Posts

Showing posts from 2012

Happy 2013!!!

2012 is about to end... I would like to say "thank you" for being part of my 2012. You make it memorable for me.  As we are about to end this year, may God bless each and everyone of you with good health, peace of mind and a better and bright future.  This year, Ive gained a lot of things. I gained new friends and lost some. gained trust and respect from people that I never expected and lost trust and relationship to people who I cared friends. I never regret every decisions I made in 2012 as it made me a better person and will always be. I've win a lot of battles and lose some... but life must go on... Cheers to 2013! And may the abundance of our Mighty Lord be upon you.

Officially Launching The Other Side of Me

Image
Para lang sa ikauunlad ng ating bansa ay ipinagbubunyi ko at ipinagmamalaking ihandog ang ating photo blog-blogan. Opisyal kung ilalaunch ang blog na ito para naman mailagay ko ang aking walang kwentang kuha na mga larawan. Maraming salamat sa pagbisita at pagsuporta. Maaring puntahan ang blog sa link na ito: http://www.inkedlens.com/ ISANG PAALALA: Ang inyong makikita sa link na nasa itaas ay purong kabastosan kuha at gawa ko. Maaring mag comment at magbigay ng suhistyon para maipabuti ang pagkuha ng mga sunod na larawan.  Hindi pa masyadong ayos ang blog at ang ibang links ay hindi pa gumana, kaya ipagpaumanhin ninyo. Paki follow na lang po sa mga gusto at sa mga ayaw naman, eh di wag! Lols. Joke lang! Maraming Salamat!!!

1st Philippine Instagram Photo Exhibit

Image
Photo borrowed from www.igersmanila.com I am an Instagram user and I know a lot of you are too. But have you heard about the global community of Filipino Instagram'ers (or IGers / ay-ji-ers). They share and tell stories behind the snapshots through #IGersmanila and #9pmhabit on Instagram. They've been meeting regularly through Instameet but its only now that IGers have there own Photo Exhibit sponsored by Globe . The 1st Philippine Instagram Photo Exhibit was held at Gloriette 4 Cinema Lobby yesterday (November 30, 2012 at 10PM) and will run until today (December 1, 2012). The group will showcase different photos creatively snapped and filtered by select Globe IGers and members of Circle of Snapshooters #iCoss taken during their photowalk session at Luneta Park, Bonifacio Global City, Intramuros, and Manila Bay. The second day of the exhibit also culminates its 11th Philippine Instameet. Its their way of getting the chance and opportunity to meet face to face and...

Bakit Nga Ba Ako Nagbo-blog?

Natanong ko na din ang sarili ko sa makailang ulit kung bakit ako nabo-blog. Sa totoo lang hindi rin ako sigurado kung saan nagsimula ang interest ko sa pagsusulat. Hindi naman ako ipinanganak na magaling magsulat at wala din kaming dugong manunulat sa nananalaytay sa aming angkan. Hindi ako mahilig magsulat at wala ding hilig ang pagsusulat sa akin. Pero bakit ako andito ngayon at bakit mo nababasa ang blog na to?? Kailan nga ba ako nagkaroon ng interes dito? Iniisip ko kung sino ang may kasalanan kung bakit adik ako sa pagbo-blog kahit na wala naman akong kinikita dito, hindi gaya ng iba na limpak-limpak na salapi na ang pumapasok sa kanilang kaban dahil lamang sa pagamit ng internet at kanilang imahenasyon at utak. Aha! doon nagsimula ang gusto ko sa blogging. May isang tao akong nakilala na itago na lang natin sya sa ilalim ng mesa para di makilala. May pagka mahiyaan kasi ang taong ito. Naibahagi nya sa akin na nung nag blog sya ay kumita sya ng malaki. Kaya dahil sa m...

My Mom, The Best!

