Paghihintay at Pagkakataon

"Ang puso natin ay napapagod din. Ngunit hindi ibig sabihin na kapag pagod  ay sadyang susuko sa PAGTIBOK at umasang MAGMAMAHAL muli."

Sa bawat pagdaan ng mga araw. Sa bawat pag ikot ng mundo. Ilang puso na ang nasaksihan kung sawi at bigo. Ilang beses na akong sumubok na umibig, ngunit sadya nga kayang hindi para sa akin ang pag-ibig' Inakala na ang pag-ibig sa nakaraan ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko, ngunit ito pala ang pinakamasakit. 

Ilang beses nang nasaktan at iniwan. Ngunit hindi ibig sabihin ay hanggang dun na lang. Hindi nangangahulugan na ang puso ay hihinto at susuko. 

Sa bawat paglalakbay ko sa kalye ng pag-ibig, ilang kaalaman ang aking natutunan. Mga kaalaman na kailan man ay di ko makakalimutan.

Nasaktan kaman sa ngayon,. Bukas ikaw ay babangon at taas-noo mong sasabihin na sa bawat pagkakataon  na ikaw ay nasaktan masasabi mong ikaw at naging matapang.

Wala kang karapatang MAGMAHAL kung hindi ka handang MASAKTAN ang baon sa tuwing ako'y naglalakbay sa paghahanap sa aking kabiyak.

Sa bawat bulong kung panalangan kay God. Sa bawat pagtitiwala na balang araw darating din ang tao na para sa akin. Sa bawat pag-asa na aking nadarama, maangkin din ang pag-ibig na wagas.

Balang araw mararanasan ko din ang SUMAYA muli.
Balang araw mararanasa ko din ang NGUMITI muli.
Balang araw mararanasan ko din ang madama ang YAKAP at PAGMAMAHAL.

Ilang taon akong naghanap. Ilang taon akong naglakbay. May dumating na pagkakataon. Inakala na ito na nga iyon. Ngunit ang pagkakataon ay nawala. Bumitiw. Iniwan. 

Isang pagsubok ng aking pagkatao. Isang mulinga paglalakbay. 

Nakadama ka man ng pagod sa paglalakbay. Sa paghahanap. Pwede namin naisin na TUMIGIL. HUMINTO at magpahinga. 

Hindi natin alam na sa ating pagpapahinga ay makakatagpo tayo ng isang taong naghihintay lang din sa iyong pagdating. 

Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay lumuluha sa tuwing ito ay masaktan dahil sa nabigong pag-ibig.

Ang iba ay luluha na baka di na makakatagpo ng para sa kanila.
Lumuha na baka habang buhay na lamang silang mag-iisa.

Ang pagpapasensya sa paghihintay ang syang makakapagpapasaya sayo. Ibaling ang pag iisip sa ibang bagay. Isipin mo na bago mo pa sya nakilala at nag iisa ka lang at kaya mong mabuhay muli sa maikling panahon na ito. Yan ang PAGHIHINTAY ng tamang PAGKAKATAON.

Kapag dumating ang tamang pagkakataon. Wag sayangin ang bawat oras at araw na ipakita na ikaw ang karapat dapat. 

At ako'y nananalangin na sa bawat paglalakbay mo sa bagong pag-ibig ay baon mo ang pagmamahal at pagtitiwala sa isat-isa. 

Comments

  1. may mabuting maidudulot ang masinop na pag-iintay :) hehe. tuloy lang ang life in the mean time. dadating din ang iyong Bb.Right :)

    ReplyDelete
  2. really nice post but medyo malalim yung tagalog for me pero nevertheless I really liked it. Someone for you is just somewhere out there so chill ka lang for now. :D

    ReplyDelete
  3. naks... dont worry sabi nga nila everything will be fine in the right time.... :D

    ReplyDelete
  4. @Nowitzki --- tama ka dyan

    @Anciro - oo choi emo mode ko karon haha

    @Kooks - salamat sa komento mo. Sadyang malalim lang talaga ang mga nabitawang salita. Salamat sa pag daan.

    @AXL- good job!

    ReplyDelete
  5. in love ka? hehehe... pakilala mo sa amin ha.. post ka pics pag may girlfirend ka na.. :D

    ReplyDelete
  6. all of us have our fair share of that feeling. darating din yan! dont worry

    ReplyDelete
  7. @Nielz-- hahaha.. hindi ako inlove..brokenhearted nga ehh hahahaha

    ReplyDelete
  8. @wanderingcommuter - yeah i agre.. thanks for the comment.. i know darating din yan..thanks man!

    ReplyDelete
  9. sabi nga nila, love takes time. hindi hinahanap ang pag-ibig, kusa syang dumadating :D

    ReplyDelete
  10. Musta?

    Magandang gabi!

    Maganda itong blog post mo... share ko lang and alam kong alam mo narin ito pero it's worth sharing parin...

    GOD has a perfect time for everything. He is making your love story one step at a time. Baka naman kasi kaya di mo pa nakikita or nakikilala ung taong para sa iyo ay dahil sa hinahanda kayong dalawa sa isang GOD-centered relationship... di naman ata kaaya-aya kung hinog sa pilit dba? Kapag nadevelop nyo na ung mga characteristics na kailangang madevelop, maaaring magkatagpo kayo... Hindi ba't mas masaya at mas rewarding ang paghihintay sa isang taong binigay ng Maykapal? For the meantime, continue to pray for her and for yourself.

    Again, I'm blessed by this post. Continue spreading wisdom for GOD's greater glory!


    To GOD be the glory till eternity! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?