The Audition

     Nakakatuwa at nakakaaliw manuod ng isang paligsahan. Karaniwang nakikita sa ating mga telebisyon ang mga paligsahan na kung saan ipinapakitang gilas ng mga ito ang talento sa pag awit, sayaw o drama, o di naman kaya paligsahan sa pagpapaganda, . Minsan naisip ko na din kung sakali ako ay sumabak sa isang patimpalak-- ano kaya ang pakiramdam? Hindi maikakaila na sa isang paligsahan, lalong lalo na sa Telebisyon, ay dumadaan ang lahat sa isang "Audition". Bawat tao ay sinusuri ng mabuti at pinipili sa kung sino man ang sumabak sa grand finals. Kung iisipin mo hindi rin madali ang pagsali sa mga paligsahan lalo na kung ang kaakibat nito ay malaking halaga at ang maging kilala sa kung ano mang larangan ang iyong sinalihan.

     Bawat tao ay gusto maging kilala at sikat sa kung ano mang klaseng talento meron sya. Ngunit, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon. 

     Napagtanto ko, na ang buhay ng isang tao ay hindi madali. Bawat isa ay dumadaan sa isang "Audition". Araw-araw, kailangan natin gumising para magtrabaho, mag-aral, o gawin ang mga bagay na kailangang gawin upang mabuhay, matoto o para maipaibayo ang sarili. 

     Sa "audition" ng ating buhay, ang bawat isa ay inaasahan na maipakita ang taglay na talento upang malampasan ang pang araw-araw na panganga-ilangan. Kailangan ay ibigay ang buong pagkatao at kakayahan upang makamit natin ang ating mga hangarin sa buhay. Sa isang mag-aaral, kailangan mag sumikap upang makatapos sa kursong pinasok. Sa isang manggagawa, kailangan mag sumikap at magpakitang gilas upang umangat ang posisyon sa trabaho, hindi kailangan mandaya para lamang makamit ang pansariling layunin. Sa isang tambay na wala nang ginawa kundi matulog, kumain, o di naman kaya ay maghintay ng grasya sa iba, ay dumaraan din sa isang "audition" sa buhay. 

     Ang buhay ay isang paligsahan. Paligsahan na ang pamantayan ay iba-iba. Sa tunggalian ng buhay, ang bawat isa ay nagnanais na manalo. Ang bawat isa ay nangangarap na makuha ang pinakamataas na papremyo. 

     Pero di ba natin naisip na may pinaka malaking "audition" tayong hinaharap sa bawat oras, bawat minuto at bawat sigudo sa ating buhay? Ito ay ang pag husga ng Diyos sa bawat kilos at gawa, bawat salita at isip, bawat pagbibigay at pat uunawa, sa bawat pagmamahal at pagpaparaya na ginawa natin sa ating buhay.


     Ako'y naniniwala na lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Puong Maykapal ngunit isa-isa tayong haharap sa kanya upang husgahan sa lahat ng bagay na ginawa natin, mabuti man o masama.Parang sa isang paligsahan na ang mga hurado ay pupunahin o papansinin ang bawat mali o tama sa ating buhay. 


     Bilang wakas, ako'y nananalangin na sa bahay pag-ikot ng ating buhay, sa bawat bagay na ating minithi, sa bawat salita na ating binitiwan, sa lahat ng paglingap, at sa bawat layunin, isipin natin na may isang huradong handa tayong husgahan at patawan ng kung anong nararapat. Isipin natin ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa at nang ating makamit ang pinakamataas na papremyo-- buhay na walang hanggan na pinangako ng Diyos na mapagmahal.


Comments

  1. ganito ang gusto kong mga blog -- very neat
    at inspirational ang mga posts.
    tama ka kapatid -- ang buhay ay isang malaking audition..

    ReplyDelete
  2. Thanks Yodz! Ill keep on posting inspirational stuff...

    ReplyDelete
  3. Thanks Diamond R.. Glad you are inspired..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?