Image
May ibat-ibang kwento tayo pagdating sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga Ina. Ako, pagdating sa Mama ko, emotional akong tao. Dahil na rin sa siguro pagsisikap nila ng Papa ko kaya siguro gagawin ko ang lahat para sa kanila. Noong bata pa ako, nakita ko yung didikasyon ni Mama at ni Papa para lang mabigyan kami ng maayos na buhay na magkakapatid. Akalain mo yun si Mama, napagsabay niya ang pag-aaral sa college sa gabi at sa umaga naman ay nagluluto at nagtitinda ng bibingka para lang may maipakain sa amin. Kaya ako, kaya kung maghirap at magsumikap mabigyan lang sila ng maayos na buhay. Hindi pa man siguro ngayon, pero alam nila na nagsusumikap ako para sa aming lahat.  I am a proud son to my parents. At alam ko proud din sila sa akin. Pero mas proud talaga ako sa Mama ko. Marahil hindi niyo pa alam, eh kapag kasama ko ang Mama at Papa ko para lang kaming magbabarkada niyan. Mag kasing tangkad lang kami ng Mama ko kaya kapag magkasama kami eh akala ng ibang tao...

Ang Tunay Na Lalaki, Nanunuod ng Music Video ni Stefani Joanne Angelina Germanotta

Image
Ang larawang kupas ay hiram lamang kay Pareng Google Masayang sumakay sa jeep. Halos buong buhay ko ay jeep ang transportasyong sinasakyan ko papuntang opisina. Marami akong nakakasalamula. Ibat-ibang tao at pangyayari na din ang aking nasaksihan sa palagiang pasakay ko ng pambansang transportasyon ng Pilipinas. Kanina lang, natuwa naman ako na nasakyan kung jeep/dyip dahil sa loob nito ay may maliit na monitor na konektado sa speakers na nasa ilalim ng upuan. So malayo pa lang ay naririnig mo na ang malakas na tugtog ng musika sa loob nito. Mistulang disco bar ang tugtog ng sasakyan.  Unang video na pinalabas ay ang Music Video ni Britney Spears na Criminal. Natuwa naman ako sa nasakyan ko dahil na rin sa nakakawala ng kaba ang aura sa loob ng sasakyan. Kung di niyo pa alam ay takot na akong mag commute dahil na rin sa nangyari sa akin noong mga nakaraang buwan. Sa di pa nakakaalam kung ano yung. Maaring basahin ang pangyayari dito --> dahil gusto mo talagang mala...

What's in my Nickname?

Image
Mahalaga sa akin ang pangalan ko. Pinangangalagaan ko ito gaya ng pag alaga ko sa sarili ko. Nagpapasalamat ako sa lolo ko na siyang nagbigay ng pangalan ko. Naalala ko may naisulat din ako tungkol sa pangalan ko dito dati. Andito ang post na yun - Whats my Name? Alexander aang binigay na pangalan sa akin. Kung titignan mo at i search mo sa google ang name na yan ay matutuwa ka dahil nangangahulugan ito na tagapagligtas ng mga taong naapi. Parang super hero ang dating diba?  Kung nickname naman ang paguusapan, Sa totoo lang hindi talaga Xander ang nakalakihan kung palayaw. Ang palayaw talaga na binigay sa akin ng mga magulang at malalapit na myembro ng aking angkan ay "Andin". Isang palayaw na hindi ko alam kung saan nag ugat at nanggaling. Basta ang alam ko magkasing tunog sila ng Alex. Ngunit habang tumagal ay naging Andok, Budok, Andoken, Androkles (na palaging ginagamit ng lola ko). Ganyan siguro talaga ang language, napaka dynamic. Dahil nga sa dynamic ...

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Ating Panaginip?

