Ulan



Bumuhos na naman ang ulan
Nakadungaw sa bintana nakatingin sa kalawakan
Minamasdan bawat patak ng ulan
Tinitignan bawat dampi ng ulan sa labi ng kalupaan

Naalala mo pa ba nung minsang umulan
Habang tayo ay naglalakad doon sa may simbahan
Bigla kang tumakbo akala ko ako ay iyong iiwan
Ngunit sa iyong pagtakbo hawak mo ang kamay ko at payong ay iyong binuksan

Kay sarap gunitain ang bawat alaala
Kahit sa mga araw na ito ikaw ay nasa bisig na ng iba
Masaya na ako sa panahong maulan ang paligid ko
Sa nagiisang payong mo ako pinasukob mo.

Ngayong wala ka na at maulan na naman
Di na nababahala kahit mabasa sa ulan
Dahil sa ngayon ako ay nagsasaya
Habang naliligo kapiling ang mahal kung kakosa

Kaya ang aking paalala
Kahit na bumuhas man ang ulan sa tuwina
Wag mabahala kahit na mabasa
Dahil payong ng iba ay nakahanda

Ngunit kung ulan ay lumala at payong ay wala
Di pa rin nababahala ang puso kung balisa
Sapagkat ang araw ay sisikat ng dakila
At tanggalin ang lamig sa puso kong ulila

 

Comments

  1. kala ko kanta na Ulan. own poem palang. maganda ah. makatang makata ka talaga :D

    ReplyDelete
  2. hahahaha... hindi naman kanta.. pero pwede rin gawing kanta.. lagyan mo kaya ng tempo.. lol.. hmm cguro ang nasa isip mo kanta ni Jerico Rosales noh? hehehe.. Ewan kom ba kung bakit lately puro poems ang naisusulat ko wahaha.. sarap pala.. lolz

    ReplyDelete
  3. tumutula! ulan!! namimiss ko yan! once in a blue moon lang yan dito...haay....pasukob naman sa iyong payong at ako'y kakapit sayo...kase maginaw...lels!

    ReplyDelete
  4. hehehehe, tumutula ka na rin pala ngayon. naks

    ReplyDelete
  5. Uyyyyy! May namimisssssss.... sino kaya yon?


    #chismosomode


    empi

    ReplyDelete
  6. ang gondo... dapat may pic para mas maganda heheh :D

    ReplyDelete
  7. @AXL Powerhouse -- marmaing salamat..oo nga ehh sana may pic.. cge lang next time.. hehehe

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?