Bata Bata Pano Ka Noon?
Madami akong ala-ala nung bata ako. Siguro masasabi ko na masaya at buong buong ang childhood days/years ko. Hindi gaya ng mga bata ngayon na halos hindi na pwedeng maarawan o di naman kaya ay hindi pwedeng pagpawisan. Ako, o siguro tayo (sa mga ka-edad ko) masasabi kung naging masaya ang pagiging bata ko. Nakakatuwang isipin kapag bumalik ang iyong ala-ala sa pagiging bata. Nasabi ko na din sa sarili ko na sana ay naging bata na lang ako. Kasi sabi nga nila ang bata daw parang walang problema. Walang pinagdadaanang hirap. Palaging masaya. Naglalaro. Tumatakbo sa ulan na nakahubad. In short, walang masyadong iniisip. Hindi gaya ngayon, maraming responsibilidad, marmaing iniisip, kailangan mapagdaanan ang hirap para mabuhay at maging matapang. Pero panget din kung bata ka pa rin pero ang edad mo eh 100 years old. Ano ka isang bampira?
Ano nga ba ang mga alala ko nung bata ako? Heto ang ilan sa mga yon:
- Nung bata ako kapag walang pasok, dapat kami matulog sa tanghali. Bawal ang gising at gumala kasi ang palaging sinasabi at panakot ni Inay ay may kukuha ng mga bata at nilalagay sa sako para gawin asin. So dahil bata ako at hindi antokin noon, tumatakas ako at nakikipaglaro sa mga bata sa kapitbahay. Kapag nagising si Inay, palo na gawa sa sanga ng bayabas ang inaabot naming magkakapatid.
- Minsan naman, hinahayaan lang kami ni Inay o ni Itay na maglaro pero kapag kumagat na ang dilim kailangan na kaming umuwi sa bahay, nakaligo na bago maghapunan.
- Masaya ang buhay bata lalo na kapag sa probinsya ka lumaki. Laki akong probinsya kaya ang pag akyat sa puno ng bayabas, papaya, santol, langka, at atis ay nagawa ko na.
- Naranasan ko din na manghuli ng gagamba kasama si Kuya. Dun nga nag umpisa yung takot ko sa gagamba eh. Dahil sa yung hinuli namin ni kuya, pagdating sa bahay, nilabasan namin yung gagamba sa posporo, naipit pala ang paa kaya ayun nakagat si kuya at naitapon ang gagamba sa akin. Simula nun hindi na ako nanghuli ulit.
- Naranasan ko din ang pagsakay sa kalabaw. Panghuhuli ng buhay na manok at ang pag katay nito. Pamimingwit ng isda at palaka para gawing hapunan ay naranasan ko na din.
- Since nung kabataan ko ay puro laro lang ang nasa isip ko wala na kaming inatupag kundi ang maglaro buong maghapon. Nandyan ang laro ng patentero, habulan, taguan, tig-so (yung may dalawang grupo na may bahay kayo na kailangan nyo paglabanan ng kalaban. Kung sino ang maka punta dun sa bahay ng kalaban na di nahuhuli ay panalo), syatong, tumba lata, sipa, jolen, laro ng goma, batuhan hanggang sa mabukulan, iiyak, pagkatapos magtatawanan ulit na parang walang nangyari.
- Minsan naman pag tinamad ako lumabas ng bahay, dun lang ako tumatambay sa loob ng bahay ng mga kaibigan ko, magtataguan kami at dun magtatago sa loob ng aparador, sa ilalim ng kama, o di naman kaya ay magkwentuhan ng mga nakakatakot.
- Isang libangan din namin ang panunuod ng TV. Kahit hindi pa uso ang colored TV at cable noon, nag eenjoy pa din kami sa mga palabas lalo na kapang bandang hapon or di naman kaya ay gabi. Naalala ko pa noon tuwing Biyernes ng gabi pinapalabas ang Regal Shocker.
- Kapag umaga naman, naaliw kami manuod ng Princess Sarah o di kaya Cedie: Ang Munting Prinsipe. Pati na din yung Dog of Flanders, na sobrang nakakaiyak ang kwento. Naalala ko din ang mga kwento ni Remie at ni Jolicor (di ko alam kung tama ang spelling), ang batang nawalay sa ina. At ang walang kamatayan si Julio at Julia ang Kambal ng tadhana, na palaging hinahabol at gustong ipapatay ni Reyna Imperatress kasama ang hukbo ni Pudong.
- Naalala ko din dati na nung bata ako naglalakad lang kami papunta at pauwi galing ng school. Walang sumasakay ng tricycle or motor. Walang masyadong kotse noon kaya pagdating ng 4 or 5 pm ang daan puno ng mga batang naglalakd pauwi sa eskwela. Nakakatuwa. Ang gulo pa namin noon kasi uwian na at maglalaro na kami. Di gaya ngayon bawal na maglakad at daopat may kasamang yaya o choperon, baka naman kasi ma kidnap delikado.
- Dati umiinom kami ng tubig sa gripo o sa batis. Malusog pa din naman kami. Kahit tubig sa balon nga iniinom namin pati yung tubig ulan. Walang uso ang diarrhea o sakit sa tiyan dahil sa pag inom ng mga tubig na ito. Pero ngayon dapat naka mineral water ang mga bata at di pwede ang tubig sa gripo. Dahil din siguro sa hindi na malinis ang mga tubig na ito.
- Dati kapag natuntong ka sa edad na 7 or 8 years old, dapat ay natuli ka na. Kapag hindi, pagtatawanan ka ng mga kalaro mo. Dati, ang paraan lang ng tuli noon ay yung tinatawag namin sa Davao na "pakang" o yung manual na paghihiwalay sa balat ng ari. Walang uso ang doctor at gunting. Isang labaha o balisong at isang dos por dos ay okey na. Medyo masakit, pero ang palaking sinasabi ni Itay ay parang kagat lang ng langgam. Pinapatingin ka sa itaas ng albularyo at pinapasok ang balisong sa loob ng balat ng junior mo sabay bilang ng isa hanggang tatlo at biglang papaluin ng dos por dos. Kawawang alaga pinalo ng pinalo. Pagkatapos nun kakagat ng dahon ng bayabas ang matanda at biglang idudura dun sa sugat mo. Very Hygienic diba? Lol. Pero wala namang nabalitaang namatay sa impeksyon. Buhay na buhay naman kaming lahat. Malusog at malakas pa. Iba na talaga ang panahon ngayon kasi kailangan ng doctor at anesthesia pa.
- Kapag natuli ka na, kailangan mong hugasan ang sugat mo sa maalat na tubig ng dagat. Tuwing umaga hinihila kami ng tiyahin namin upang lumusong at hugasan ang sugat dahil sa tuli. At dahil sa mahapdi ang tubig dagat, palaging palo ang inabot ko sa tiyahin ko habang umiiyak ako sa sakit at pagkatapos nun ay lalagyan na ng penicillin ang sugat para mabilis na gumaling. Normal na din ang mag suot ng saya kapag tuli ka.
- Hindi uso ang cellphone at wala pa ding facebook dati, pero ang bawat bata na makikilala namin ay naging tunay naming kaibigan na sa hanggang ngayon ay andyan pa rin sumusuporta at gumagabay sayo. Kahit walang cellphone nakakarating pa din kami sa aming pupuntahan at nakakauwi pa din kami sa aming mga bahay na hindi nagalala ang aming mga magulang. Ang tanging komunikasyon lang namin ay ang laruang lata na may nakataling sinulid sa dulo na para bang laruang telepono. Di gaya ngayon, kahit nasa elementarya pa lang ay mag cellphone na. At wala ka kasi naka Blackberry pa. Sosyal na ang panahon ngayon!
- Ang laruan namin dati ay yung kotse kotsehan na gawa sa gma ng lumang tsinelas. O di kaya ay mga lumang kahoy na pwedeng gamitin sa pag gawa ng laruang kotse. Ngayon remote controlled na ang mga laruan. Sa amin dati, saranggola ang pinagkakaabalahang gawin para maging libangan, pero ngayon ang mga bata nakaharap na sa computer o PSP. Kaya siguro masasabi ko na mas malusog at mga bata noon sapagkat nasa labas kami ng bahay, tumatakbo, pinagpapawisan nakapag ehersisyo.
parang mas masarap nga maging bata noon...
ReplyDeletetama ka dyan Desole Boy.. masarap nga maging bata noon.. hehehe
ReplyDeleteHahaha marami sa karanasan mo naranasan ko rin xander... ang sarap maging bata no?
ReplyDeleteNaku sinabi mo pa Mokong.. sarap talaga maging bata.. walang kapantay maging bata.. walang iniisip na problema.. hehe
ReplyDeletehehehehe, naku bata ako puro stud, nakakagala lang pag wala mama ko..
ReplyDelete@tim- ayun oh! hehehe.. naku ganun naman din ako noon..pero may time talaga kami for play.. hahah minsan tumataks lang.. part of being a child.. ang saya maging bata!
ReplyDeletedahil di tayo nagkakalyo ng edad eh naranasan ko din halos ng mga nakalista dito. tanda ko pa ung lagi ako'ng pinapatulog sa tanghali gamit yung pananakot na kukunin daw ako ng mamang nakasako tapos gagawing pampatigas ng tulay yung dugo ko. hahaha
ReplyDeletemas masarap talaga ang buhay nung bata ka pa... di tulad ngayon parang ang gulo2... sana bata nalang ako forever... wahehehe
ReplyDeleteNakakanostalgia naman itong trip down memory lane na ito. Gusto ko tuloy bumalik sa childhood ko.
ReplyDeletemas masaya maging bata noon. parang ramdam mo na buhay na buhay ka. :D sa ngayon, puro nasa bahay lang dahil sa technology :D
ReplyDeleteiba talaga anbg batang 90's mas masaya, magalang at masigla.. :D
ReplyDeletenauso din ung BMX yung... lalo na payabayang ng trick heheh :D
@KikomaxXx -- yeah tama ka dun.. sarap maging bata...
ReplyDelete@AXL-- hahahha oo nga noh.. nauso talaga yung BMX.. at yung playstation nauso na din.. sina Mario at ang Battle City.. isama mo na ang Pacman.. hahhaa
ReplyDelete@Ronster-- oo nga ehh.. ang saya ng generation natin noh.. sarap bumalik sa pagkabata.. hehe
ReplyDeletetig-so pla tawag dun sa agawan base hehehe... nice post nkakabalik ng memories which put smile khit stress kn :) hindi ako blogger nor mahilig magbasa pero i like reading this its refreshing :)
ReplyDeletehi xander,, i really love ur blogs. dati di ako mahilig mag basa ng mga blogs kasi i feel that its just nonsence. but when i read ur blogs, it turned me interested on all of ur blogs.. para bang nakakarelate ako.. some nga napost ko sa fb ko.. at maraming ng like means maraming nakakrealte.. i found it very interesting and good for giving advise.... just want to say keep up the good job and continue blogging.. interesting and resourceful blogs.. ang saya saya... nakakarefresh...
ReplyDelete