Image
Larawan kuha sa Palawan Noong nakaraang weekend, tulog lang ang ginawa ko. Mahigit 24 oras ata ang tulog ko nun. Bumabangon lang kapag nakaramdam ng gutom at matutulog na naman kapag dinalaw ng katamaran at antok. Minsan bumabangon na lang ako na pagod at umiiyak. Karaniwan na sa akin ang ganung eksena. Minsan naman ay humihingal ako dahil sa masamang panaginip na kesyo hinahabol ako ng mga zombie o di kaya naman ay may humahabol sa akin at lumilipad ako pero ang baba lang ng lipad ko.  Pero noong nakaraang weekend kakaiba ang karanasan ko. Akalain mo ba namang dalawang beses akong nanaginip sa isang tulugan. Magkasunod. Yung una nakakatakot. Yung pangalawa light lang.  Hindi ko maintindihan kung ano nga ba talaga ang dahilan ng panaginip natin. Naalala ko noong nasa kolehiyo ako, maraming mga Psychologist ang may sariling interpretasyon sa mga panaginip natin gaya na lang ni Sigmund Frued, Carl Jung, Calvin Hall, Ann Faraday, Wallace and Jean Dalby Cliff, at m...

Gunita

Image
Isang dakot ng gunita Ang sa akin ay natira Nang ikaw ay lumisan Wala na nga bang pag-asa? Pinilit kong kalimutan Mga panahong nagdaan Noong hawak pa ang mundo At magkawing ang ating puso Ngunit ngayon Ano ang iyong iniwan Mga gunita'ng dala ay sakit Sa iyong paglisan Hindi ko na inasam Ang iyong pagababalik Kung dala ay hapis Sana pagiibig ko sayo'y magparam Ngunit wag mag-alala Masasayang gunita Ang magsisilbing gabay Sa puso kong napapagal Naway makamtam mo Ang tunay na kaligayahan Panalangin ko'y matagpuan ang taong magmamahal At di sana maging isang gunita

Mamang Tsuper

Image
Dahan dahan lang sa pagmamaneho Wag kang kaskasero Maawa ka naman sa aming mga pasahero Na nagbayad sayo para makarating sa dulo Kung makatapak ka sa brake Parang kang freak Hindi mo ba nakikita kami ay nagpapanic Wag kang ganyan anak ka ng putik Binibilisan mo ang pagmamaneho Nang jeep mong nakakatetano Nagpapakyut ka lang ata sa seksing katabi mo Pero di mo alam napipikon na siya sa pananyansing mo Gusto naming makarating sa lugar na pupuntahan Na buo pa at walang sakit sa katawan Wala kaming balak pumnta sa kung saan man Lalo na sa ospital na ating kahihinatnan Mamang tsuper hinay hinay lang Ang pagmamaneho ay hindi isang paligsahan Mabuti na yung makarating sa paroroonan Ng walang masamang nangyari sa daan

Grandiose

Image
Lady in the Water Fountain | Abreeza Mall, Davao City I never felt a heartbeat      Then you present yourself like a mystery      Out of nowhere You shed some light      On my gloomy night      From that point on You promise to be there      That we will face each day      With love and faith We took a vow      And sealed it       With our heart entwined I look up to the sky      And I see your face      Embracing God's greatest creation Facing the sun      Doing an oblation      Praying from this day on I will love you      Till the last strand of my crowning glory      Fall on me - Xander

Unsent Postcard #2: Decisions

Image
Photo taken in Hundred Islands, Pangasinan Decisions... Decisions... You change our life and visions  In every situation We need to make decisions For even a small decision Can change a great nation Decisions...Decisions... You always give me directions My future is shaped by the power of my decision  It is me who will accept and take action By my words and my decision. - Xander

Bagay Na Di Kayang Nakawin Ng Iba

Image
Larawan kuha sa Pangasinan Habang binibilang ang natitirang araw bago matapos ang taon naisip ko maraming pagsubok at pangyayari ang dumaan sa buhay ko.  Sampung buwan... Sampung buwan na din ang dumaan, mahigit sampung pangyayari na din ang naranasan ko. May masasaya at may malulungkot. Pakiramdam ko sa bawat lungkot ay may nawala sa pagkatao ko, materyal na bagay man o hindi. Sa bawat saya ay nadadag-dagan ang pagkatao ko. Maraming nawala; bagay, kalusugan, pagkabata, mga pangakong nakalimutan, minsan din ay ang karapatan. Ngunit may mga bagay na hindi pwedeng mawala sa ating pagkatao hanggat hindi natin hinahayaan ang iba na kunin sa atin ito: A. Nararamdaman/Tingin sa Sarili. Hindi mahalaga ang kung anong sinasabi ng ibang tao tungkol sa pagkatao mo. May dahilan kung bakit tayo andito sa mundo, yan ay ang pag diskubre sa kung ano ang kakayahan mo bilang ikaw. Mahirap mabuhay sa utos at dikta ng iba.  B. Sariling Pananaw. Bawat isa sa atin ay ma...

