Akala (Isang Konsepto ng Misunderstanding)
Ang bilis ng araw, akalain mo Sabado na ngayon akala ko nga Friday pa eh. So heto na naman ako nakaharap sa computer, nag-iisip kung anong pwedeng makabuluhang gawin sa hinaharap. Binilang at iniisip ang mga bagay na nangyari sa akin sa nagdaang panahon. Akala ko walang masyadong nangyari sa akin, akalain mo marami din pala.
Noong una, di ko inakala na sa Maynila ako makahanap ng trabaho na gusto ko. Trabaho na may malaking sweldo. Guro ako dati. Akala ko habang buhay na akong magiging guro. Akala ko, hanggang dun lang ako. Pero mali ako. May mga bagay pala na kaya kung gawin, hindi lang ang pagtuturo. Akala ko, sa paglisan ko sa pagtuturo ay magiging masaya na ako. Akala ko lang pala yun. Nakakalungkot mang sabihin, pero namimiss ko na din ang pagtuturo. Ngunit ganun paman, natutuwa pa din ako sa kung ano man ang narating ko. Akala ko makakalimutan na ako ng mga estudyante ko kapag huminto ako sa pagtuturo. Akala ko lang din pala yun. Natutuwa ako na makita at maramdaman na sa kanilang pagtatapos, minsan ay naging parte at bahagi ako ng kung ano man sila ngayon.
Ang dami kung maling akala sa buhay ko. Noong bata pa ako, akala ko na kapag di ka kumain ng hapunan at natulog ka, ay masasara ang kaluluwa mo sa loob ng kaldero. Kaya nung bata ako dapat kakain ako ng hapunin. Akala ko din na kapag nag naggupit ka ng kuko may masamang mangyari sa pamilya mo. Akala ko lang pala yun. Akala ko nung minsang nag-away kami ng kapatid, binato ko sya sa ulo, akala ko di sya maporuhan; ayun sapul. At inakala ko di ako papaluin ng nanay, Akala ko lang din pala yun.
Nung tumanda na ako, may mga akala ako na hindi ko akalain mangyayari sa buhay ko. Akala ko di ako mababaliw sa pag-ibig. Well, akala ko lang yun. Minsan na din akong umibig. Minsan na din ako nagparaya. Akala ko di ako masasaktan. Akala ko pag na broken-hearted ka, hindi masyado masakit. Akala ko lang din pala. Akala ko nga di na ako makabangon sa sakit na aking nadarama, pero Isang maling akala. Ngunit dahil dun, nagbago ang aking pananaw sa pag-ibig. Naisip ko ayaw ko na magmahal kasi masasaktan ka lang din pala. Pero, di ko inakala na iibig pala ako muli. Akala ko din sa tamang tao. Pero actually, akala ko lang din yun. Akala ko talo na talaga ako pagdating sa pag-ibig, pero darating din pala ang tamang tao para sa akin.
Akala ko di na kami magkakabati ng bestfriend ko. Pero akala ko lang din yun. May mga bagay pala na kung nakasakit ka o nasaktan ka ng isang tao, darating din ang tamang panahon na magkakaayos kayo. Hindi man ganun ka pareho ng dati ngunit, mas naging matatag at nag iba ang panananaw mo sa isang relasyon. Akala ko talaga wala nang pag-asa ang buhay. Akala ko di na ako yayaman. Akala ko mahirap mabuhay. Akala ko kapag nakasimangot ang tao ay malungkot na. Akala ko pag tumatawa naman, ay wala nang problema. Akala ko din na sakto na mga ginawa ko. Akala ko tama na lahat sa buhay ko. Akala ko perfect na akong tao. Akala ko panget ako. Akala ko lang pala yun. Kayo? ano sa akala nyo? Kung sa akala mo panget ako... Akala mo lang yun. Lol.
Akala ko wala nang kwenta ito. Akala ko may patutunguhan itong mga sinasabi ko. Akala ko talaga masasagot ko ang mga akala sa buhay ko. Pero akalain mo yun. Mali ang akala ko. Sa tingin mo may mga maling akala ka din? Ano sa akala mo?
♣♣♣♣♣
akala mo lang, pero nice article! magandang muni muni ito! ^^ kala ko nga hindi ko matatapos ang kwento.. akala ko lang pala hihi pero natapos ko!!
ReplyDeletenaalala ko ung nung bata din ako bawal nga daw matulog ng hindi kumakain magdudukot ang kaluluwa sa kaldero tapos pag naulingan hindi na makakabalik sa katawan. (huh!!? nung lumaki nako funny pala un... hihi)
nice header!! i like it!
@Bon- Thanks naman!
ReplyDeleteAkala mo lang wala, pero MERON, MERON, MERON!!! hehehe...
ReplyDeleteMay mga bagay talaga na akala natin eh yun na ang totoo, na yun na ang tama, na yun na ang mangyayari. pero sadyang napaka unpredictable ng buhay. Akala lang natin, pero mali pala tayo. Pero meron ding hindi natin inakala, pero nangyari.. pero totoo.. pero yun pala ang tama. Ohdiva?
Akala ko nga, panget ako.. pero mali ako. maganda naman pala ako. (Bwahahaha!!! Kapal-muks lang. hehe.. pagpasensyahan na ang kulang sa tulog)..
hihiiihiihhihi.. oo akala ko nga din panget ako.//hindi pala..
ReplyDelete