Nuff Said

Paalam Na

Ikaw ang nagbigay sa akin ng saya
Sa tagal nating nagsama, ikaw lang at wala nang iba
Akala ko ikaw at akoy magkasama panghabang buhay
Ngunit lahat ng bagay ay may katapusan pala
Mahigit anim na taon ika'y aking karamay
Sa hirap at ginhawa ikaw ang kaagapay
Puso ko'y hindi nagsisisi
Na ikaw ang pinili na walang pag atubili
Ngunit isang araw biglang naglaho
Ang matamis na pag-ibigan ay tinapon mo ng malayo
Na walang pagaalintana
Ako'y iyong binigo
Nagtatanong kung totoo ba ito?
Ang sagot mo lang ay tumataginting na "Oo".
Di ko kinaya ang totoong sagot mo
Ngunit wala akong magagawa kung ikaw ang lumayo.
Hindi kita masisi kung sa kanya mo nakita
Ang mga bagay na kailan man di mo nakuha
Gusto kita ipaglaban sa mapang agaw na kapalaran
Pero hindi tama sapagka't ikaw ang lumisan.
Pinili mo ang kanyang mga bisig
Kumpara sa aking totoo na pag ibig
Wala akong materyal na bagay
Ngunit meron pa akong dignidad at pagmamahal na iyong kaagapay
Ngunit masaya na ako
Na nagdesisyon kang lumayo
Napaisip ako
may dahilan ang lahat ng ito
Ako ngayon ay masaya
Hindi dahil sa nahihirapan ka
Ngunit ngayon ko lang natagpuan
Ang tunay na kaligayahan kahit na nag-iisa
Paalam na mahal kung sinta
Hanggang dito na lang talaga
Ang pag iibigan nagtapos din sa wala
Paalam na, oh aking sinta
Orihinal na Sulat ni:

4 comments:

  1. haaayyyyyyyyyyy....
    pagibig nga naman........... :(

    ReplyDelete
  2. May pag-papaalam. At wait nga!!!! BAGONG BAHAY???!!! HUWAW NAMAN!

    ReplyDelete
  3. hehehe.. ang pag ibig nga ehh hahay ewan!

    ReplyDelete

Blog Anniv

Get your own free Blogoversary button!