Chain Messages
Hindi ako motivated magsulat. Tinatamad ako at walang maisip kung ano ang ilalagay sa blog ko. But, I need to keep it going. Kahit ilang beses akong mag login sa account ko at kahit anong try ko, nothing comes up. Nangbiglang may nag text sa akin ng isang Chain Text Messages. Bagay na kinaiinisan ko. HIndi naman sa hindi ko na-aappreciate ang chain message pero pag yung tipong nakakapikon at hindi nakakapag bigay saya at motivate sa mambabasa ng message ay hindi talaga maganda. Isang kakilala ang nagsend ng chain message na tipong "if you will not send this to 15 people, one members of your family will die" or "if you will not send this to 15 people sasara ang butas ng pwet mo".
Naiinis ako dahil sa hindi marunong mag-isip at makikitid ang utak ng message sender. Eh kung bumalik kaya sayo ang tinext mo. Well, hindi ko din naman talaga pinoforward ang mga ganung klaseng message dahil sa alam ko hindi nakaka-inspire at hindi nakakatulong kundi takot at ligalig ang iniiway sa makakatanggap ng mensahe.
Nais ko sana ipaabot sa mga taong mahilig sa ganun na maging considerate at maging responsable sa mga mensahe na pinoforward natin. Dahil hindi natin alam na ang nakakatanggap nun ay yung mga taong madaling maniwala at uto-uto. Kung sinabi sa text message mo na "kapag di mo ito pinadala sa 30 tao hindi ka makakatanggap ng milagro bukas bandang alas sais ng umaga. Pano pag wala? Siguro sasabihin mo na walang masama kung itry at walang mawawala sayo. Well, para sa akin, MERONG mawawala. You lose you faith in God. You believe in the message. Nawala yung belief mo na everyday is a miracle. Na bawat minuto sa buhay mo ay miracle at hindi bukas ng alas-sais.
So, hopefully wala na akong matanggap na mga chain messages at kung meron man the chain will stop on my end. Sorry! Peace out! God bless everyone!
Bobo yung gumawa ng chain text msg na yun... pero teka malay mo may sumpa yun...par check mo nga butas ng pwet mo? hehehe
ReplyDeletehahahaha loko ka Moks.. hahha..pero the last time I checked may butas pa naman.. hahahahahahaha
ReplyDeletehi,
ReplyDeletenakakarelate ako d2 sa post na ito. minsan nag-po-forward ako ng mga chain message na tlagang tumagos sa puso ko (ung wala kang hesitation or worry na baka may mangyaring masama sau kapag d ka nagforward na ang nasa isip mo nlng eh "ui, ok ung message na un ah..")
ano nga ba ang motive mo kung bakit mo ipo-forward? dahil ba sa nag-striking ung message sau or natatakot ka sa consequences na dulot nito?
Thanks for posting ur thoughts! :)
To GOD be the glory till eternity! :)
Thanks!
ReplyDeleteAsus. Nakakainis talaga ang mga chain messages. That's one of the reasons why I don't really use a phone (unless meron akong pupuntahan or during emergencies). Parang nakakairita lang kasi.. yung meron pang.. "if you don't pass, you'll have bad luck". Aysus!!
ReplyDeletePero hindi ko na lang din iniintindi. tama ka.. siguro nga wala lang silang magawa sa buhay, mga walang kakwenta-kwentang chain messages and kanilang pino forward.. instead of sending messages of love and inspiration.
Anyway, dumaan at nagkomento dito Xander. And you have an award sa page ko. Check it out..
tama ka dyan leah...wohoooo.. really? may award ako? thanks thanks thanks..
ReplyDelete@Lydia - thanks for the comment and for your suggestion.. i will try that website..
ReplyDeletei read also many chain messages but nothing happen naman
ReplyDelete