You're Never Alone

Image
Larawan kuha sa Matabungkay Beach Resort   If you feel that your heart is empty Like no one is there to take away that misery If you think you fight on your own Remember that you are never alone If sadness strikes you big time And you feel that you can't stand cause you don't have a dime Think of those happy memories we've shared I'm sure, at least, that wont make you impaired When you feel lost and I am not around Look inside your heart for in there I can be found When the world turns its back on you I will hold your hands because I will stand beside you  If I bid goodbye because I need to Just remember that I am always here for you Keep in mind that you're never alone You will always be my love and my own

November 1 na ba???

Image
Seen a ghost? Well, try to check the picture above. Ang larawan na ito ay kuha po sa loob ng kwarto namin ngayong umaga pagkagising. Try to look closely at door in the living room. Ilapit mo mukha mo sa monitor mo tapos idilat ang mga mata mo... see a man standing at the door staring in our room holding something? That's what I'm talking about... Bisita namin yan...That is the reason why I have been experiencing something different in this apartment. Afraid? Well, fear not! they don't do any harm. Lol. Maagang pananakot lang? Ganyan?

Paglalakbay sa Byahe ng Buhay

Image
Patuloy ang byahe ng buhay Dala ay pag-asa sa ating paglakbay Sa bawat hampas ng alon Tiwala na tayo ay makakaahon  Sa hirap ng buhay tayo ay babangon Makakarating din tayo Kung saan ang paraiso ay naroon.  Ang larawan sa itaas ay kuha noong Marso 2012 sa Pearl Farm Beach Resort, Davao City. Ang larawan na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards Year 4        

Unsent Postcard #1: Cares

Image
Sa aking pagpapatuloy ng pagiging positive sa buhay. Isa sa pinanghahawakan ko ay ang tiwala sa Panginoon. Alam niyo, kahit na anong pagsubok sa buhay malalampasana natin kapag tayo ay may paniniwala at relasyon sa Maykapal. Higit sa anong uri man ng relasyon ay kailangan natin ang Panginoon. Gaya ng sabi ko, kahit anong pagsubok man ang ating pagdaanan dapat tayo magpasalamat. Ngunit aminin natin na minsan hindi maiiwasan na nalulungkot tayo. Hindi natin hawak ang buhay at ang bukas. Kaya kapag nalungkot ka, tandaan mo lang na may isang gustong makinig sayo. Para maipagpatuloy ang pagiging masaya minsan kailangan din natin ng lakas na galing sa kanya. Kaya kapag malungkot ka at nahihirapan, ibigay mo lang lahat sa kanya. Magiging masaya ang buhay mo. Kaya ang card na ito ay pinapadala ko sa lahat ng mambabasa ng blog na to at mga mahal ko sa buhay na sana wag tayong bumitiw agad at magtiwala lang. Masaya ang mabuhay... Cast all your cares on HIM, for he cares for ...

Yohoo! Celebration...

Image
Happiness is a choice. I believe that being happy is your own choice. You can still be happy even if you are in a very difficult situation. Imagine.. yung mga taong nakatira sa ilalim ng tulay o yung mga natutulog sa kalsada nakikita mo na kahit gaano kahirap ang buhay. Nakangiti pa rin sila... Kaya ngayong araw na ito, sisimulan ko ang maging masaya. Positive lang dapat, sa lahat ng bagay. Mahirap man o nasa problema. Think positive lang. Ngayon, naisip ko na ang dami ko palang dapat ipagpasalamat at i-celebrate. Alam mo yung kahit gaano kahirap ang buhay ay kaya mo pa rin ngumiti. May pera o wala, may ngipin o wala nakangiti ka pa rin. Maramiing bagay ang dapat italon at mag celebrate. Halimbawa... Noong naholdap ako, nagpapasalamat talaga ako na hindi ako nasaktan o ano man. Mas mahalaga ang buhay kesa sa bagay na nawala.  Kapag nagkakasakit ako, nagpapasalamat ako na hindi malalang sakit ito na ikinawala ng buhay ko.  Dapat din ipagpasalamat at icelebrat...

Palatandaan Ng Isang Tunay Na Kaibigan

Image
          Marami sa atin ang naghangad na magkaroon ng tunay na kaibigan. Maliban sa pamilya ang mga kaibigan ang isa sa mga tinatakbuhan ng karamihan sa atin sa tuwing magkakaron tayo ng problema. Sila yung mga taong matatawag natin na pangalawang pamilya o di kaya ay mga kapatid natin sa ibang ama/ina. Gaya ko marami ng dumaan sa buhay ko na tinawag kong tapat na kaibigan. Mangilan-ngilan na din ang nagsabi na kabigan nila ako, ganun din ako sa kanila. Madali akong magtiwala sa isang tao lalong lalo na kung naramdaman ko ang integridad o katapatan. Ilang beses na dni akong nasaktan dahil sa sobrang tiwala na binigay ko sa isang "kaibigan" ngunit sa bandang huli ay nagiging parte lang sila ng aking nakaraan at hindi ang hinaharap. Yung parang dumaan lang sila sa buhay ko para magbigay kulay at maging bahagi nito sa maikling panahon. Nangangarap tayo na may isa o dalawang tao tayong makakasama sa kahit anong pagdaanan natin sa buhay malib...

Banga Ni Xander: Boss, I Think I Love You!

WARNING: MAHABA ANG USAPANG ITO!!! From: The Confused Staff To: zxander316@gmail.com Date: Saturday,  August 25, 2012 Subject: Hello po! Pa advise naman... Hi Kuya, Napadpad ulit ako sa blog mo. Naging busy po kasi ako sa work ko eh. Nakakatuwa pa din basahin mga post mo sa blog. Kakaaliw lalo na yung post mo na Anak Ka ng Lovelife. Natamaan po ako dun Kuya. Hinidi ko alam kung san ba ako lulugar kapag love na ang pinag-uusapan.  Pwede naman siguro mag share sayo Kuya Xander diba? Magaling ka naman kasi magbigay ng payo kapag love na eh.  Kuya, ganito po kasi yan. May lovelife po kasi ako ngayon. Two years na po kami at medyo madami na din po kaming napagdaanan na pagsubok. Kaso parang nakakasawa na po eh. Lagi na lang kaming nag-aaway. Lahat ng bagay na lang po kasi pinagseselosan niya. Kahit yung hindi ko pag hello or pag good morning sa kanya sa text eh nagagalit na agad. Eh siya hindi naman siya ganun sa akin. Palagi na lang po kasi ako...

Anak Ka Ng Lovelife, Oo!

Pano na lang kaya ang mundo kapag walang love? Mahirap noh? Siguro kung walang pag-ibig sa mundo, wala ka dito ngayon. Siguro magulo ang mundo and I'm sure hindi ka nakakapag basa ng blog kasi wala kang love sa pagbabasa ng blog o di naman kaya hindi nauuso ang blog kasi walang love sa pagsusulat at paglikha ng mga kung anong bagay na galing sa puso ang mga tao. Pangit din naman kung puro isip lang ang paiiralin at walang pakiramdam o damdamin diba? Ah basta alam mo na yun. Gets mo na ibig kong sabihin diba? Pag tungkol sa love marami ang nakakarelate sa atin. Marami ang gustong magbahagi ng kanilang karanasan at mga kayang gawin alang alang sa pag-ibig. Intermission number ... Habang ginagawa ko ang post na ito, bigla ba namang tumugtog ang musikang Ballad Pour Adeline. Oh diba saktong sakto sa post na to.  Hindi mo alam ang musikang yan? Hmm.. sabihin na nating pinasikat yan ng programa ni Helen Bela noong nakaraan. Kung hindi mo naman kilala si Helen B...

Dear Humble and Kind Jeepney Driver

Image
borrowed from here Dear Humble and Kind Jeepney Driver, You seems so nice to your passengers today. I really like that. Keep it up.  I will never forget the first experience I had with you last 3 weeks ago, I was mugged. That give me an impression that some, if not most, of you could be the culprit to incidents like that. Anyhow, today you showed how kind and respectful you are to your passengers. Imagine how happy the old lady was when you let her ride for free. She maybe around 80 years old, I believe. If you can just see her face and how she reacted when you said she don't need to pay. She is really happy about it, and she started to utter words that I don't understand, but I know she means thank you.  I never wish that you will also give in to my hopes that you will also give me a discount or maybe allow me to ride for free, but I am just happy to know that there are still kind and friendly neighborhood around. Thanks for reminding me to respect people ov...

Simple Truth I Always Keep in Mind

Image
borrowed from Mr. Google. Lately, my life has been a roller coaster. There have been instances that my faith has been blocked by the situation I was into. I learned a lot from the past experiences and overcome difficulties. As I look back on what had happened in my life for the past 6 months, I can say that I failed in certain aspect but gained victory on the other. That is life's reality, no cannot always get what you wanted. However, life needs to move on. And as we move on we always keep the lessons we have from the past as a shield to our future.  Let me give you a quick rundown of the things that I always keep in mind for me to stay focus. #1 - Happiness and Success are two different things. A friend of mine is making thousands of pesos last year and up to this day she is earning big bucks. She invested a lot of things and saved enough money in the bank. We really admired her for being so successful in terms of work and how she achieved in life. But guess ...

Dear White Bond Paper With A Black Dot In The Middle

Dear White Bond Paper With A Black Dot In The Middle Thank you for giving me a clearer view on how should I react to my current situation. At a first glance, all I can see is your black dot in the middle. I didn't notice the biggest part of the paper which is the clean and white part of it. I tend to overlook and taken for granted many wonderful things and focus my attention and energy on that small, dot-like failures and disappointments. I know realize that my so called "problems" are usually like the black dot, small and insignificant. All I need to do is widen my horizon and look at the bigger picture and the brighter side of it. Thanks! Regards, X.A.N.D.E.R.

Dear Pay Day That Immediately Got Away

Dear Pay Day Who Easily Got Away,  Well, hello there! It's nice to see you after three months of not being together. We should catch up because we have a lot of things to settle. Because of your absence I was kinda in debt and it feels terrible. But now that you're here, things will be better again and I will make it sure that our contract will last longer than we can imagine.  Oh by the way, I want to say thank you for always taking care of me and my payables. I will not make it without you. I know that I can always count on you. And also, thank you making me happy every time you pay a visit in my bank account because you always me make happy and satisfied.  And lastly, I want to say thank you because at the end of the day I believe that I deserve you because I work hard for you even if you easily got away from my hands or pocket.  Cheers! Till next time. Regards, X.A.N.D.E.R.

Dear Typhoon Ferdie

Dear Typhoon Ferdie, I'm so glad to finally meet you. It was was awesome. Imagine after work you have the time to pick me up in the office even though you are so busy flooding the whole Metro Manila. I enjoy your company and because of that I went home soaking wet. I really had a blast. I appreciate your generosity in providing us too much water. At least the plants have the time to keep more water, so come summer time they won't worry about El Nino. But what I really appreciate about you is that because I am soaking wet going home yesterday and water is knee level high, I got the chance to wash my shoes which I haven't done since I bought it. Lels. Thanks Ferdie. I hope to see you again but please don't be too harsh. I don't wanna be late coming to work again. Please? Regards,   X.A.N.D.E.R.