Ang Buhay Nga Naman

Gaano ba kahalaga ang buhay mo? Ang halaga ba nito ay nasusukat sa salapi? Pano natin to pinahahalagahan? Sa pamamagitan ba ng pag-aalaga ng ating buong katawan at isipan? Gaano ba natin kamahal ang sarili natin? 

Bawat isa ay may paraan kung paano natin pinapahalagahan ang buhay at ang sarili. Sa aking sariling panananaw, ang pag respeto sa sarili ay isa sa pinapamagandang paraan ng pagmamahal sa sarili. Kung buhay naman ang pag uusapan, ang isa sa pinakamabisang paraan ay ang Pananalig at Paniniwala sa Puong Maykapal, ang makapangyarihan at ang may likha ng lahat ng bagay dito sa mundo. Minsan sa buhay hindi maiiwasan na ito'y puno ng kagalakan o di naman kaya'y kalungkutan. 

     Life!...oh life!...ohhh.. lifee... tododot doott...(Ayun sa tono ng kanta ni Des'ree, ang babae na mukhang lalaki...joke!). Ano nga ba ang buhay? Hindi madali ang buhay, madalas nga nating marinig na "life is unfair", unfair nga lalo na kung ang mukha mo naman ang problema mo sa buhay. Masaklap isipin na maraming daing ang bawat tao sa buhay. Kung yung mayayaman nga, maraming angal sa buhay, tayo pa kayang mas mayaman... hahaha.

     Well, para sa akin ang buhay ay maihahalintulad lang sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Hindi man ito maganda ngunit ang bawat bagay ay may dahilan at rason kung bakit sila nilikha.

     Una, ang Buhay ay Parang Sintas ng Sapatos. Masalimuot. Magulo. Dumaraan sa bawat butas ng pagsubok sa buhay. Ngunit sa bawat butas na sinusuong ay masisiguro mung malulusutan ito at muling magamit ang magandang sapatos ng buhay. 

Pangalawa, ang Buhay ay Parang Inidoro. Hindi lahat ng maganda sa mundong ito ay matatamasa mo. Minsan, makakaharap din natin ang panget sa buhay. Makakaharap din natin ang bawat baho at amoy ng mundo. Subalit, hindi doon humihinto ang pag-inog ng buhay. Balang araw, makakaranas ka din ng kaginhawaan at aalingasaw din ang bango ng buhay.

Pangatlo, Ang Buhay ay Parang Dress Rehearsal. Maraming pagdadaananng pagbabago.  Makulay. Minsan masikip din ito. Minsan naman masyadong maluwang, yung tipong hindi ka nababagay sa mundo. Parang isang damit na luma at kailangan ng itapon. Ngunit lahat ng damit pang insayo ay may kanya kanyang panahon sa entablado. Ito ay naayon at nababagay sa itinakda. Hintayin mo at makikita mo rin ang gandang ng mundo. 


Pang-apat, Sabi nga ni Kuya Batjay (isang magaling na blogger na sinusubaybayan ko), ang Buhay ay parang gulong ng hot sauce sa ibabaw ng sinangag. Hindi ko rin alam kung bakit parang gulong ng hot sauce. Dahil siguro maanghang ang buhay. Oo nga naman! Maanghang talaga, at kung ilagay mo pa sa mainit na sinangag..Mas maanghang! Ibig sabihin, masarap mabuhay. Mainit. Maanghang. Nakakagutom. 


Panglima, ang Buhay ay Parang isang Laro. Minsan ikaw ang taya. Minsan naman ikaw ang Panalo. At pag panalo ka, makakamit mo ang kahit na ano..ika nga "The Winner Takes it All". As the common phrase said:

Life is like a game of cards. You did not invent the game, nor did you frame the rules. You have no control over the cards dealt to you, but you are there to play. A good player, even with a bad hand of cards, will play well and emerge a winner. A bad player, even with the best of cards, will play badly and lose. The question is how are we playing it?  


Pang-anim, Ang Buhay ay Parang Excel Spreadsheet (Version 2007). Maraming pitak. Kailangan nakahilera. Kailangan sundin ang batas ng buhay upang makabuo ng tamang imahe o kasagutan sa bawat proseso na ginagampanan. Kailangan sundin ang bawat. Hmm.. naisip ko din, kung pwede lang sana i-pivot ang buhay cguro mas madali mong malaman ang mga kasagutan. O di naman kaya i-macro ang buhay para yung mga hindi importante at hindi kailangan ay pwede mo nang idelete. 


Pang-pito, Well, ano pa nga ba ang buhay kundi ang pinaka-common. Ang Buhay ay Parang Gulong. Minsan top ka. Minsan bottom. Hahaha! Nakakatawa! Hindi natin alam na sa susunod na araw, tayoy nasa itaas na pala. Bilog ang mundo at gayun din ang buhay. Kaya habang nasa itaas ka, make the most out of it. Take it as an advantage and opportunity para pag bumagsak ka, may lubid kang nahihila para umakyat muli sa itaas. 

Pang-walo, Ang Buhay ay parang Lapis. Magkaiba ng haba at sukat. Depende sa kung paano ginamit at kung gaano kadalas gamitin. Depende sa kung pano mo din pinapahalagahan ang mga bagay sa buhay. Minsan nakikita sa burador ng lapis kung madalas itong ginagamit ng tama. Binubura ang mga mali sa buhay upang hindi na maulit at itoy makalimutan. Gayun paman, ang buhay ay parang lapis dahil sa hindi importante angkung ano ang nasa labas nito, kundi ang kung ano ang nasa loob.


Pang-siyam, Ang Buhay ay Parang Kuko. May mahaba, may maiksi. May kolorete o kadalasan naman ay wala. Pero mas malupit kung ito'y itim at wala nang buhay na kuko.


At higit sa lahat ang Pang-sampu. Parang 10 Commandments lang ito noh? Ang Buhay ay parang ako, MASARAPOO masarap ako! Masarap na kaibigan. Kakwentuhan. Masarap at mabait ako na anak (ayun sa aking Ina). Masarap mabuhay. Life is what we make it, sabi nga nung babaeng nasa likod ko ngayon. Well, maraming surpresa ang buhay. Minsan nagugulat ka na lang na ang mga bagay na hindi mo inaasahan ay nasa harap mo na pala. 


Para gumandang ang buhay dapat laging tandaan:
  1. Ikaw ang may akda sa kung ano man ang mangayayari sa buhay mo. Ang Diyos ang iyong gabay. Buhay mo yan at hindi buhay ng iba. Take it...Its yours! (Sigaw ng mga kalalakihan sa movie na 300).
  2. Ikaw ay hindi isang pangkaraniwang nilalang.  Isa kang mataas na uri ng hayop na nakakapag pasya at nakakapag-isip sa kung ano man ang gagawin at mangyayari sa buhay. 
  3. Patawarin ang sarili at ipagpatuloy ang paglakad sa daan ng buhay. In English: "Forgive yourself and Move on".
  4. Alagaan ang sarili sa pamamagitan ng paglikom ng mga bagong kaalaman. Nurture yourself physically, mentally and emotionally. 
  5. Ang bawat pangyayari sa buhay ay may dahilan. 
  6. Kung may pinto magsasara, may isang pintong magbubukas. Hindi palaging nakasara ang pinto, kailangan din itong buksan upang makapasok ka. Gets?
  7. Ang pagiging buhay ay sapat na. Live one day at a time. Wag problemahin ang bukas. Isipin ang sa kung anong mangyayari sa ngayon at kung ano ang magagawa mo rito. Always leave a good mark everyday so that you have something to look back when you reach the top.
  8. May kapangyarihan ang pagiging positibo sa lahat ng bagay. 
  9. Magpahinga, Magsaya at e-enjoy ang buhay!!!


Comments

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?