Dalawampung Kahanga-hangang Bagay na Nangyayari NGAYON


     Ngayon na ang tamang panahon. Ngayon mga kahanga-hangang bagay ang nangyayari sa buong mundo. Hindi man natin ito nakikita at nararamdaman, ngunit NGAYON maraming bagay ang hindi maipaliwanag.




Ngayon...

  1. Mahigit kumulang sa 240 batang ipinanganak sa buong mundo.
  2. Isang kaibigan ang tumutulong sa kapwa kaibigan upang malampasan ang problemang pinagdadaraanan.
  3. Isang tao ang nag-iisip gaya ng kung ano ang iyong iniisip ngunit hindi pa nya ito nasasabi sayo.
  4. Dalawang tao sa inyong lugar ay nagmamahalan.
  5. Isang tao ang may problema sa kanyang timbang noong nakaraang taon na nakatayo sa timbangan at naka-smile.
  6. Isang batang babae ang nagsimulang humakbang upang matutong lumakad.
  7. Bawat tao sa isang relihiyon o grupo na may ibat-ibang paniniwala ay nasa loob ng simbahan, mosque, templo o bahay dasalan upang ipagdasal ang Kapayapaan sa Mundo.
  8. Dalawang magkakaibigan ang nagtatawanan kahit walang dahilan.
  9. Isang tao ang naglilinis ng kanyang ilong habang ang isang kamay ay nakahawak sa kinakaing tinapay.
  10. Isang batang umiiyak dahil sa inagawan sya ng kendi ng kalaro nya.
  11. Isang sugatang sundalo ang nakikipaglaban para sa kapayaan sa mundo.
  12. Isang bombero ang tumatakbopapunta sa nasusunog na bahay upang sagipin ang isang taong hindi nya kilala.
  13. Isang grupo ng mga magkakaibigan ang nakaupo sa isang mesa na nagkwekwentuhan ng kanilang mga nakakatawang istorya. 
  14. Isang tao ang namimiss ka at iniisip ka. Natutuwa sa muli ninyong pagkikita.
  15. Isang ina ang naghahanap ng yakap ng kanyang anak na nawalay sa knaya.
  16. Isang doctor ang nasa loob ng operating room upang sagipin ang buhay ng isang pasyente.
  17. Milyon-milyong mag-asawa ang nagdiwang ng kanilang 5oth anibersaryo.
  18. Ang magiging Pangulo sa hinaharap ay nasa kindergarten ngayon, nagrerecess.
  19. Isang librong magpapabago sa perspketibo ng buhay mo ang siyang sinisimulang sulatin ng manunulat.
  20. Isang musikero ang gumagawa ng kanta habang iniisip sa kung pano ito tanggapin ng tao.
Ngayon ang simula ng bagong bukas. Ngayon na ang tamang panahon upang gawin ang mga bagay na dapat gawin. Ngayon na at hindi bukas.

Ngayon gumawa ka ng isang bagay na magpapaligaya sayo.Ngayon na ang oportunidad mo. Hindi bukas kundi NGAYON!

Kung nagustuhan mo ito. Ngayon na ang tamang panahon para mag komento. Hindi Bukas kundi NGAYON!

Comments

  1. tama!!! ngayon na. tama na ang mañana habit :D

    ReplyDelete
  2. Tama nga Bino! salamat sa pag agree.. lol

    ReplyDelete
  3. ahahahha... tama... marami talagang nangyayaring bagay na hindi man lang natin namamalayan... eheheheh... salamat sa pagdaan sa aking bahay...

    ReplyDelete
  4. So, is this the Tagalog version of your "A Boy Named Xander" blog?

    ReplyDelete
  5. @Erick -- i honestly dont know.. hahaha siguro ito na nga yun lol

    ReplyDelete
  6. AMEN!

    lels :)



    ngayon na!ngayon na goooooo!!!!

    ReplyDelete
  7. ang nosy mo! pano mo nalaman na ginagawa nila yan? hahaha. :)

    ReplyDelete
  8. HAHA! Tanong ko lang, may tao din kaya sa mundo ngayon ginagawa ang ginagawa ko sa ngayon? halimbawa, nagiisip habang nakasakay ng mrt, o kumaian ng pizza habang umuulan.

    ReplyDelete
  9. @Moks-- malamang meron.. tingin ka sa paligid mo baka meron din hhehehe..

    ReplyDelete
  10. Ayos ah! Galing.. At ngayon ay may isang tao na nagkokomento sa isang blog ni Alexander, at nangangarap na siya rin ay makilala sa personal.. hehe :)
    Gusto ko ito, kasi napaka positive ng feeling.. ♥

    ReplyDelete
  11. @iamzennia - maraming salamat sa comment mo.. natutuwa naman ako at gusto mo ako makilala sa personal.. see you soon..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?