Ang Katuparan Ng Pangarap Kung Ipad

     Umaga na at mataas na ang sikat ng araw ng ako'y nagising kaninang umaga. Naisip ko na 11Am ako papasok ngayon kasi may Christmas party naman kasi sa opisina. Masaya ang pakiramdam ko at medyo masigasig na pumasok sa work. Since Christmas party namin ngayon naisipan kung dumaan sa pinakamalapit na Starbucks upang bumili ng gift check dahil sa wala na akong time mamili ng pang exchange gift sa sobrang busy sa work. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig mamigay ng regalo. Hindi dahil sa wala akong pambili or dahil sa kuripot ako, pero dahil sa hindi naman talaga kami nag cecelebrate ng pasko. Naniniwala kasi ako na ang pasko ay araw-araw. Ang exchange gift ay hindi sapilitan kundi bukal sa loob. Pero dahil sa tradisyon na ito nating mga Pinoy, game na din ako!

     Paglabas ko sa Starbucks, dama ko ang sarap ng simoy ng hangin. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naramdaman ang simoy ng pasko. Napangiti ako at bumulong ng maikling pasasalamat sa Panginoon. Nagpapasalamat sa mga biyaya at sa lakas na binigay nya sa mga taong nagdaan. Naalala ko ang mga buwang nagdaan na medyo nahihirapan ako sa trabaho ko dahil sa bago pa ako at wala pang masyadong alam at kaibigan sa opisino. Ngunit ngayon masaya na akong pumapasok at may ngiti na sa mga labi ko na tila ba nagpapahiwatig na ako'y masaya at puno ng galak na napasama ako sa isa sa pinaka the best na call center sa buong mundo.

     Pag dating ko sa opisina binati ko ng ngiti ang bawat tao na makasalubong ko. Isa iyon sa pagbati ko sa kanila ng Merry CHRISTmas. Masarap sa pakiramdam at mas magaan ang nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga nagdaang buwan. Sabi nga nila na parang may pinagdadaanan daw ako. Pagkaupo ko sa station ko, nagbukas ako ng computer at nagbasa ng mga emails. Wala naman masyadong concern at wala masyadong email. Nasa bakasyon na kasi ang mga tao kaya wala nang nanggugulo.

     Mabilis lang ang takbo ng oras, di ko inakala na mag alas sais na pala ng gabi at magsisimula na ang party namin na iheheld sa roofdeck ng opisina. Hindi ako masyadong naghanda at walang masyadong bongga na regalo. Hindi rin ako masyadong excited kasi; UNA, hindi ko pa masyado kakilala lahat ng mga taong makakasalamuha ko. PANGALAWA, hindi ako kumportable na makita ang mga big bosses ko. PANGATLO, wala ako sa mood mag enjoy (taray!). Pagdating ko sa roofdeck, di ko akalain na marami palang nakakakilala sa akin (walang halong yabang!). Daming tumatawag sa aking pangalan. May nagtatanong kung ako ba daw si Xander. Sumasagot naman ako ng "Oo". Hindi ko sila kilala. Ngayon ko lang sila nakita. Naalala ko sila pala yung ka email ko dati at yung mga minsan inaaway ko sa tagal ng process. Sila pala yung mga nangungulit sa akin kasi minsan di ko nasasagot mga emails nila sa sobrang dami. At sila pala yung mga nagagalit sa akin dahil sa until now wala pa akong sagot sa mga concerns nila.

     Mahaba na ang oras na itinagal ko sa party. Sumali ako sa mga palaro upang di antokin. Natuwa naman ako ng bahagya. Dumating na sa point ng exchange gift. Hindi sya yung common na palitan ng regalo dahil sa walang bunutan na nangyari. Ang mechanics ng exchange gift ay, gumawa kami ng isang malaking bilog at pinakot ang mga dalang regalo papunta sa kanan ng walong beses, at sumunod papunta sa kaliwa ng apat na beses, at pang labing apat na beses papunta sa kanan, at pang apat ulit pakaliwa at STOP!

     Isang puting sobre na sa tingin ko ay isang CHRISTmas card ang laman. Sa isip ko baka gift check din from Starbucks or SM. Naisip ko na ok lang din naman sa akin. No big deal sa akin ng biglang sumigaw ang dalawa kung katabi at nakikipag agawan sa puting sobre. Gusto makipagpalitan sa akin ng regalo. Na curious ako kung anong laman nung puting sobre. At ng buksan ko isang libong dolyar..Joke lang! Isang libong piso ang laman. Di ko akalain na sa 300php na amount ng regalo ehh nakakuha ako ng isang libo. Masayang masaya ako at akala ko dun na magtatapos ang tuwang nadarama ko. May pa raffle kasi sa party. Ang mga sumusunod ang papremyo:
  • Third Prize: 100 Starbucks Gift Check
  • Second Prize: 200 Landmark Gift Check
  • First Prize: 500 Rustans Gift Check
  • Grande Prize:  Ipad
     Nagsimula ng bunutan kung sino mga nanalo ng 1st, second and third. Hindi naman talaga ako na excite kasi hindi ako maswerte sa mga bunutan na paraffle. Palagi akong umuuwing luhaan. So di na ako nag expect. Pero ibang level ito. Nung nasa Grand Prize na nakaupo lang ako habang ang mga kasama ko ay nakatayo at naghihintay na i announce ang nanalo ng Ipad. Nung tinawag na ang nanalo lahat sumisigaw at nakatingin sa akin. Nagtatanong ako kung bakit at anong meron. Ako pala ang nanalo. Natulala ako ng ilang minuto. Parang kung sa palabas pa ehh naka slo motion ang lahat habang pumapalakpak at yung tanging naririnig ko lang ayt yung musika na tumutugtog na parang may back ground music at biglang nag STOP. Nakita ko na lang ang sarili ko na tumatalon sa tuwa. Di ko inalintana ang mga katabi ko tumatalon ako at sumisigaw sa galak. Hindi ko napansin ang mesa at kubyertos ay nabangga ko at natapon. Tumatalon pa din ako sa tuwa, nakapikit ang mata at tumatalon. Sigaw parin ako ng sigaw ng biglang isang kamay  ang dumampi sa pagmumukha ko. Wapak! Namulat ang aking mga mata na may luha sa sakit na aking nadarama. Napatanong ako kung bakit? Bakit? Bakit? Masakit at namumula anbg pisngi ko sa sakit. Ng minulat ko ng todo ang aking mga mata... Nakita ko ang ka room mate ko sa tabi ko. Hindi ko akalain na panaginip lang pala. Waaahhhhh.. Nagtatanong pa din ako kung bakit? bakit? bakit nya ako ginising? Sayang ang Ipad. Sayang!!!!

     Gayun pa man, nagpapasalamat pa din ako sa mga biyayang natamo ko. Kahit hindi man ito mamahalin pero ramdam ko na taos-puso naman ito galing sa nagbigay ng regalo.

     Naisip ko na ang pasko ay hindi tungkol sa kung ano ang natanggap mo, kundi kung ano yung naibigay mo sa kapwa mo. Hindi man ito materyal, kundi bagay na kailan man ay hindi mapapalitan ng kahit na ano pa man.

A blessed and fruitful year ahead bloggermates!
      

Comments

  1. wow congrats po... inggit naman ako...

    ReplyDelete
  2. hahaha.. kala ko nanalo ka na talaga ng Ipad.. hehe.. and ganda ng panaginip mo hah..

    juicekodai

    ReplyDelete
  3. congratulations pa rin pre at kahit sa panaginip nanalo ka ng ipad. :)

    ReplyDelete
  4. base.

    akala ko winner ka na ng Ipad. hehehe. pero malay mo, dreams do come true.

    ReplyDelete
  5. naks! pa pindot pindot ka ng ipad mo ha...

    ReplyDelete
  6. totsyal kana choi may ipad kana..congrats!

    ReplyDelete
  7. na-heksayt pa naman ako para sayo. haha pero malay mo.

    ReplyDelete
  8. hahahahahhahhaa..salamat sa na excite at na dismaya..lol

    ReplyDelete
  9. sayang panaginip lang oh well merry xmas

    ReplyDelete
  10. wow.. mayaman na.. sikat pa hehehe... bigatin... hehehehe
    so happy for you on that.....
    have a great and wonderful christmas :D

    ReplyDelete
  11. ANO BA YAN!!!! sayang!!!! sasabihin ko sana ang swerte swerte mo!!!!!! :)

    ReplyDelete
  12. haha
    akala ko nanalo kana
    naiinggit naman na sana ako :]
    hehe

    ReplyDelete
  13. wow parang gusto ko narin ata ng Ipad...

    ReplyDelete
  14. Nakakatuwa.. ganyan din ang nangyari sakin nung exchange gift namin. P500 nga lang sakin kapalit ng worth P200. Merry Christmas to you xander!!!

    ReplyDelete
  15. @Arvin --ang saya diba? bawing bawi ka na nun..hehe

    ReplyDelete
  16. @Ronster-- nabigo ka din ba..haha ako nga din ehh ang sakit na panaginip lang pala.. hahaha

    ReplyDelete
  17. wow! ikaw na may iPad! (:

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  18. hahahaha... di naman kasi tinapos basahin hahaha

    ReplyDelete
  19. It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

    Happy Holidays Xander! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

    Merry Christmas and Happy New Year!

    ReplyDelete
  20. It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

    Happy Holidays! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

    Merry Christmas and Happy New Year!

    ReplyDelete
  21. @Supladong office boy -- hahaha to be chubby talaga? hahaha.. Tama ka dyan..sarap kumain ehh.. hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?