Coffee Drinkers At Ang Echusero
Sa Starbucks, Ayala Avenue Makati City, Philippines -- Habang nakatambay sa Starbucks at hinihigop ang paborito kung Coffee Jelly ay kapansin pansin ang bawat tao na pumapasok sa pintuan ng Starbucks. Dahil na rin sa nakaupo ako malapit na pintuan eh naaaninag ko ng mabuti ang pagmumukha ng bawat tao na pumapasok. Habang tumatakbo ang oras at mahaba na din ang oras na ginugol ko sa loob, napansin ko na ibat-ibang klase ng tao ang pumapasok sa "Pambansang Kapehan ng Bayan". Minsan lang ako nagkakape dito dahil medyo may kamahalan para sa akin. Andito lang ako kapag may nanlibre sa akin o di naman kaya ay may extra money ako pang kape. Well, most of us loves coffee. Mapa brewed coffee man yan o kapeng may halong ka-echusan. Kapeng barako or yung brown coffee na sikat na ngayon.
Dahil most of us loves coffee nga, ibat-ibang klaseng tao din ang nagkakape dito sa Starbucks.
UNA, ang pinaka napansin ko ay yung mga taga Call Center. Mga taong tulog sa umaga at gising sa gabi. Since nasa Business Capital ako ng Pilipinas, maraming call centers ang nakapalibot sa Starbucks na ito. So most likely, sila yung nagpapayaman sa coffee shop na ito. Well, they can afford to buy coffee in Starbucks, you know! (with accent... slang!). And the size? Venti of course. Labas masok ang mga agents na ito, pati mga big bosses nila sa Starbucks din ata dumideretso para magkape gayong alam naman natin na may libreng kape sa pantry. Drink all you can pa. Wala nga lang frapuccino sa mga vendo machines na yun.
PANGALAWA, mga Sosyalera/Sosyalero. Sila naman yung mga can afford na mga tao. Mapera. Membro ata ng alta sa siyudad ang mga iho at iha. Sosyal naman talaga sila, the way they dress and the way they speak. Hindi gaya ng ibang taga call center na kahit wala sa loob ng opisina eh english pa rin ng english kahit nagkakandarapa na ang salita nila. No offense ha! Totoo naman eh! Wag kayo magalit mga taga call center eh taga call center din naman ako at hindi ako magaling mag english kaya nga di ako nag-eenglish sa labas eh. Sa loob lang ng opisina pag kailangan. Isang kilo lang din ang english ko. Swear! Anyways, ang mga taong ito ay nakatambay din sa Starbucks dahil minsan dun sila nag bubusiness meeting o may ka meet ka isang sosyalera din.
The Rich and The Famous, ang PANGATLO sa mga napapansin ko na pumupunta sa Starbucks. Oo rich and famous, gaya ng artista, pulitiko, sikat na basketbolista, news anchor, CEO ng Call center. Sa minsanang pagkakape ko sa Starbucks na ito, nakakita na din ako ng isang rich and famous. Itago na lang natin sila sa pangalang Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. Kung sinuswerte ka nga naman diba. Kahit na gustong gusto kung bumunot ng bolpen at papel para mag pa autograph ay pinigil ko ang sarili ko. Baka malahatang taga probinsya ako. Nakakahiya din naman.
PANG-APAT, Social Climber ang sumunod na napansin kong nagkakape sa Starbucks. Sila yung mga taong halatang not so rich and famous pero pinipilit pa rin magkape para feeling "in" sila.
At ang PANGLIMA, ay syempre yung mga taong gaya ko. Yung tipong nagkakape para lang pansinin ang mga taong pumapasok sa Starbucks. Yung mga echusero at echusera. Gaya ng ginagawa ko ngayon. Wala naman talagang dahilan para magkape ako. Pero since wala akong topic na mailagay sa blog ko kaya heto, pati ibang tao pinapansin ko na din. Pakialamero daw ba ako? Hehehehe.
Well, sa totoo lang ang point naman talaga ng post na ito ay upang sabihin sa inyo na kahit anong istado ng buhay nating mga Pilipino, mayaman man o mahirap ay pinipilit pa rin nating gawin ang mga bagay na gusto nating gawin. Mga bagay na nagpapasaya sa atin. After all, what matters most is what we've done to make us happy and not what we did not do because were too afraid to try something new. Minsan naman talaga may dahilan ang bawat tao kung bakit nagkakape sila. At kung ano man ang mga dahilan na yun.. ehh nasa sa kanila na yun. Pakialam ko!
