Unang Tikim sa Virgin

Ang init!

Sobrang init ng sikat ng araw. Syempre itong yung kasunod na kwento sa unang na post ko na "bored" ang pamagat.

Di ko na talaga makaya ang init kaya lumabas ako ng bahay para medyo naman makalanghap ng sariwang hangin. haaayy mainit pa rin kasi 12 noon na pala. Di ko man lang namalayan ang oras. So naisipan ko na pumunta muna sa 7-11 para magpalamig. Syempre wala akong planong bumili ng kahit ano, kasi nga wala akong pera diba, so magpalamig lng talaga pakay ko dun. Habang naglalakad ako papuntang 7-11, may isang bagay na agaw pansin sa akin. Di ko mapigilan lumingon at matitigan man lng sya. PArang dumikit ang mga mata koy di ko na mailayo sa kanya. Kaya dahil sa kaba ko, bigla kung binilisan ang aking paglakad. Malakas ang tibok ng aking puso. Kangingig sabay pawis. Habang ang lalamunan ko namay natutuya, baka dahil sa kaba at init na rin…

Nung makapasok na ako sa 7-11, medyo nahimasmasan ako sa lamig. Agad akong pumunta sa may mga inumin ng sa di ko malamang dahilan, nakita ko na naman sya. Ayaw ko na sanang lumapit sa kanya, kaya lng parang hinigop ako’t di mapigilan na hawakan sya sa may baywang.

Sa takot ko na baka magkasala ako, bigla kong binitiwan ang aking pagkakahawak at sabay alis at labas sa 7-11.
Habang naglalakad ako, napaisip ako na wala naman sigurong masama na matikman ko sya. Wala naman sigurong mangyayari sa akin. Single ako. Malamang sya din. Pero cguro napaisip ako pano pag may bayad sya? Sabi ko.. OKs lng pwede naman mapag-usapan. Nung papasok na ako sa may gate namin, may napansin akong isang bagay na medyo pamilyar sa akin, sya na naman ang nakita ko.. hawak hawak ng isang lalaki. Kaya di ko na mapigilan at ipinasok ko na din sya sa kwarto na matikman na…

Gusto ko makilala nyo sya ng lubusan.. heto pala yung picture na naiwan nya bago sya umalis..






Comments

Popular Posts