Ang Mantsadong Salamin

     Ako'y nabighani sa ganda ng aking nakita nang pumasok ako sa banyo kaninang umaga. Maliligo na sana ako ng may nakita akong bahaghari sa dingding ng banyo. Habang nakaupo ako sa aking trono at inilalabas ang aking galit at puot, nakatitig pa din ang aking mga mata na tila ba hindi kayang mawala ang ganda ng bahaghari. Nagtataka ako kung san galing ang bahaghari'ng paminsan lamang bumungad sa aking umaga. Nagmasid ako at inusyoso ang buong paligid ng banyo. Tiningnan bawat sulok at sinundan ang liwanag na pinagmulan ng bahaghari. 

     Humanga ako sa aking nakita na ang liwanag na pinagmulan ng bahaghari na yun ay mula sa madungis at nang-gigitata na salamin ng bintana ng banyo. Hindi ko lubos maisip na ang salaming ganito kadumi at makakbuo ng isang ganito ka gandang tanawin. Sabagay ang liwanag na nagmula sa araw na tumama sa salamin ang syang naging dahil kung bakit nabuo ang isang napakagandang likha ng Diyos. Napaisip ako at napabuntong hininga na kahit ang mga bagay pala sa mundo na hindi napapansin at parang baliwala na lang sa atin ay magiging inspirasyon at kapupulutan ng aral. 

     Parang ikaw at ako, parang maduming salamin na may mantsa na hindi kailan man na mawawala. Parang salamin na hindi perpekto, may bitak at minsan naman ay napabayaan. Ngunit kapag hinayaan ang Diyos na syang gumabay at magbigay ng lakas sa bawat ay ay makakabuo din ng isang bahaghari na kailan man ay hindi mapapantayan ng kung sino man. Wag hayaan ang kapintasan ang siyang maging dahilan na mawalan tayo ng tiwala sa sarili sa halip ay gawin itong lakas upang mabuhay at maging matagumpay sa lahat ng bagay. 

     Ito'y isang bagay na naman sa buhay ko, o siguro sa buhay ng bawat mambabasa ng sapot lugar (website) na ito na kapupulutan ng aral. Isang bagay na di ko inakala ay makakapagbigay ng leksyon sa atin. Nawa'y mapanatili natin ang pagtitiwala sa May Likha at wag hayaan ang kapintasan ang syang makawala.



Comments

  1. Tama ka tol...may leksyon akong natutunan sa post mo...
    Happy Halloween!

    ReplyDelete
  2. Mokong salamat sa pag comment.. happy halloween din.. ingat sa mga loko lokong kaluluwa hahaha... joke

    ReplyDelete
  3. very inspiring. reminded me that i'm still worth something. i like your vision.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

November 1 na ba???

Happy 2013!!!

Oh na na, Whats My Name?