Posts

Showing posts from February, 2013

Taken

Image
CHAPTER 1 ---    STRANDED Saksi ako kung pano nangyari ang lahat, kung pano mawalan, at kung paano kunin ang lahat sa akin. Nagtatago kami nuon sa kwarto sa pagitan ng kisame at ng bubungan. Biglang nagutom si Mama kaya nag desisyon siyang bumaba at pumunta sa kusina. Sa oras na iyon ay ubos na rin ang nakaimbak naming pagkain. Pinigilan ko siya kaso sabi niya hindi niya na kayang tiisin ang kalam ng kanyang sikmura. Karga ko pa si bunso noon, tatlong taong gulang pa lang siya. Ang sabi ni Mama, para din makakain na si bunso at nagugutom na din kaya kailangan niyang bumaba. Ubos na ang nakaimbak na pagkain namin sa pinagtataguan namin kaya kailangan na niyang pumuslit ng pagkain sa kusina. Naalala ko dati noong nasa ayos pa ang mundo palaging may tinatagong pagkain si Mama at si Papa para daw sakaling magkaubusan ay may makakain kami. Heto na ang panahon na yun. Sagana sa pagkain ang aming bahay. Hindi gaya ngayon, salat sa pagkain at maiinom.  Dah...

STRANDED

Image
Isang araw na ang nakalipas at di pa rin nakabalik si Patrick. Alam ko na kinuha na siya, gaya ni Russel. Alam ko kami na ang susunod. Ako na ang susunod... Ganun nga siguro kapag ang mga patay ay muling nabuhay at muling naglalakad sa ibabaw ng lupa. Buong akala ko sa pelikula lang ito nangyayari. Akala ko sa mga kwento lang sa libro o isang kathang isip lang ang mga ito ngunit iba pala kapag naranasan mo talaga ang magtago, ang tumakbo at tumakas palayo sa mga Zombie.  How? Aba! Malay ko. Nagising na lang ako na ganito na. Why? Mas lalong hindi ko alam. Yan din ang gusto kong malaman. Yan ang mga katanungan at kasagutan na paulit ulit bumabalik sa isipan ko. Basta ang alam ko lang andito ako ngayon nakatago sa loob ng isang imbakan ng damit sa loob isang department store. Tahimik lang para hindi marinig ang aking kaluskos ng mga naglalakad na patay. Madilim dito sa loob ng imbakan para na rin hindi ako makita agad.  Ang alam ko lang may dalawa...

Tama Na! Sobra Na! Palitan Na!

Image
Yes! That's the famous line noong panahon ni Marcos...yung time na pinatalsik na siya ni Cory. But I won't talk anything about what happened many years ago. It's all in the past. Sabi nga ng nakararami, lets move on and move forward. Nangyari na ang nangyari kaya wag na natin balikan. Gets? Pero bakit karamihan sa atin ay mas gustong balikan ang nakaraan kesa puntahan ang bukas. Mas marami ang gusto na manatili na lang sa alaala ng kahapon kesa salubungin ang magandang umaga. At mas marami sa atin ang mas gustong balikan ang nakaraan kahit nasasaktan kesa harapin ang bukas na puno ng pag-asa.  Wag na tayong lumayo, kadalasan nangyayari ito kapag ang isang tao ay umiibig. Diba kapag mahal na mahal natin ang isang tao ayaw natin mawalay sa kaniya. Kapag sa tingin mo ay sa kanya naikot ang mundo mo ay ayaw mo nang kumawala sa sumpa na dulot ng pagmamahal ng sobra. Ang tanong eh, kailangan ba talaga sa kanya umikot ang mundo mo? Pano na ang mundo kung saan ikaw ay...

Si Kamahalan, ang PBO, at mga bagong Kaibigan

Image
UPDATE: Dahil sa marami ang naghahanap ng photos. Ayan na! Hiram ang mga larawan kay AXL at Mar. Ahemmmm! Noong nakaraang biyernes ay naimbitahan ako sa isang eyeball ng mga kapwa ko blogero. Noong una ay nagdadalawang isip ako dahil unang una may pasok ako sa araw na iyon dahil sa panggabi ang pasok ko at 6pm ko sila dapat kitain ay nag say "no" muna ako; pangalawa dahil sa mga isa or dalawa lang ang kakilala ko sa mga magmimeet medyo dyahe ako. Tahimik kasi ako sa personal. Lol. Pero dahil sa pagpursige ni kamahalan na itago na lang natin sa pangalang Arvin ng  www.archiviener.com (na ang blog niya ay for invited readers na ngayon at di ko na nababasa..may pinagtataguan ata..LOL) ayy napilit ako sa isang kondisyon... Kailangan niya kami pasalubungan ng starbucks tumbler from Singapore.. Duk! Syempre gusto ko talaga mameet sa personal si Arvin dahil sa matagal na din naman kaming magkakilala at isa siya sa masugid na magcomment sa mga post ko sa blog na ito kahit n...

ELEMENTALIA: Gintong Bakal na Pluma

Image
Borrowed photo from google PAUNANG SALITA: ANINO AT PANAGINIP Nagising si Daina sa loob ng isang kweba na walang saplot at duguan. Isang maliit na puting tela ang tanging  nakabalot sa kanyang hubad na katawan. Sa di kalayuan kung saan siya nagkamalay ay natanaw niya ang katawan ng ibat ibang uri ng nilalang na di niya pinagkilanlan. Nabalot siya ng takot kaya pinilit niyang tumayo para usisain kung ano ang nangyari sa kapaligiran. Habang iniikot niya ang kaloob-looban ng kweba ay nakarating siya sa isang bukal na ang tubig ay kasing linaw ng salamin kaya naisipan niyang linisin ang dugo sa kanyang katawan. Habang naglilinis siya ay bigla siyang nakarinig ng boses ng isang babae mula sa bukal. "Gising ka na pala Daina." Sambit ng boses.  "Ha? Sinong andyan?" Ang utal na sagot ni Daina. "Hindi mo ba ako nakikilala?" "Sino ka ba? Magpakita ka sa akin." Ang kabadong sambit ni Daina. "Tumingin ka sa bukal. Makikita mo kung...