A cup of coffee shared with a friend is happiness tasted and time well spent.
ako masaya nako sa 3 in 1 coffe.. hehehe, karamhihan sa mga sosyalero at sosyalera na ka kilala ko sa Pinas, pero diko nilalahat..ay sila yung mga ubos na ang credit limit sa credit car...
ReplyDeletedun sa pangalawa, mejo nag tataka lang, sa mga taong ganun na kahit sa labas ng trabao e, panay englih pa din..at isa pa nasa Pilipinas sila.
Happy New Year
sino kaya ako dyan? wahahaha!!!
ReplyDelete@aDANG-- GANUN TALAGA.. HEHEH
ReplyDelete@Pinoy Adventurista --hehehe.. kaw na bahala parekoy kung san mo gusto.. hehehe
wee.. di nga ako nagkakape eh.. hahaha
ReplyDeleteincidentally may 2 posts ako regarding starbucks http://www.damuhan.com/search/label/Starbucks. hehehe. call center agents nga ang nagpapalago ng starbucks. pero marami-rami ring social climbers na nakakatawang pansinin. yun bang kukuha ng maraming tissue para souvenir tapos matagal uubusin ung kape. hehehehe
ReplyDeletetama yun about sa callcenter kasi nakakasawa din magenglish kaya dialect ginagamit sa labas ng office at sa amin noon pagnahuli ka na nagdidialect eh may bayad.
ReplyDeleteand sa amin libre ang coffee perro di kasing sarap ng starbucks
tara kape tayo... hehehe!!!
ReplyDelete@Bino-- hahaha uu nga noh meron ka din post about it..lol.. nakakatawa naman..
ReplyDelete@hard2getxxx -- oo nga ehh tama ka dyan...
@Pinoy Adventurista =- tara kape tayo..
hmmm... magandang observation ang pinresent mo dito. matuturing na pala talagang isang social hub ang starbucks. wakeke :)
ReplyDeletensa kuwait na ko since january last year...
ReplyDeletesalamat sa bisita..
may bago ka plang blog... wow congrats sana maxlink din ako dun
@Nowitzki-- oo nga ehh.. hehehhee
ReplyDelete@Uno -- nasa kuwait ka pala.. akala ko nasa pinas ka lang. Ok naman ba buhay dyan? hindi mahirap?Oo meron akong bagong blog.. di pa nga masyado naupdate ehh.. cge ba exlinks tayo dun..
tara! asan ka ba?
ReplyDeletebuti na lang sa bahay ako nagkakape :)
ReplyDeleteyessss. sikat sa blogs ng pinoy. congrats!!!!!!! :D
Ser Mots -- buti na lang or else makikita kita sa Starbucks.. hahaah.. nakks.. naman..sikat ba yun? thanks..
ReplyDeletesame with mots sa bahay at sa work lang ako nag co-coffee nyahahaha pero meron akong 2011 Planner ng SB nyahaha :)
ReplyDeletehaha! natawa ako sa pang-apat at pang-lima... at sa mga call center agents...naging call center din ako dati (kahit di ka nagtatanong) pero wala lang nag pipizza lang kami...hehe at nagkakape 'yong mumurahin lang,,=(
ReplyDeleteako naman nagkakape ako for the antioxidant factors and lakas kasi nang lasa..gusto ko 'yong at ang paborito ko sa lahat 'yong cappuccino... ;)
@zeb-- minsan lang naman ako sa starbucks..pag nilibre or pag may extra lang hehehe..pero kakakuha ko labng din sa planner ko just today lol
ReplyDelete@riza- hehehe..oo naman ako din. minsan lang talaga ako sa starbucks.. hehehe
whahahha the who heheheh :D
ReplyDeletenice article. ang starbucks naman ay hindi exclusive para sa mga mayayaman. though the cost is quite expensive it doesnt follow na hindi na pwedeng pumasok o bumili dito ang isang tao na sabihin nting hindi naman talaga mayaman. sabi mo nga kahit anong estado pa natin sa buhay bakit hindi kung yun ang nakapagpapasaya sa atin. and i agree. after all kaya nga tayo nawowork so that we can afford yung mga bagay na makagpapasaya sa atin. gud observation. vamos a tomar.
ReplyDelete