Paraan Para sa Masayang Pag-iibigan
Ang pag-ibig ay hindi lang tungkol sa pagtuklas ng ka-swak mo, kundi kung pano makabuo ng isang masaya at mabuting relasyon. Hindi ito tungkol sa kung gaano mo kamahal ang isang tao, kundi kung paano mo payabungin at itaguyod ang inyong pag-iibigan hanggang sa katapusan. Ang relasyon ay dapat masaya, may pagmamahal, pag-aalaga, habang tumatagal ay mas lalong tumitibay, at higit sa lahat positibo. Ang pagmamahal sa isang relasyon ay dapat nagdudulot ng ngiti at kinang sa buhay.
Simula sa araw na ito, piliin mong i-kontrol ng maayos ang relasyon ng iyong kapareha para sa masayang pagsasama. Maari mong tingnan ang listahan sa ibaba at sundin kung sa tingin mo ay nararapat para sa inyo.
Kadalasan nabibihag ang ating puso ng isang tao kapag ang sa tingin natin ay kakaiba siya sa lahat. Yung tipong walang kapareha. Natatangi. Hindi tayo perpekto para sa lahat. Perpekto lang tayo dun sa mga taong nagbigay sa atin ng halaga at panahon para kilalanin tayo ng lubos. At dun sa mga taong gusto tayong kilalanin ay marahil dahil na rin sa nakita nilang iba ka sa karamihan. At dun ay magsisimula ang masayang pagmamahalan.
Upang maiwasan ang away at sigalot sa isang relasyon, mas maigi na wag ihambing ang inyong relasyon sa ibang tao. Wag ihalintulad sa relasyon ng inyong mga magulang, kaibigan, kasamahan sa trabaho o sa mga taong sa tingin mo perpekto ang kanilang pagsasama. Ang bawat taong nagmamahalan ang siyang gumagawa ng patakaran, kasunduan o kaugalian sa kanilang pag-iibigan.
II. Mahalin at irespeto ang sarili bilang isang indibiduwal.
Para sa akin, ang pagmamahal ay nagsisimula sa sarili. Wag iasa ang kaligayahan at sariling pagpapahalaga sa iyong kapareha. Ito ay dapat nagsisimula sayo mismo. Ikaw ang may responsibilidad sa sarili mo. Kung hindi mo kayang mahalin at irespeto ang sarili mo mas lalong walang ibang taong gagawa nun para sayo. Love yourself, ika nga, before you love others.
Tanggapin mo kung ano at sino ka - masama man o mabuti. At gumawa ng hakbang para baguhin ito na sa tingin mo ay tama, hindi dahil sa tingin mo ay ito ang makakabuti para sa kapareha mo kundi nagbago ka dahil iyon ang tama, para sa sarili mo.
III. Say what you mean and mean what you say.
Para sa masayang relasyon, ibahagi sa iyong kapareha kung ano ang nasa isip mo, yung mga kailangan mo, pangarap, inaasahan mo sa inyong relasyon, mga gusto mo, at plano. Hayaang maging bukas ang komunikasyon ninyong dalawa dahil ito ang isa sa pinaka mahalagang sangkap sa isang matibay sa relasyon.
IV. Suportahan ang bawat isa sa hirap at ginhawa.
Wag iwanan ang iyong kapareha sa oras ng paghihirap, ginhawa, kalungkutan o ano pa man. Maging isang kaibigan sa mga oras na kailangan. Maging handa sa pag unawa, sa pakikinig, sa yapos, at suportang emosyonal kung ito ay kailangan. Patatagin ang tiwala na handa kayong damayan ang isat-isa sa oras ng pangangailangan.
V. Maging Tapat.
Ang totoong pagmamahalan ay hindi tungkol sa dalawang taong hindi mapaghiwalay kahit na ano paman. Ang isang relasyon ay tungkol sa dalawang taong tapat sa isat-isa kahit na magkabukod man sila.Sa isang relasyon ang pagiging matapat ay hindi isang opsyon, kundi ito ay isang priority.
VI. Magkaroon ng panahon sa isat-isa.
Bigyan ng panahon ang bawat isa. Kahit na masyado kang busy sa trabaho o sa ibang bigay, maglaan ng panahon at oras para makapag pahinga at magsaya kasama ang mahal mo. Hindi nasusukat ang tatag ng isang relasyon dahil sa palagi kayong magkasama, kundi nasusukat ito sa kung paano mo pinakita ang halaga sa kapareha. Maaaring magkalapit at magkasama kayo ng iyong mahal, ngunit masyado namang malayo ang bawat damdamin sa isat-isa. Wag kalimutan maglaan ng oras para magsaya.
VII. Ayusin ang argumento sa mahinaun at matiwasay na paraan.
Hindi maiwasan na nagkakaroon kayo ng kunting tampuhin o bangayan sa isang relasyon. Kasama na yan sa pagmamahal. Doon nasusukat ang tatag ninyo kapag nalampasan niyo na ang bawat pagsubok. Ngunit, mas mainam na idaan ang bawat away sa maayos at matiwasay na usapan. Kapag sa tingin mo ay masyadong mainit na ang usapan niyo, mas mabuting umalis o iwasan ito. Magpalamig muna ng ulo bago makipag usap. Sa ganitong paraan mas maiiwasan mo na makabitiw ng mga salitang hindi dapat.
Siguro marami tayong paraan para mas mapatatag ang bawat relasyon na ating pinapasukan. Depende yan sa estilo o paraan ng bawat tao sa kung paano niya patatagin ito ang mahalaga ay maging masaya anhg bawat relasyon mo.
I thank you.. bow!
bookmarked! hehe tatandaan ko 'to para magamit in the near future :P
ReplyDeleteAlex,
ReplyDeleteBongga na ang blog mo. Effort ang template!!!
xo,
Gwen
may mga bawal na pag-ibig na dapat na din iwasan..so mas mabuti kung hindi na lang ipaglaban...
ReplyDelete@Hartlesschiq - hahaha.. oo tandaan mo yan ha.. para sa future.. andyan lang sa malapit si future mo hehehe
ReplyDelete@Gwen- thanks alot..
ReplyDeletevery well said. Hehe salamat sa mga pointers at sana ay magamit ko sa araw aràw n pakikipag harutan! Char
ReplyDeleteVery nice blog!
ReplyDeleteNagamit mo na to alam ko lol.
ReplyDelete4,5,6 lagpak! :( huhuhu....
ReplyDelete@Bino - hahahaha hindi naman masyado.. hahahha..sak to lang ahehee
ReplyDeletevery well said, i, thank you love guru! hehe!
ReplyDeletetsaka ang ganda ng font ng blog mo!!
napadaan lang po......at nakibasa narin....magaling ka po!
ReplyDeletesalamat sa pagshare...
ReplyDeleteganda ng bagong kuta mo :)
wow naman!totoo lahat to.
ReplyDelete