Ang Pitong Pangako
"You look wasted." Sabay bulong sa aking sarili.
Dapat lang sa akin ito. Dapat lang akong malugmok sa kalungkutan. Dapat lang akong parusahan sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Hindi ako karapat-dapat kay Diane. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. Niloko ko sya. Sinira ko ang tiwala na matagal na naming binuo. Sinira ko ang kaligayana niya na makabuo ng pamilya. Ako ang nangloko.
Habang nakatitig sa salamin, isang imahe ang bumuo sa aking harapan. Tila anino ng aking kaluluwa ang bumungan sa akin.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Diane kapag nakita ka yang nagkaka ganyan?" Ang tanong sa akin ng imahe sa salamin.
"Sino ka?"
"Ako? Sino? Ako ay ikaw. Ako ang totoong ikaw. Ako ang totoong tao sa likod ng kung anong nakikita mosa salamin. Alam ko hindi ka ganyan. Alam ko masakit ang nangyari at nasaktan mo siya. Ngunit hindi rin madali para sa kanya ang nangyari. Sabihin na natin na niloko mo sya at nasaktan. Ngunit hindi nagtatapos dun ang buhay. Masarap mabuhay. Minsan may pinagdadaanan tayong sakit at hirap upang matuto tayong mabuhay at maging matatag."
"Napakadaling sabihin kasi hindi mo alam. Niloko ko sya. Kaya dapat lang sa akin ito!" Ang pasigaw ko sambit.
"Mapapatawad ka din ni Diane. Move on. Look at yourself. You look crap. Don't waste you're life spending too much about what happened in the past. It's been a year. Live a life."
Doon ko lang narealize na medyo matagal na din pala at hindi ko pa rin napatawad ang sarili ko sa nangyari. Tama ang imahe sa salamin. Kailangan ko mag move on. Kailangan ko mabuhay. At mag uumpisa yan ngayon.
Masigasig akong pumasok sa banyo para maligo. Masaya ang puso ko. May sigla at tuwa. Naisip ko na kailangan kung mag umpisa mabuhay. Simulan ang mga maling nagawa ko.
Pagdating ko sa opisina, ngiti ang bati ko sa aking mga kasama.
"Oii James, mukhang maganda ang gising natin ah."
"Inspired lang ako. San si Boss?"
"Ayun nasa loob ng opisina nya. Ilang araw ka na nyang hinahanap ah. Yung report daw."
Kumatok ako sa opisina ni Boss sabay abot ang report na kailangan nya.
Natuwa si Boss sa ginawa kung report. Bumalik ako sa table ko at nag isip kung anong magandang gawin sa araw na ito. Kumuha ako ng papel at panulat. Insinulat ang mga pangakong dapat kung tuparin. Matapos nun ay naisipan kung tawagan si Diane. Habang inangat ang telepono ay ganun na lang ang bilis ng kaba ng aking dibdib.
"Hello? This is Diane, whose on the line please?"
Ganun na lang ang kaba at panginginig ng buo kung katawan. Masaya na narinig ulit ang boses nya at kaba na baka di niya ako kakausapin.
"Hi Diane, Si James to."
Mga ilang sigundo pa bago sumagot si Diane.
"Hey James. Kamusta ka na? Buti naman at napatawag ka. Kamusta ka na? Tagal mong hindi nagpaparamdam ah."
"Pasensya ka na ha. Medyo na busy lang sa trabaho. Madami lang ginagawa lately. Ikaw kamusta na? Galit ka pa ba sa akin."
"Ano ka ba, hindi no. Hindi na. Kalimutan na natin ang nakaraan. Ano nang balita sayo?"
"Heto ok lang naman. May gagawin ka ba mamayang lunch?"
"Wala naman. Bakit?"
"Pwede ba kitang yayain mag lunch? Kung ok lang sayo? May ibibigay lang ako."
"Ah ok. Cge walang problema. May sasabihin din ako sayo importante."
Masaya at naguumapaw sa galak ang aking nadarama. Ito na yung time na maitutuwid ko ang mga mali ko. Mapapatawad din ako ni Diane at magiging maayos din ang lahat.
Pagsapit ng alas dose ay sinundo ko si Diane sa kaniyang pinapasukan bitbit ang palumpon ng bulaklak na paborito niya - pitong puting Rosas.
"Hi Diane, para sayo." Sabay abot ang pitong puting rosas.
"Nag abala ka pa. Pero salamat. Di mo pa rin pala nakakalimutan ang mga paborito kong bulaklak."
"San tayo kakain?" Medyo gutom na rin ako eh." Sabay tanong niya.
"May alam akong isang lugar na kung san magugustuhan ko ang pagkain."
"Sige gusto ko yan!" Ang mga ngiti niyang sagot sa akin.
Habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi ako mapakali sa aking nararamdaman. Tuwang tuwa ako na sa muli ay magkatabi kami sa upuan.
"Diane, sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo. Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon." Ang simula kung sabi sa kanya.
