, tao lang din at nagkakasala. If God gave us second chance and forgave us, sino ba naman tayo na hindi kayang gawin yun.

But since your concern is about you ex, then its a different thing. Naniniwala ako na may kabutihan ang bawat tao. Kahit gaano pa man kalaki at kamali ang nagawa nito ay meron pa ring mabuti sa loob nito. In terms of giving second chances to someone that hurt you, it really depends on how your heart will take it. Sinabi mo na nga na ang puso mo gusto pero ang utak mo ayaw. Kung ganyan ang estado ng nararamdaman mo ay wag mo siyang bigyan ng chance. Mahirap sumugal sa isang desisyon na isang parte ng katawan mo ay hindi sang-ayon dito. Kung mag desisyon ka na bigyan siya ng chance dapat ay yung buong buo mo siyang tatanggapin at kung ano man ang maging resulta nito ay dapat mo ring tanggapin negatibo o positibo man.

Pagisipan mong mabuti kung karapat dapat ba siya bigyan ng isa pang pagkakataon. Itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod sakaling gusto mo siya bigyan mng pangalawang pagkakataon.
  • Makakabuti ba ito para sa aming dalawa?
  • Pano mo nasasabi na seryoso siya ngayon? Ano ba ang ginawa niya?
  • Sa tingin mo hindi na niya uulitin sayo yun?
  • Kung mahal ka nga niya bakit siya nanloko at umibig sa iba? Para san yun? Para sa landi at libog niya? (sorry for the word).
  • Sa tingin mo di na niya uulitin yun?
  • Kung sakaling ulitin niya yun, ano ang gagawin mong hakbang?

Wag mo tingnan sa kung gaano katagal ang inyong relasyon tingnan mo ang magiging resulta nito at ano ang epekto nito sa pagkatao mo kung bibigyan mo siya ng isa pang chance. Ang sa akin lang na baka siya bumabalik sayo ngayon kasi wala na sila nung babae niya. Tingnan mo din ang other side ng kwento niya. Subukan mong pakinggan ang kwento niya bakit niya nagawa sayo yun.

Malay mo sa pangalawang pagkakataon ay mas titibay pa ang inyong relasyon. Kung si Anna Manalastas nga ng 100 Days to Heaven ay binigyan ni Bro ng pagkakataon para baguhin at ayusin ang pagkakamaling nagawa niya. Baka nga naman pinabalik din siya ni Bro para ayusin ang kasalanan niya sayo at natuto na sa maling nagawa.

Pag isipan mo... Again, nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon. Ako'y andito lang para ikaw ay gabayan. May tinatawag tayong free will. Gamitin natin ito. Ako si Zenaida Seba para sa Umagang Kay Ganda (Joke! Pinapatawa lang kita!).

Maraming salamat at sana ay may napulot ka sa sagot kong ito. Pasensya ka na at may sakit ang iyong Guru kaya medyo wala sa wisyo. Hayaan mo ipagdarasal ko na maging maayos din ang buhay pag-ibig mo.

Ingats ka at sa uulitin.


 

Comments

  1. gumaganito kana pala choi,,, ikaw na choi, ikaw na si Dr. Love.

    ReplyDelete
  2. mag-isip ka neng a.k.a. second chance hopeful...

    madaming naguguyo ng mga ganyang klaseng lalaki

    ReplyDelete
  3. ikaw na! parang si bino ka na rin. may fan mail ^^

    ReplyDelete
  4. tama!! depende sa bigat ng napag awayan, kong di naman mabigat why not diba? sabi nga nila, love is lovelier the 2nd time around..:)

    ReplyDelete
  5. wow! hello kuya GERMS! hahahaha!

    hmmm..kung anu gusto nya, nasa kanya naman ang last say eh. pero sabi nga nila dba, once a cheater always a cheater. lol

    sabi nila ha! not me =0

    ReplyDelete
  6. My take.
    If you think it'll make you happy, go for it, give him a second chance. If he fails to be loyal, he's not the only one with the power of the 'second', you can throw him off the second time around.

    ReplyDelete
  7. shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice.

    yan!

    wag ng paloloko dahil di malabong mangyari ulit ang ginawa nyang mgakasalanan

    ReplyDelete
  8. gamitin ang utak kasi pag pinairal mo ang puso masasaktan ka lang. kaya nga nakalagay ang utak sa ibabaw kasi mas superior sya sa puso.

    go for what ur brain says!

    ReplyDelete
  9. gaya nga ng sabi ng Parokya ni Edgar.. parang tsokolate lang yan.. pag natunaw mahirap ng ayusin at ibalik sa dati, parang tiwala, pag nasira na.. mhirap ng ayusin pang uli...
    ^_^

    ReplyDelete
  10. by the way Xander
    The Blog Idol Round 1 is up
    you can check it here http://bluedreamer27.blogspot.com/2011/09/blog-idol-2011-round-1.html

    For Prizes updates, check this post.
    http://blogidol09.blogspot.com/2011/09/other-prizes.html

    For the voting System check this
    http://blogidol09.blogspot.com/2011/09/voting-system-and-ways-to-earn-more.html

    ReplyDelete
  11. @Anciro - matagal na akong gumaganito wahaha.. lol..

    ReplyDelete
  12. Natawa ako sa part ng Zenaida Seva. Pero ang galing ng mga payo mo!

    Bravo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts