Love: is it Over? -- Eh Pano Yung Second Time Around?
Napadaan ako sa Damuhan ni Bino at binasa ang kanyang post na Love: Is it Over?. Natamaan ako sa kanyang sinabi sa post na yun sa kadahilanang naranasan ko na din ang mga nabanggit nya not only once, not only twice but many times. Bobo kasi ako pagdating sa love. Give lang ako ng give. Minsan nakakalimutan ko na din yung mga bagay na dapat unahin. Love is blind nga siguro talaga. I mean not the love itself but maybe the people under the influence of being in love. Nakakaadik?
Pero habang patuloy ako sa pagbabasa natanong ko din sa sarili ko pano yung tinatawag nilang "second chance"? Pano kung sa punto ng relasyon ninyo eh dumaan lang pala ito sa pagsubok? Pano kung sa maikling panahon na nararamdaman ninyo ang mga nabanggit ni Bino eh dumating din sa punto at marealize ninyo na mahal ninyo pala ang isa't-isa at di kayang mawala ito. Maniniwala ka ba sa isa pang pagkakataon o hahayan na lang na mawala ang mga bagay ma mahalaga sayo? Pano kung matagal na kayong magkasama? Pano kung marami na kayong naipundar na bagay at emosyon sa inyong relasyon? Pano kung sa nagawa niyang paglisan at pagtakwil sa ilang taon ninyong relasyon eh umaasa ka pa rin na sana balang araw ay babalik siya sa piling mo o di naman kaya ay babalikan ka nya at humingi ng tawad sa pagkakasala sayo.
Marahil masasabi mo na may pinaghuhuhutan ang sulatin na ito. Sabihin na natin na sa ilang relasyon na ang nadaanan ko eh may mga bagay din akong natutunan kahit papano. May ibat-ibang dahilan kung bakit umabot sa punto ng inyong relasyon na nagkakaroon ng pagkasawa o walang gana sa kapareha gaya ng nabanggit ni Bino, nawala na yung tinatawag nilang "spark". Ano nga ba meron ang spark na ito at nagiging dahilan pa minsan ng pagkakalabuan at hiwalayan ng isang relasyon.
Mabalik ulit tayo sa tanong na, "Pano pag gusto nya humingi ng second chance?" tatanggapin mo ba ito at isugal uli ang puso mo? Magtitiwala ka pa ba na hindi na nya ulit gagawin ang pagiwan sayo? Pano ka nakakasiguro na hindi na niya kayang iwanan ka? Pano mo malalaman na seryoso sya sa paghingi ng second chance? Ano ba ang palatandaan na gusto nya ng second chance? Ito ba ay kung:
1. Nung naghiwalay na kayo ay panay ang pangangamusta niya sayo na para bang walang nangyari. Nag greet ng good morning, good afternoon at good evening. Panay kamusta kung kumain ka na ba?
2. Kung sakaling magkasama kayo sa bahay ay, nilulutuan ka pa rin nya ng mga paboritong mong pagkain. Nilalambing ka niya at hinuhug kung may pagkakataon.
3. Kung hatid-sundo ka pa rin nya sa pinapasukan mo.
4. Ayaw niyang nakikita kang umiiyak at nasasaktan (samantalang siya ang may dahilan na umiyak ka at nasasaktan).
5. Nais nya na maging masaya ka sa bawat oras.
Maaring may pagkakataon pa nga. Maaring mabigyan ng second chance ang bawat relasyon na nabuwag. Walang imposible sa mga taong patuloy na umaasa at naniniwala pa rin sa wagas at tunay na pag-ibig. Ngunit ito din ay babala sa atin na sa bawat desisyon na ating pipiliin ay maaring may epekto sa hinaharap. Maigi na pagisipang mabuti. Gamitin din ang utak wag puro puso.
2 thumbs up!
ReplyDeletesabi nga nila everthing have a second chance at kung dumating ka sa point na yun siguraduhin mo na magiging ok na.. mas masaya at puro ng exciting sa buhay :D
ReplyDeleteAlthough binigyan ka ng second chance it doesnt mean na lahat ay ok like the first time, kahit na papaano may lamat na yung sa second chance kaya tama ka gamitin ang utak at hindi ang katawan este puso pala...(habang sinusulat ko ito, "this i promise you" ang background music ko, nice di ba...lol)
ReplyDeleteingat!
everyone deserves a second chance. kaso naniniwala ako na maaaring maulit ang ginawang pagkakamali hehehe
ReplyDelete@AXl- tama ka dyan.. love is sweeter the second time around,. .
ReplyDelete@Anciro -- hahahah
@ rhyckz- tama ka dyan..
Naghihilom ang sugat ng nakaraan,hindi impossible sa paglipas ng panahon ay marealize na may pagmamahal pa kayo sa isa't isa...
ReplyDeletenabuwag man sa unang pagsasamahan
ay ndi pa nahuhuli ang lahat...
kaya may 2nd chance pa ...
pero sa tingin ko kanya kanya yan ng sitwasyon...
madami sa nakakaranas ng pagkasawi sa una
ay aayaw namuli pang maulit kung ano man ang namagitan sa kanila,kahit may pagmamahala pa.
@Bino- its a matter of trusting the person or not.. medyo katakot mag risk..pero why not give it a try diba? pero katakot.. ako ayaw ko na hahaha
ReplyDelete@Jay -- tama ka dyan kanya kanyang trip sa buhay yan..
Bow! :)
ReplyDeleteKung may second chance.... e di, go! :D
Hindi ko ba nasubokan ang second chance n yan...sabi nila, mas maganda daw. Good read pare..
ReplyDeleteOO nga pala, ganun talaga sa damuhan, madami kang maapakan na kakaiba..hehe
oh geez. this is me. this hit me bigtime. =l
ReplyDeletehello xander, kaya mag kaiba-iba ang mukha ng tao kasi magka iba-iba din ang buhay, yon ang sa knya, yan din ang sau.. tama din ang opinion mo, kya nga may kasabihan na second chance eh.. dba? i follow you na..
ReplyDelete@empi-- bow! hehe
ReplyDelete@Akoni- oo maganda ang second chance. try mo. lol
@Adonis- nice! good.. parang kinikilig ka Adonis.
@Mommy-razz-- salamat po sa comment.. tama ka po dyan.
Dati hindi ako naniniwala sa 2nd chance ... until now. May love story ako na hindi nabuo ... natengga lang ... at ngayon, heto ako, naghihintay ng Chapter 2 namin. Mahirap .. masakit pero ganon talaga tayong mga tanga sa pag ibig. Give lang ng give.
ReplyDelete@Kay -- hmm ako doubtful pa din.. wahaha.. pero melai natin mag work.. hehehe.. dont give up on love sabi nga sa kanta.
ReplyDeletenice one... napahanga mo ako.. well detailed... sana magkaroon ako ng second chance
ReplyDeletekung ang binigay mong palatandaan ay ginagawa ng taong gusto ng second chances. then, go... pero dapat makikita mong sincere siya. :)
ReplyDeletehehehe interesting,wala naman masama sa pagbibigay ng 2nd chance kung nagmamhalan nmn talga kayo db? ang masaklap lang naman eh kung ikaw lang ang nagmamahal sa kanya.. yun ang mahirap dun.
ReplyDeletesecond chance will only happen kung may forgiveness. kailangan iforget at iforgive ang kasalanan ng isa if not the relationship, wont succeed plus may times na kailangan mo din magbago ng ugali na di niya gusto
ReplyDeletehaay naku pagibig talaga!
ikaw na ang maraming karelasyon! hihihi..
ReplyDeletesecond chance? naranasan ko na din yan ang magpatawad at patawarin...
ihahalintulad ko ang relasyon sa isang malaking arena sa ps2, maraming kalaban at maraming trap paganamatay ka may second life ka pa para lumaban at matapos ang laro...wala lang para maikonek ko lang! hahahah
@musingan - maraming salamat sayo..
ReplyDelete@empi-- tama ka dyan.. sincerity is the best policy..lels
ReplyDelete@MG- oo nga sabi nga nila it takes two to tango.. hindi pwede ikaw lang or siya lang.. dapat talaga give and take..
ReplyDelete@lonewolf - oo dapat forgive and forget.. pero yung iba kasi mahirap mag forget.. alam mo yung pakiramdam na tuwing nakikita mo siya at nararamdaman mong mahal mo siya ehh bumabalik lahat ng sakit.. haayy pagibig nga
ReplyDelete@iya-- hahaha o sya cge parang MMORPG lang yan ehh.. yung mga tipong pag namatay pwede i ressurect ng iba hahaha.. ibig sabihin pwede yung ibang tao ang mag bibigay ng bagong saya sa buhay pag ibig mo.. hahah
ReplyDeletewala lang para lang din may ma reply ako hahaha
i gave somebody a second chance...third chance pa nga e. pero wala... WASTED. hahaha...
ReplyDeleteAlam mo Alexander, Naka relate ako ng super sa post mo. HIndi lang ako naging bobo sa pag-ibig, as in naging super tanga, (that's what they say) which I think totoo naman.
ReplyDeleteI have given the guy so many times na bumalik sa buhay ko. But still did the same thing. Iniwan din ako after five years na ganon. Siguro pag bumalik eh baka tanggapin ko pa rin. Ay grabe na ito! hehe
Pero siguro, tama ring gamitin ang utak din paminsan minsan, kaso yung puso lang ang nakakapagdecide kung san siya magiging masaya. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay mag move on.. at hihintayin ang time na magmamahal ako ulit..
Nice post parekoy! :)