Mga Gawaing Pamatay Oras

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing sobrang busy ako sa work doon din gumaga ang imahinasyon ko sa pagboblog. Ang daming bagay akong gusto iblog kapag na pepressure ako ngunit hindi ko naman magawa dahil sa uunahin ko ang aking trabaho. Naeexcite akong umuwi agad para mag blog. Pero tuwing dumarating ako sa aking munting tahanan nawawala ang gana ko sa pag blog.  Nawawala ang motivation ko at napapalitan ito ng pagod at antok. Tila  ba kapag tumititig ako sa kama at unan ko ay parang tinatawag nila ako upang humimlay na at ipabukas na ang pagboblog. Naiinis ako. Hindi na tama to. 

Ngayon, wala akong ginagawa sa opisina. Ito yung mga araw na hindi ako masyadong pressure at busy. Hindi occupied ang isip ko ngunit wala din namang gana sa pag blog. Nababaliw na ata ako. Naghanap ako ng mga bagay na gagawin kesa tumunganga lang dito ng walong oras. Nag isip ako ng mga bagay na pwedeng pagkaabalahan. Mga bagay na makakatulong sa pag angat ng aming kompanyan at ekonomiya ng Pilipinas kung mahal.

Ilang oras na ang lumipas, So far heto pa lang ang nagagawa ko:
  • Kulitin ang katabi ko sa opisina.
  • Tinatanggal ang isang pad post-it at dinidikit ulit ito (100 pages ito).
  • Kinakalat ang isang rim ng coupon bond tapos inayos ko ulit.
  • Nangungulangot. 
  • Nakatitig sa salamin sa harapan ko at sinasabing, "Wala kang katulad Xander, Ang Gwapo mo Talaga!". (Wag na komontra, kanya kanyang trip yan).
  • Bumaba sa ground floor ng building namin na naka elevator. Umakyat papuntang 5th floor na naka hagdan. 
  • Tinatawagan ang kabilang extension ng phone namin na nasa kabilang table lang, at sasagutin ko din ito.  (Baliw lang diba?)
  • Pinalitan ng malamig na tubig ang coffee mug ng katabi ko na may lamang kape.
  • Nag nailcutter. (kamay at paa, paikot-ikot pa!)
  • Gumawa ng sariling kalendaryo ko gamit ang Microsoft Excel.
  • Nag iisip ako kung sisigaw ako ng sunog sa loob ng opisina para masaya. Pero wag na baka matanggal ako sa trabaho. 
So far, yun pa lang ang nakakabored na mga ginawa ko ngayong araw na ito.Habang kinakalikot ko ang aking cellphone, naalala ko na kailangan ko na nga pala mag make over ng aking buhok para sa isang pagtitipon na aking dadaluhan. Naalala kung maghanap ng bagong hair style sa kadahilanang wala talaga akong signature look pagdating sa buhok. Nakita nyo naman na walang kwenta ang style ng buhok ko na pang matanda. Argh!

Kaya heto ang mga ilan sa mga naisipan kung style ng buhok ko. Nakakatawa pa lang gawain to. 

Photo no longer available


Tingnan nyo, pwede pala akong ng ibat-ibang klase ng hair style. Lol.T'was a crazy evening.

O sya cge at ako'y manggugulo pa sa ibang tao. 

Salamat sa pagdalaw hanggang sa muli!

Comments

  1. whahaha ang kulit.,.. halatang mawalang magawa ha.. pede rin bilangan mo yung mga langgam na nagtratrabaho whahah :D
    petiks kung petiks hehehe "D

    ReplyDelete
  2. kulit, pareho tayo sa office ako nakakapagblog, paguwe ng bahay wala na, kaya tambak na ako ng office works!hahaha

    darwin
    http://trackingtreasure.net
    http://damicaye.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. di ka rin makulit.buti naman at di napaso yong uminom ng kape este hot water pala. yong nice one lang ang matinong gupit. yan ang type kong hair cut

    ReplyDelete
  4. hahahahaha...may AIDS ka pare...as in "As If Doing Something" kalimitan sakit ng mga nasa office..LOL

    Dito rin ako sa office nakakasulat ng blog kasi boss ko lang distraction ko dito..hehe..bago ako mag umpisa sa work, magba-blog muna ako..tapos mamayang gabi sa bahay, post ko na..hehe..pero kasalasan, new post na ako nagta-type para diretso post na..wala nang edit..haha.

    ReplyDelete
  5. dagdag kaalaman ito.. eheheheh.... salamat...

    ReplyDelete
  6. bagay sa yo ang justin bieber look hehehehe.

    ReplyDelete
  7. lol justin beiber..hahahha

    ang kulet ha

    umakyat ng hagdan hanggang 8thfloor..
    adik ka !

    lol
    morning!

    ReplyDelete
  8. haha xander., parang adik lang oh., nice one! :D

    ReplyDelete
  9. Sa practical side muna ako magcocomment. Yung "nice one" din ang vote ko.

    Ok. Sa makulit na... anong sininghot mo? Carpet na sinunog gamit ang isang alipin? (<-- my drug of choice)

    Nagawa mo na ba yung pinagagawa ko sa yo? Dapat, yun yung inatupag mo, dude! Hahaha!

    ReplyDelete
  10. @Chad-- wahahaha sorry naman.. im working on it.. sensya na. wala kasi magawa ehh.. Sorry boss.. hahaa

    ReplyDelete
  11. masok yung mexican hair hehehehe

    siguro kung call center agent ka, im sure wala kang time. in short walang idle time ang mga agents compare mo sa ibang work

    ReplyDelete
  12. natawa ako sa Shy Type look mo...Justin Bieber?

    ReplyDelete
  13. justen bebe ikaw ba yan?! hahahaha!

    ReplyDelete
  14. @lonewolf.. hahah astig yung mexican look noh? hahahaha thanks lonewof..

    ReplyDelete
  15. @EngrMoks-- shy type na shy type ehh ahahaha

    ReplyDelete
  16. @iya- hahaha oo ako yan.. my new hair.. haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?