You Are Special
MAKATI, Philippines -- Habang nagpuputukan na sa labas at busy ang lahat sa pagsalubong sa bagong taon. Ako naman, heto nakaharap sa laptop, nag iisip at nagmumuni kung anong makabuluhang bagay ang gagawin ko sa pagdating ng bagong taon na ito. Habang nakikinig ng musika ang kanan kung taenga at ang kaliwa naman ay nakatuon sa balita sa telebisyon, ang utak ko naman ay nag-iisip ng mga bagay-bagay. Madami akong naiisip. Namimiss ko pamilya ko. Wala ako sa kaarawan ng kapatid ko sa araw na ito, technically kahapon ang birthday nya kasi January 1, 2011 na tayo ngayon. Maraming akong gustong gawin na di ko naman magagawa.
Anyways, since napagod na ako sa kakaisip at naiingayan na din ako sa paputok at nalilito na ang taenga ko sa kakapakinig ng balita at musika, naisipan kung dumungaw sa bintana at panoorin na lang mga mga taong nagpaputok at naglalaro sa labas ng bahay namin. Habang nakatingin sa labas ng bintana, napatingala ako sa langit at napasabing,
"Salamat, Panginoon dahil sa ako'y mahal mo."
Bumalik ako sa loob ng bahay; humiga sa sahig na malamig habang inaalala ang mga nangyari sa buhay ko noong nakaraang taon (nag eemo lang talaga ako ngayon). Napatanong ako sa sarili ko kung anong meron ako at mahal pa din ako ng Diyos. Sa lahat ba ng bagay na ginawa ko. Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa sarili ko at sa kapwa ko ay mahal pa din nya ako. Sa lahat ng pagkakataon na nadismaya ko sya ay andun pa din ang biyayang hindi mapigilan.
Naalala ko nung minsang umattend ako ng seminar patungkol sa pagpapahalaga sa sarili. Nagsimula ang speaker sa pamamagitan ng pabunot ng isang libong piso sa kanyang bulsa. Itinaas ang pera at nag tanong sa mga nakakarami,
"Sino ang may gusto ng perang ito?".
Isa ako sa mga nagtaas, habang nakatingin sa look ng function hall. Nakita ko na ang lahat ay nakataas ang kamay, yung iba dalawang kamay ang itinaas.
Ginusot ng speaker ang pera sabay tanong...
"Sino ang may gusto ng perang ito?".
Lahat ay nakataas pa din ang kamay ng walang pag aalinlangan.
Habang gusot na gusot na ang pera, tinapon ng speaker ang isang libong piso sa sahig sabay apak at kiskis sa sahig hanggang sa nagmukhang mula at gasgas na ang perang ito.
Muling nag tanong sa madlang people ang speaker.
"Sino ang may gusto sa perang ito?".
Napaisip ako na kunti na lang ang tataas ng kamay. Ngunit halos lahat ay nakataas pa rin ang kamay.
Naisip ko na ganun na ba kahirap ang tao ngayon? Kahit ba ang perang gusot at halos punit na ay pagkakainteresan pa rin natin.
Ngunit iba ang leksyon na nakuha ko sa pangyayaring iyon. I've learned a very valuable lesson. Kahit anong gawin ng speaker sa perang ay gusto parin natin ito dahil sa hindi naman bumaba ang value ng perang yung. Isang liubong piso pa din sya kahit gusot at punit na. Pwede namang ayusin at magamit muli.
Maraming beses sa buhay natin, bumagsak tayo, nadumihan, hinila pababa at inapakan sa putikan siguro dahil sa mga desisyon na ginawa natin o sa mga pangyayaring di natin maiwasan o dumaan sa ating buhay. Minsan naisip at naramdaman natin na worthless tayo dahil sa failure tayo. Pero kahit ano pala mangyari o nangyari sa buhay natin. Failure man tayo, sugatan at nasaktan, inapakan man o itinapon, hindi pala nawala ang value natin sa mata ng Diyos. Para sa kanya, madumi man o malinis, lukot man o maayos still wala pa rin ang katumbas natin sa mga mata nya.
Ang halaga ng buhay ng bawat isa sa atin ay hindi sa kung ano ang ginawa natin o kung ano ang alam natin kundi sa akong ano at sino tayo.
Special ka-- Yan ang wag mong kalimutan!
Ang gandaaaaa..... salamat sa pag-shashare may natutunan na naman akong ipagkakalat.. este... iinspiration... hahaha x)
ReplyDeleteHAPPY NEW YEAR
too much love on money can kill us. money can't buy us love. ganunpaman, kailangan pa rin talaga natin ang pera :D
ReplyDeletesalamat xander... haha.
ReplyDeletebigla na lang napaluha habang binabasa ko to.
mahirap magbalik-loob. pero paulit-ulit.
paulit-ulit. pinapaalala niya sa'kin na mahalaga ako at mahal na mahal Niya ako.
I thank the Lord for using your words to reach through me. :)
@Kamila-- salamat sayo.. hhaha..ipagkakalat talaga?
ReplyDelete@Bino-- tama ka dyan pare koy.. kailan natin ng pera para mabuhay din. Wag lang mahalin ang pera yun ang ugat ng kasamaan.. hehe
@Nowitzki -- oii nakakatouch naman comment mo.. hehee.. Thanks ha na natouch ka sa post ko..
wow.. so touch naman sinu kaya to... hmmpp :D
ReplyDelete