Gunita


Isang dakot ng gunita
Ang sa akin ay natira
Nang ikaw ay lumisan
Wala na nga bang pag-asa?

Pinilit kong kalimutan
Mga panahong nagdaan
Noong hawak pa ang mundo
At magkawing ang ating puso

Ngunit ngayon
Ano ang iyong iniwan
Mga gunita'ng dala ay sakit
Sa iyong paglisan

Hindi ko na inasam
Ang iyong pagababalik
Kung dala ay hapis
Sana pagiibig ko sayo'y magparam

Ngunit wag mag-alala
Masasayang gunita
Ang magsisilbing gabay
Sa puso kong napapagal

Naway makamtam mo
Ang tunay na kaligayahan


Panalangin ko'y matagpuan ang taong magmamahal
At di sana maging isang gunita

Comments

  1. that's a great shot! pretty sunset/sunrise :D

    ReplyDelete
  2. I am always fascinated with sunset . .tama ba ko sunset to? hehehe

    beautiful poem bro :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

When Love Moves In a Mysterious and Unpredictable Way

Sana Andyan Ka Lang

Lessons from Failure: Accepting Setbacks and Finding Renewed Purpose