Luha: Sa Duyan

Habang nakahiga sa duyan na aking tambayan
Nagmumuni-muni sa mga nangyari noong nakaraan
Sa duyan umusbong pagiibigan na puro kasinungalingan
Ngunit sa mismong duyan nangangarap na ako'y iyong balikan

Naalala mo pa noong una kitang niyaya
Na sumabay sa indayog ng aking duyan at tayo ay magparaya
Magiliw kang sumakay sabay hawak ang aking kamay
Nangako kang ako'y samahan kahit duyan ay wala nang tibay

Ngunit sa paglipas ng panahon pagibig mo ay nagbago
Ang dati mong sigla sa duyan ko ay naglaho
Ang sabi mo sa akin pagod ka na at nahihilo pa
Di naman kaya buntis ka aking sinta? Sagot mo ay "Oo" ngunit di ako ang ama.

Wasak ang puso nang iniwan mong nagiisa
Sumama ka sa iba na di hamak ako ay mas gwapo pa
Sana di na lang umasa na ikaw ay makakasama
Luha ay umagos sa aking mga mata habang nagiisa sa duyan na nakatunganga.

Ang tulang nasa itaas ay kalahok sa patimpalak ni Tweety BIRD (Iya_khin) na pinamagatang Luha Mo sa Pakontest Ko.

Comments

  1. eh di ikaw na ang mas gwapo hahahaha.

    ang lupit naman non. nabuntis ng iba. nasalisihan! tsk hehehe nice one!

    ReplyDelete
  2. wahahahaaha lol.. ako na nga Bino.. wahehehe..

    ReplyDelete
  3. naku maganda rin yung entry mo. anubayan! tayo tayo na rin ang naglaban-laban..

    goodluck kay iya! hahaahaahahaa.

    siya ang mahihirapan at hindi tayo. LOL.

    ReplyDelete
  4. talagang ikaw ang gwapo?! ngayon ko napatunayan na di pala ito nadadala sa kagwapuhan! ahahaha! lupet!

    salamat sa pagsali mo angry bird! :P kita-kita tayo sa finals!

    ReplyDelete
  5. makikisali din ako..napadpad dahil kay iyakhin..

    ReplyDelete
  6. Base ba to sa totoong buhay? Naitanong lang pre...

    Dumadami na tayo, gudluck sa sa ating lahat. Congrats sa mananalo.

    ReplyDelete
  7. @Suplading Officeboy-- hahah oo nga tayo tayo na lang sumasali.. ok lang yan suporta yan kay Iya ang Babaeng mahilig sa Angry birds.. hahaah

    ReplyDelete
  8. @Jay Rulez-- hayaan mo na at kahit sa tula ehh sinabi ko na gwapo ako.. wahahaaha..lol

    ReplyDelete
  9. @iya_khin - huy iya! hahah joke.. makapal lang ang mukha ko at di ako gwapo.. hahahaha

    ReplyDelete
  10. @EngrMoks-- hahaahah.. medyo lang...

    ReplyDelete
  11. ang galing naman,,,

    ReplyDelete
  12. @Anonymous -- salamat sayo kung sino ka man.. ahahahhaa

    ReplyDelete
  13. @Michael-- salamat at welcome back sayo..

    ReplyDelete
  14. Gmorning xander!!

    di hamak n mas gwapo k nga.. makakahanap ka din ng mas maganda kaysa don.. GOOD LUCK para dto.

    ReplyDelete
  15. @Mommy-razz-- maraming salamat po.. hehe thanks sa pagbisita dito..sya nga pala nung nagbabasa ako ng blog mo nakita nung kasama kung babae sa office sabi pa niya nung nakita niya pic mo kung si Sharon Cuneta ka ba daw.. hehe

    ReplyDelete
  16. Baka ayaw naman niya sa duyan Sir Xander.

    Ito ang masaklap sa pag-ibig, bigay na bigay na minsan pero saka naman lalayo. Parang bu-ang eh.

    Romantiko ang unang tagpo, siphayo naman ang pagtatapos ng iyong tula.

    ReplyDelete
  17. waaaa, ang sad ng poem, nasalisihan ung person :(

    ReplyDelete
  18. @J.Kulisap -- oo nga mukhang ayaw niya ng duyan.. hahaha..ganun talaga sa umpisa ng nagiibigan haha.. ano pala ibig sabihin ng siphayo?

    ReplyDelete
  19. @khantotantra-- sad nga ehh .. hahay.. emo daw kasi sabi ni Iya_khin hehe

    ReplyDelete
  20. @Keatondrunk-- emo daw kasi sabi ni iya_khin.. sobrang lungkot ba? hehehe

    ReplyDelete
  21. sumali na po ako..puwede ba tayo mag exchange link..add mo ang blog ko sa blog list mo..add din kita.....tell me kung ma add mo na ako..thanks..

    ReplyDelete
  22. Hi,

    Gandang umaga!

    Maganda ang pagkakagamit ng metaphor ng pag-ibig at duyan. It's a good read.

    Keep it up!

    To GOD be the glory till eternity! =)

    ReplyDelete
  23. @lagalagako -- thanks sayo.. God bless

    ReplyDelete
  24. uy o nabasa ko entry mo sa luha hahaha!

    Goodluck sayo ^_^

    HHHMMMMmmmmmm totoong nangyari ba yan sayo? ^_^

    ReplyDelete
  25. nakakaloka. hindi mo kase binantayan maigi kuya. naki-duyan tuloy sa iba. :P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts