Paglimot sa Bangongot ng Nakaraan
Walang akong magawa. Hindi rin ako inspired sa araw na ito. Pakiramdam ko wala namang kamangha-manghang nangyayari sa araw na ito. Naisip ko na wala din namang exciting na gagawin kundi ang humilata sa kama at tumingin sa kisame. Ito yung mga araw na kung hindi occupied ang utak ng isang tao ay dun din pumapasok ang mga nakaka "emo" na bagay sa mundo. Gaya na lang nang pag-alala sa nakaraan. Kadalasan mga malulungkot na aalaala.Ito yung moment na kung saan ginugunita natin na nasakta tayo, iniwan at bigla na lang tayong nalulungkot at manghihinayang. Minsan kapag sobra ang sakit na naransan nung nakaraan ay umabot tayo sa punto na iiyak tapos biglang marealize natin na tapos na pala ito. Parang tanga lang! Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nag ikot sa buong hacienda bahay (kubo?) namin. Mag-isa lang ako. Wala si Mommy at Daddy (pasosyal!). Tahimik ang buong hacienda bahay (kubo...