Simula ng Pagbabago...

     Okay, so unang araw ko sa bago kung trabaho. Nakakakaba. Nakakatakot. Para akong estudyanteng unang pumasok sa elementarya, my very first school day. Ito yong klase ng pakiramdam na parang natatae ka na hindi naman. Nakakapanibago. May halong kunting kaba at maraming maraming excitement. May hating tuwa. Galak. At kung ano-ano pang mga halo halong pakiramdam. 

     Maaga akong dumating sa bago kung opisina, mga 30 minutes before ng scheduled time ng aking pagpasok. Pa-empress baga sa bago kung Boss at mga bagong kasama. Pagkadating ko sa reception area ng gusali namin, agad bumungad sa akin si Manong Guard at tinanong agad ako kung saan ang ID ko, ang sabi ko naman na bagong salta ako sa kumpanya at unang araw ko kaya wala pa akong ID. Sinamahan ako ni Manong Guard sa Frontdesk para bigyan ng Temporary ID, habang masayang inabot ng babae sa Frontdesk ang Temporary ID ko. 

      Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa 8th floor kung saan naghihintay ang boss ko. Nakakapanibago. Naninibago ako sa lahat ng bagay. Bagong mukhang ang aking nakakasalamuha. Bagong gusali. Bagong amoy ng mga kasabayan ko sa elevator. Pagdating sa 8th floor, bumulaga sa akin ang mga ngiti ng Boss ko at nagsabing, "Ang aga mo ata?". Sa narinig ko, napaisip ako kung matutuwa ba ako dahil sa tanong na yun o dahil sa halatang excited ako sa first day high ko. Buti na lang at ngiti at pagpapacute kasabay ng pagkutitap ng aking mapupungay na mga mata ang tanging sagot sa kanyang tanong. 

     Kadalasan, kapag bago ka sa isang lugar o bago ka sa mga taong makakasama mo ng matagal hindi nawawala ang pagpapakilala sa mga bagong kasamahan kung saan ililibot ka sa buong floor nyo. Ipapakilala ka bilang bagong nauto nila para utusan ng mga kung anong anik-anik. Ako yung tipong mahiyan sa umpisa.  Puro pa cute lang ang ginawa ko. Ngiti dito. Ngiti doon. Kunti tawa at kaplastikan. Pero ang totoo, sa kaloob looban ko, ako'y nagagalak at naghuhumiyaw sa tuwa na ako ay bahagi na ng isa sa pinaka malaking kumpanya sa bansa. 

     Marami akong hindi gusto kapag bago ka sa isang lugar o sa isang kumpanya. Andyan yung nag aadjust ka sa simula at makikipag halubilo sa sangkatauhan. Marami akong ayaw pagdating sa pagsisimula, UNA, dahil sa wala kang ka pang masyadong kakilala o kakosa, wala kang kakwentuhan kaya ang resulta ay ang pagpanis ng iyong laway. Kaya wala kang choice kundi lunok lang ng lunok kasi baka pag nagtanong bigla ang boss mo, aalingasaw ang mabahong amoy na parang imburnal. PANGALAWA, mag mumukha kang tanga dahil sa bago ka pa nga at wala ka pang masyadong ginagawa kundi ang magbasa ng mga proseso at kung ano ano bang libro, o di naman kaya ay pipirmahan ang lahat ng mga papeles na kailanganin sa isang bagong hire na empleyado. PANGATLO, dahil sa tahimik ang opisina namin; di gaya ng opisina ko dati na masaya, magulo, maingay at walang kamatayang halakhakan at tawanan ng mga babaeng parang nasa perya. Dito sa bagong mundo ko, sa sobrang katahimikan, makakaramdam ka ng mga kung ano-ano gaya ng pagtayo ng iyong balahibo, panginginig ng iyong katawan sa walang kadahilanan, pagtayo ng mga balahibo mo sa katawan at ang pagpapawis kahit naka aircon naman. Ang kabuuan, nakakaramdam ka ng gyera sa loob ng iyong tiyan. PANG-APAT, sa sobrang tahimik pati ang paghinga mo naririnig mo na, pati nga paghinga ng mga bulate mo sa tiyan naririnig ko na eh. PANGLIMA, dahil sa parito't paroon ang boss ko, kapag may tumatawag sa telepono nya, nanginginig ako sa takot at kaba, mapapaisip ka kung kailangan mo bang sagutin o hayaan na lamang. Minsan naiisip ko na nga na sagutin yun at sabihing, "The telephone number you dial is a plate number", o di naman kaya ay sasagutin ko ng, "toottt...toot...toootttt..."para isipin nila na busy ang linya. Kasabay ng pag ring ng telepono ay ang biglaang pagpapatogtog ng isang kasamahan namin ng "Telephone" na tila ba nangungutya at tinatawag pa na tumawag lang sa telepono

     Nagwakas ang araw ko na masaya at maligaya dahil sa mayroon na naman akong bagong mundo na kung saan maibabahagi ko ang talino at galing na binigay ng Poong Maykapal. At ang kumpanya din ito ang magbibigay sa akin ng limpak limpak na salapi.  Kidding! Nagpapasalamat parin ako sa Maykapal dahil sa sya ang nagbigay ng lahat. Siya ang may gusto ng lahat ng ito. Salamat sayo aming diyos.



Comments

  1. hahahhhaha natatawa ako parang ako din....http://www.thebackpackman.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Your article really made my day. Funny indeed

    ReplyDelete
  3. hahaha natawa ako sa description ng frontdesk lady: "habang masayang inabot ng babae sa Frontdesk ang Temporary ID ko."

    I agree with a lot of your observations of first day high/ first day blues, Lex!!! hahaaha tumpak!

    Do your best and God bless in this new chapter of your life.

    - Edz

    ReplyDelete
  4. @Edz-- Thanks Edz.. yeah ganun talaga.. ahehehe

    ReplyDelete
  5. change is always the best thing to do in life, and regardless of what happen to the past, it will never demand to the present to make something about it. I love life. Indeed it is great..

    ReplyDelete
  6. @ Tim -- i agree. Life is good and beautiful!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

November 1 na ba???

Happy 2013!!!

Oh na na, Whats My Name?