Bakit Masarap Ang Bawal?

Bakit nga ba masarap ang bawal? 

Bakit nga ba karamihan sa atin ay nais tangkain na gawin ang bawal? Bakit nga ba pinagbabawal ang isang bagay kung ito ay masarap? Bakit? Bakit? Bakit nga ba ako nagtatanong patungkol sa bawal? Bakit, bawal bang maisipan ko at mapagtripan ang isulat tungkol sa mga bawal? Hindi naman bawal eh, kaya isusulat ko.

Marami sa atin ang nakagawa na ng isang ipinagbabawal na bagay. Aminin man natin o hindi pero halos lahat ata tayo ay nakagawa na ng isang makasalanan bagay. Hindi man ito aktwal o pisikal na nakikita ngunit maaring sa isipan natin ay nakagawa na tayo ng bawal.

Naisip ko kasi na bakit ang mga may asawa na ay umaabot pa sa pangangaliwa na alam naman nating lahat na bawal yun sa mata ng Diyos. 

Marami ang napariwara dahil sa ang iba ay naingganyo na gawin ang bawal. Maraming pamilya ang nasira dahil sa bawal. May mga kabatang naulol dahil sa bawal, mga buhay na nakitil dahil sa bawal. Maraming bawal na nakakasama sa atin kung atin itong tangkaing gawin.

NGUNIT.. hindi lahat ng bawal ay para sa ating ikakasama. May mga mangilan-ngilan din namang para din sa aking kabutihan. 

Halimbawa na lang ay kulay pink na karatula na nakapaskil sa gitna ng kalsada: "Bawal ang tumawid dito, may namatay na. Diba ang layunin nito ay bigyan tayo ng babala na delikado ang tumawid baka kasi masagasaan ka sa mga humaharurot ng sasakyan.

Bawal din ang mag yosi malapit sa gaosline station. Subukan mo lang at human barbecue ang labas mo. 

Bawal may text habang nagdadrive. 

Bawal magdrive kung nakainom. 

Bawal ang nakasimangot, mas lalo kang papanget. Lol

May mga dahilan tayo kung bakit tinatangka parin natin gawin ang bawal. Para sa iyo ay makakabuti ito o nagpapasaya sayo. Nasa sayo na yan. Ngunit isipin mo rin ang kahihinatnan sa iyong ginawa. Hindi lahat ng masarap at masaya ay nakakabuti. Minsan nakakabaliw ito o di naman kaya at nakakatapos ng buhay. Kaya bago gawin ang isang bawal na bagay isipin mo kung nakakasakit ka ba o nakakabuti sa mga taong nakapaligid sayo. 


 

Comments

  1. kasi pasaway ang tao kaya kahit bawal ginagawa, like bawal mag facebook sa oras ng work pero ginagawa hehehehehe

    ReplyDelete
  2. yun tlga ang masarap un bawal, iba un pakiramdam pag gumagwa ng bawal, hehe...

    ReplyDelete
  3. Panahon pa lng ng bible time, pasaway na tlaga tau :-)

    ReplyDelete
  4. Kasi hangga't pinipigilan, mas lalong nagpupumiglas ... LOL! :D

    ReplyDelete
  5. ay please, wag moko igaya sayo, never pa akong gumawa ng bawal, dalisay at wagas ako. CHOZ!!!! :D yes, masarap ang bawal, pero darating ka sa puntong mauumay ka na sa paggawa ng bawal, at muling hahanapin ang matuwid na landas. "landas?" ahaha. :D

    ReplyDelete
  6. Sarap talaga ng bawal e.. exciting kaya yon. Hehe

    ReplyDelete
  7. hindi ko rin alam ko bakit.. hehe!

    ReplyDelete
  8. Simple lang. Masarap ang bawal dahil andun yung thrill. :)

    ReplyDelete
  9. Naalala ko tuloy ang kantang Alapaap by Eraserheads ahahaha!

    ReplyDelete
  10. Dahil sa curiosity kaya sumusubok ang tao ng bawal. Bute na lang ako hindi, mabait kaya me. Nagmalinis? Hahahaha. Joke.

    ReplyDelete
  11. ewan ko pero simula pa lang ng post mo eh, feeling ko may hangover ka pa sa No Other Woman.. heheh (o guni guni ko lang to)

    masarap yung bawal kasi iba yung pakiramdam.. parang sa pagkain na yung parang nakatikim ka ng hindi mo pa nalalasahan ng ganong sarap.. di ko maexplain pero itry mo, masarap talaga.. ahahha.. wag lang sobrahan kasi baka mapunta sa hindi tama.. in the end, nasa yo naman ung control.. ;)

    ReplyDelete
  12. Madalas ang pinagbabawal ay yung Naabuso..lol..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?