"James... napatawad na kita. Nakalimutan ko na ang lahat. Wala nang galit dito sa puso ko. Sana patawarin mo na din ang sarili mo. Hindi kaya ng konsensya ko na makikita kang lugmok sa pighati dahil sa kasalanang nagawa mo."
"Salamat Diane. Salamat at napatawad mo na ako. Sana bigyan mo din ako ng pagkakataon na ayusin ang nagawa ko. Bigyan mo ako ng chance para ipakita sayo na mahal na mahal kita." Hindi ko namalayan na may luha ang aking mga mata.
"James, Wag!" ang mabilis na sagot ni Diane.
"Wag? Bakit? Di mo na ba ako mahal?"
"James, alam mong ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ikaw pa rin ang nasa puso ko. Ngunit aalis na ako sa makalawa. Kukunin na ako ni Nanay at Tatay para magkasama na kamisa Inglatera."
"Ah ganun ba? Natupaad din yung pangarap mo at masaya ako para sayo. Masaya na ako dun. Oh andito na pala tayo."
"James, bahay niyo to diba? Akala ko ba kakain tayo sa isang lugar."
"Oo nga ito yung ibig kung sabihin. Halika ka na sa loob at naghihintay na si Mama sayo."
"Ma, andito na kami."
"Oh James, pasok na kayo at nakahanda na ang tanghalian."
"Ma, si Diane po pala. Siya yung sinasabi ko sayong kasintahan ko."
"James, ano ka ba kilala na ako ng Mama mo. Bat mo pa ako pinapakilala?"
"Oh hija, kamusta ka na? Salamat naman at sa wakas ay nakilala din kita. Sige upo ka na at ihahanda ko lang yung ibang nilutoko."
"James, di ko ma gets kung bakit. Ano ba ang nangyayari?" Ang tanong sa akin ni Diane.
"Basta kumain ka na lang."
Masaya ang naging tanghalian namin na iyon. Nakikitang magkasama at nagkakatuwaan ang dalawang babaeng pinakamamahal ko sa buong mundo. Nakakaaliw isipin na hindi na kailan man matutupad ang pangakong magkasama kami ulit ni Diane. Ngunit masaya na ako sa ganito.
"Diane, ano masarap ba ang luto ni Mama."
"Oo naman, ilang beses na akong nakakain dito sa inyo diba? Ikaw talaga."
"Oh tara, may pupuntahan pa tayo."
"Huh? Teka magpapaalam muna ako sa Mama mo na aalis na tayo."
"Wag na. Tara na at baka di na natin maabutan yung pupuntahan natin."
Mabilis ang pagmamaneho ko ng kotse upang makaabot sa dalampasigan na palagi naming pinapasyalan ni Diane nung magkasintahan pa kami. Dun namin binuo ang aming mga pangarap na magsasama habang buhay.
"James, bakit? Bakit dito?"
"Diane, gusto ko lang malaman mo na sa lugar na ito binuo natin ang ating mnga pangarap. Pangarap na kailan man ay di ko matutupad dahil sa ginawa ko. Hayaan mo akong alalahanin yun at baonin yun para sa kinabukasan ko. Heto ako ngayon kasabay ang paglubog ng araw nangangako na wala na akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang hanggang malagutan na ako ng hininga."
"Alam mo puro ka talaga biro. Ang dapat mong sabihin ay nangangako ka saksi ang paglubog ng araw na magiging masaya ka sa buhay mo at mahalin ang sarili mo."
Niyakap ko si Diane ng mahigpit. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pagmamahal niya.
"Diane, mahal na mahal kita. Sana tayo na lang ulit." Ang sabi ko sa kanya habang umaagos ang luha sa aking nga mata.
"James, please wag ganito. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Hanggang dito na lang talaga tayo. Ayaw kita saktan sa pagalis ko. Sana maintindihan mo ako James. Sana maunawaan mo ako. Oo mahal pa rin kita hanggang ngayon pero matagal ko na din pangarap na makasama ang mga magulang ko."
"Diane, mahal na mahal kita."
"James, wag ka na umiyak. Tama na yan. Umuwi na tayo at magtatakipsilim na."
Pinunasan ko ang aking mga luha at nagpasyang tanggapin ang sa kung ano ang tama. Naiintindihan ko si Diane. Mahal ko siya kaya ko siya hahayaang sumaya.
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa simbahan na palagi naming pinupuntahan.
"Diane, ok lang ba na dumaan muna tayo sa simbahan. Gusto ko ibulong sa Diyos na masaya ako sa araw na ito."
Sabay kami nagdasal ni Diane. Binulong ko sa Diyos na sana patnubayan si Diane sa lahat ng gagawin niya at ang kaligtasan niya. Binulong ko din na sana makapagsimula ako ng bagong buhay ng wala si Diane.
Hinatid ko sa Diane sa kanilang bahay. Pagdating sa may harapan ng bahay nila. Hindi muna bumaba si Diane sa sasakyan. Bigla siyang umiyak. Niyakap ako at sabay sabi...
"James, alam mong mahal na mahal kita. Di ko kayang iwanan ka. Pero ayaw ko din sayangin ang pagkakataong ito na makasama ang aking pamilya. Nasaktan ako sa ginawa ko. Yun ang totoo. Kaya napilitan akong umalis para makalimutan ka. Ngunit sigaw ng puso ko ang pangalan mo. Mahal na mahal pa rin kita, Kung kaya ko lang baguhin ang kahapon at ibalik sa dati gagawin ko."
Tinignan ko ang mga mata niya. Kitang kita ko ang lungkot at sakit na kanyang nadarama. Niyakap ko sya ng mahigpit at hiningi muli ang kayang patawad. Hinawakan ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Nagdurugo ang puso ko sa tuwing maalala ko na ako ang dahilan ng kanyang pagdurusa. Wala akong ibang naisip gawin kundi ipadama sa kanya na magiging maayos din ang lahat. Niyakap ko siya na mahigpit.
"Diane, wag kang mag alala hinding hindi na kita iiwan. Andito lang ako sa tabi mo palagi. Hindi mo man ako makikita physically, pero andito lang ako. Asahan mo na magiging masaya ako para sayo. Mahal din kita.. Wag mo kalimutan yan."
Mag mamadaling araw na.
"James, alagaan mo sarili mo ha. Wag mo kalimutan ang pangako mo. Paalam at mahal kita."
Habang pababa si Diane sa kotse ay nakatitig pa rin ako sa kanya. Habang patalikod siyang at papasok sa loob ng bahay. Tumayo ako sa may tarangkahan. Hinugot ang baril na nakatago sa loob ng sasakyan, tinapat sa may uluhan.
Tinawag si Diane at nakangiting sinambit ang mga katangang...
"MAHAL NA MAHAL KITA. HANGGANG SA MULI."
Bang!
"James, wag!" Ang sigaw ni Diane.
Patakbo siyang lumapit sa katawang nakaratay. Habang umiiyak si Diane ay niyakap niya ng mahigpit ang katawang wala nag buhay. Napansin ni Diane ang papel na nasa kaliwang kamay ni James. Binuksan ni Diane at binasa ang nakasulat sa papel.
Mga bagay na dapat gawin bago mamatay:
1. Bigyan ng paboritong rosas si Diane
2. Ipakilala si Diane kay Mama.
3. Mananghalian sa bahay kasama si Diane at Mama.
4. Makasama si Diane habang ninaabangan ang paglubog ng araw.
5. Pumunta sa simbahan with Diane
6. Ihatid si Diane sa kanilang bahay bago sumikat ang araw.
7. MAMATAY SA PILING NG PINAKAMAMAHAL KUNG SI DIANE.
Hindi na mabasa ni Diane ng maayos ang sulat dahil sa mga luhang makabalot sa kanyang mga mata. Bumabalik sa kanyang ala ala ang panghuling nakalista sa papel. Hindi matanggap ni Diane na kayang gawin ni James ang bagay na ito. Mahal niya si James. Hindi niya kayang mawala ito.
Bang!
Alas sais na ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng dalawa. Magkayakap hanggang sa huli.
malungkot ang ending. nanghihinayang ako dahil kailangan nilang mamatay. bagamat magkasama sila til eternity.ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. though di ako sangayon sa desisyon nila na wakasan ang kanilang buhay. pwede namang maghintay si james kay diane. or gumawa ng paraan para makapunta ng Ingglatera. ang daming ways para patunayan na mahal nila ang isa't isa. wasted love. sayang talaga hay
ReplyDelete@Bino- Oo malungkot nga. ewan ko ba. Mukha ganyan ang pakiramdam kung isulat. Sobrang tanga lang ng pagibig nila. Pakamataynoh? Wasted talaga. Yan ang point talaga. Minsan may mga taong tanga sa pag-ibig. Well.. Ganun talaga.. hahay
ReplyDeletenakakaiyak ang estorya ni james at diane. hahay. si diane na lang lahat! LOL
ReplyDeletePuro nalang c Diane...lol kalungkot namn 2 story...this one of the reason why I'm not into relationshpbaka rin ako magpakamatay...lol
ReplyDeleteAng galing ng kagawa!Superb!
@ester-- ahehehe.. si Diane na lang talaga. Kainis.. lels..
ReplyDelete@SunnyToast-- Salamat sa pagbasa at palaging pagdalaw. Oo Si diane talaga ang may kasalanan ng lahat.. haha joke.. Next time i'll try to make a lighter and medyo madramang love story. hehe.. hirap kasi gumawa eh ehe
ReplyDeletespeechless
ReplyDeletecrying
hugging my teddy
:'(
@Popsy -- sorry naman at napaiyak kita..
ReplyDeletetragic ending... sometimes, love is like that... it's powerful that it goes beyond reason... suicidal..
ReplyDeleteTo GOD be the glory till eternity! =)
nahalungkat ko lang ito.. may kung anong ewan sa dibdib ko after ko ito basahin...
ReplyDeletenapakatragic.. di ko magets kung bakit kailangan magsuicide... :(