Nuff Said

Mga Kaibigan sa Kabilang Daan

Below is a poem dedicated to my colleagues from my previous company whom I wasn't able to say "thank you" for the wonderful memories and great things they did for me. Thanks guy! I miss you all.

****
Ako ay may mga kaibigan
Sa opisina na aking pinasukan
Hindi man ako nagtagal sa opisinang yan
Ngunit pagkakaibigan ay naubuo ng walang pag aalinlangan

Unang nakilala si Jervy na kay sigla
Katabi sa upuan, kakwentuhan at katawanan na kay saya
Ang tawag sa akin ay Kuya
Dahil sa totoo lang ako ay mas matanda sa kanya

At dito na nagsimula na ang iba ay nakilala
Si Yumi na kay kulit, swabi kung humirit
Walang tatalo sa kanyang pangungulit
Kaya goodluck sayo kapag sya ay bumirit


Si Beedee ay mukhang inosente
Pero wag ka kasi hindi na sya baby
Maasahan sa oras ng pangangailangan
Tunay na kaibigan magpakailanman

Kung hanap mo ay tunay na ganda
Iasa mo na lang yan sa kaibigan na ang pangalan ay Rema
San ka pa ba makakakita?
Ng kaibigan na kapag dumaan pati ibang lahi napapanganga

Si Ate Leah ay ang tunay na Ate
Taga bantay ng bag kapag nag papartee
Maasahan kapag seryoso ang pinag-uusapan
Maniwala ka kasi tested and proven na yan

Si Shing ay may pagka-comedy
Ewan ko ba kung bakit ganyan siya palagi
Minsan cute siya pag nagsasalita
Pero minsan di mo alam kung joke ba yun o di sinasadya

Si Bj naman ay baul ng katatawanan
Pag siya ang nag joke siguradong kinababaliwan
Dala niya ay saya at tawanang walang hanggan
Kapag kasama magdamagan siguradong sasakit ang iyong tiyan

Kung may lalaban pa sa kilay na malupit
Siguradong taob pati si Ann Curtis-Smith
Dahil kay Mei palang bow pati mga bituin at pipit
At ang lalaking may dalang armas na kay lupit

Kung pamilya at esperituwal naman ang paguusapan
Kay Ate Aileen tayo kasi siguradong maraming alam yan
Kung advise ang iyong kailangan, siya na ang may sagot diyan
Isa lang ang sabi niya na di ko malimutan: "Tandaan mo anak ka ng Diyos!", at korek ka dyan!

Si Renn ay ang nag-iisa kung ka team
Magaling, matalino kayang humarap kahit kanino
Pero meron kaming sekrito
Pero di ko sasabihin por diyos por santo

Marami pa sila na di ko napakilala
Sa mundo kung saan ako ay masaya
Kahit magkahiwalay man kami ng opisina
Alam kong ang landas naming lahat ay muling magkikita-kita

Ito'y isang paalala sa bawat mambabasa
Na ang lahat ng sinabi ko ay pawang walang kwenta
Puro kasinungalingan lang ito talaga
Joke Joke joke lang, may nye nye nye pa

4 comments:

  1. Ay, malala na ito. Tumula ng pagkahaba-haba! Hahaha! Kakatouch kaya lang, hindi ako kasali sa list. Hohoho!

    ReplyDelete
  2. may talento ka din pala sa pagtula hehehe

    ReplyDelete
  3. @Jay-- hahah wala naman masyado.. hehehe

    ReplyDelete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!