Takot Mo! Takot Ko! Takot Nating Lahat!

     Tumunog ang relo sa may uluhan ko bandang alas syeta kaninang umaga. Masarap akong humimlay sa karimlan kagabi kaya naman ay masaya kugn binuka ng bahagya ang akong mga mata, habang ang sikat ng araw ay tumama sa aking mga pisngi. Dinahan-dahan kung binuklat ang kaing mga mata habang dahan-dahan akong bumangon sa aking higaan. Binuksan ko ang kulay kayumangging tabing ng bintana upang masilayan ang kagandahan ng umaga. Sa di kalayuan napansin ko na para bang may kung anong gumagalaw sa salamin ng bintana, gumagalaw paitaas at papalapit sa aking kinatatayuan. Hinay-hinay na inikot ang aking mga ulo at tinuon ang mga mata sa bagay na gumagalaw. Mabilis ang kilos nito at para bang hinihila ako papalapit sa kanya. Dinilat ko ang mga mata upang makitang mabuti ang bagay na iyon. Pumasok sa isip ko na sana naman hindi ito yung isang bagay na kinatatakutan ko. Dinahan-dahan na nilingun ang ulo at binuksan ang mga mata upang makita ang kung ano man ang bagay na gumagalaw. BUmulaga sa isip ko ang isang malaking gagamba, malaki at mabalahibo, ang mga uri na mahaba ang mga galamay nito.

     Sa aking nakita, nawala sa isip ko ang aking sarili. Tumayo ang balahibo ko sa buong katawan at di makakilos sa aking kinatatayuan. Tila bagang isang balani ang nakalagay sa aking paanan upang manatili sa kinatatayuan. Nangingiyak sa takot. Nakakakilabot. Nakakawala sa sarili at nakakawala ng kumpensya. Yan ang mga bagay na aking nadarama sa mga oras na iyon.


     Naisip ko, hanggang kailan ako matatakot sa gagamba? Hanggang kailan ko malalampasan ang takot? Hanggang kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob upang mawala na ang takot ko.


     Ang takot ay isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay pa rin ang isang tao sa mga nagdaang panahon. Ang takot ang syang nagpapalumpo sa mga tamang decision ng isang tao. Ngunit kadalasan, ang takot ay syang nagkokontrol ng buhay ng isang tao. Ito ay kung nagiiba ang asal o pag--uugali ng isang tao sa pagtugon sa takot. Kadalasan marami tayong paraan upang maiwasan ang takot, andyan na yung: pakikinig ng musika, panunuod ng palabas, shopping, kumain ng kumain, sumayaw, magpapawis sa gym, umuinom ng kape, uminom ng alak, at pagsama sa mga taong pinagkakatiwalaan.


     Ang sabi nga nila, maraming mawawala sa isang tao kapag takot na ang may hawak ng iyong buhay. May mga dahilan kung bakit natatakot ang isang tao. Isang palatandaan na isa kang normal na tao kung ikaw ay may takot, maliit man ito o malaki, materyal man o emosyonal, physical man o ispirituwal. Ang bawat bigat ng takot na ating nararamdaman ay ganun din ang bigat ng pagkabawas ng kumpansya at pagtitiwala ng isang tao sa kanyang sarili.


     Ano ano nga ba ang dapat gawin upang madaig ang takot. UNA, dapat batid mo kung ano ang takot mo. Sa unang beses na tinablan ka ng takot, pansinin ang iyong reacksyon at kung paano ka tutugon sa takot mo. Kilalanin ang iyong kahinaan. Tanggapin na takot ka sa isang bagay, halimbawa na nga lang sa gagamba, o ahas o di naman kaya kagat ng aso. Wala ka nang magagawa sa takot mo. Andyan na yan. Takot ka na! Ngunit, ikaw ang may kontrol ng buhay mo, ng pag-iisip mo, ng mga salita mo, ikaw ang may hawak ng kilos mo at ang iyong nararamdaman. PANGALAWA, maghukay ng mas malalim. Kung andun ka na sa sitwasyon na natatakot ka na, wag mong takbuhan ang takot kundi ay unawain at isipin kung bakit ka nga ba natatakot sa bagay na yun. Tanugin ang sarili kung bakit ka natatakot? Kapag naunawaana mo na ang iyong nararamdaman, hayaan mo ang sarili mo na madiskubre ang mga sagot sa iyong katanungan. Hayaang bigyan ng mga sagot ang iyong tanong na sa tingin mo ay makapagbibigay sayo ng lakas ng loob at tiwala sa sarili.  PANGATLO, isakatuwiran ang takot. Ngayong tanggap mo na ang takot mo at alam mo na ang mga dahilan ng iyong takot, maaring gumawa ng mga paraan upang maiwasan ang takot. Isipin mo na kung halimbawa ay nasa sitwasyon ka na hindi na maiiwasan ang takot, maaring humanap ng ibang paraan o back up plans upang maiwasan na matakot. PANG-APAT, idespatsa ang takot. Minsan, kahit na tinanong na natin kung bakit ka takot sa isang bagay, wala kang makukuhang sagot. Minsan ang takot ay andyan na kahit walang dahilan. Sabi nga ng karamihan F.E.A.R means false evidence appearing real. Ibiga sabihin ay ang takot ay hindi totoo. Unless na lang kung dalawampung aso ang humahabol sayo. Isipin mo na hindi nangyayari ang kinatatakutan mo upang mawal ang namumuong takot. PANGLIMA, wag mamuhay sa nakaraan. Wag hayaan ang sarili na mamuhay sa takot sa nakaraan. Isipin mo ang bawat sigundo sa ngayon. Wag isipin ang bukas dahil limitado lamang ang iyong impluwensya sa ngayon. Isipin ang ngayon at wag hayaan na masira lamang ito dahil sa takot. Takot na maaring magdala sa kapahamakan kapag hindi iniwasan, hiyaan o hindi kinayang pagtagumpayan.


     Hindi madali na pagtagumpayan ang takot, kailangan lang ng kunting pagsasanay. Pagsasanay kung paano ito makontrol at ang pag hanap ng paraan para  maiwasan ang takot. Pero higit sa lahat, mas mainam na manalangin at magtiwala sa may gawa at akda ng ating buhay-- Ang Diyos na syang nagbigay sa atin ng tapang at lakas ng loob upang mapagtagumpayan ang mga bagay na kinatatakutan.






 


Comments

  1. ei..face your fears ika nga nila the only way that u can be strong is facing all the reality and the monsters inside you. the more you feed them with your fear the more those monsters will grow..kaya labanan mo.

    was here bro.tnx for visiting my blog

    ReplyDelete
  2. @Rico -- thanks for being here.. I agree with what you said.. thanks

    ReplyDelete
  3. hi xander! my name is jacklike you i'm also working in one o the BPOs here in the philippines and i've been in the academe for three years as well. i read your profile and i'm glad because like you i'm a writer too. hope that we can exchange thoughts and probably write a book soon. i called my writings "lived experience" because this is my forte. how about you? i'm looking forward for new friendship with you. add me on my facebook account jv_masiclat@yahoo.com.ph thanks ang long live filipino writers :))

    ReplyDelete
  4. Hey Anonymous (Jack). Thanks alot.. Sure ill add you.. thats good to know.. yes thats gonna be a lot of fun when we both write a book.. cool..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?