A Letter to my Heart

Dear Heart, 

You know what sometimes you are unfair. Bakit ba kailangan mong umibig sa iba kung may mahal ka na? Bakit pa kailangan mahulog sa taong bago mo lang nakilala at kayang ipagpalit ang taong matagal mo nang nakasama. Unfair ka nga talaga! Ang sabi ng utak ko sya lang ang mahal mo, ngunit ngayon di ko mo namalayan na umiibig ka na sa kanya. Pano mo ngayon masasabi na tapat ka sa kanya. Pano mo ngayon idepensa ang sarili mo at sabihing siya lang at wala nang iba. Manloloko ka! Sinungaling ka!

Sinabi mo na siya lang ang mahal mo, pero heto ngayon kaharap ko ang taong sayo ay nagpapasaya. Pano mo ngayon masasabi na ako lang kung nakikita ko sa mga ngiti mo ang saya sa tuwing kayo ay magkasama. Pano mo nakayang ako ay saktan ng ganyan. Hindi mo ba naisip na binigay ko ang lahat para lang sa ating samahan. Looser ka talaga! Nakikita ko sayong mga mata na masaya ka. Ramdam ko na kakaiba ang binigay nya na ligaya. Hindi pa kita nakikitang ganyan ka alaga sa kanya. Nakakalungkot at ako ay nawala na nga.

Ngunit, my dear heart, ganun pa man, nagpapasalamat ako sa ginawa mo. Nalaman ko na matapang pala ako. Nalaman ko na may mga bagay pala na hindi ko kayang pwedeng angkinin habang buhay. May mga bagay pala na kahit mahalaga sa akin ay pwede pa rin kunin hindi upang ako'y ay parusahan kundi upang ako ay may matutunan. Naging buo ang loob ko sa ginawa mo. Hindi ako magpapatalo sayo. Hindi ko rin pinapangako na maipaglalaban ko sa kung ano man ang sa tingin ng iba ay para sa akin. Ngunit, taas noo kung sasabihin na nakaya ko kaya salamat sayo. Wag mong isipin na titigil ako sa pag-ibig. Alam ko makakatagpo din ako ng para sa akin. Sana lang wag mo na akong lokohin.

Ganun pa man, my dear heart, alam ko na masaya ka. Wag kang huminto sa pagtibok ng iyong puso. Mahalin mo ang sa kung sino at ano ang tama. Wag ka malandi. Gets mo?


Comments

  1. mabuti nalaman mo agad ang ugali ni dear heart, kaya pasalamat ka na lang, makakatagpo ka din ng magmamahal sau ng tunay..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Mommy.. sana matagpuan ko na siya hehe

      Delete
  2. dear heart,

    minsan umiibig ka hindi lang sa isa ngunit sa pagkarami-rami. wag ganun. alalahanin mo'ng tumibok sa iisang tao lang. ung iba, dapat mo'ng kalimutan. heheehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. tama ka dyan.. nakikinig si heart.. lolz

      Delete
  3. kala ko letter ito na ipapadala mo sa "dear heart" program sa love radio dati. hehe. :)

    ReplyDelete
  4. hmp..LOVe it!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts