Paglimot sa Bangongot ng Nakaraan

          Walang akong magawa. Hindi rin ako inspired sa araw na ito. Pakiramdam ko wala namang kamangha-manghang nangyayari sa araw na ito. Naisip ko na wala din namang exciting na gagawin kundi ang humilata sa kama at tumingin sa kisame. Ito yung mga araw na kung hindi occupied ang utak ng isang tao ay dun din pumapasok ang mga nakaka "emo" na bagay sa mundo. Gaya na lang nang pag-alala sa nakaraan. Kadalasan mga malulungkot na aalaala.Ito yung moment na kung saan ginugunita natin na nasakta tayo, iniwan at bigla na lang tayong nalulungkot at manghihinayang. Minsan kapag sobra ang sakit na naransan nung nakaraan ay umabot tayo sa punto na iiyak tapos biglang marealize natin na tapos na pala ito. Parang tanga lang!

          Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nag ikot sa buong hacienda bahay (kubo?) namin. Mag-isa lang ako. Wala si Mommy at Daddy (pasosyal!). Tahimik ang buong hacienda bahay (kubo?). Tanging si Diglet (ang aso ko) ang maingay na kumakahol sa bawat taong dumaraan sa labasan. Dumungaw ako sa bintana upang silipan ang bakuran. Tahimik. Walang makausap. Minumulto na naman ako ng mga alaala nang aking nakaraan. Nag-isip ako ng gagawin upang maiwasan ang pagkalungkot ko. Naghanap ng mababasa, ngunit wala akong makita. Tumungo ako sa kusina upang kumuha ng kutsilyo malamig na tubig.Habang hawak ang bote ng malamig na tubig, napansin ko ang cabinet sa itaas ng hugasan na kalahating bukas. Binuksan ko ito at tinignan kung anong laman. Bumungad sa aking harapan ang mga kasangkapang may kalumaan na pero hindi na ginagamit sa pagluluto.Mga disposable noodle cups na nakatago, nakapatong at nakaayos. Mga plastic cups, fork and spoon na sa tingin ko ay gamit na ngunit itinago na para bang may sentimental value ang mga ito.

          Naisip ko na kahit sa mga bagay na mahalaga sa atin ay mahirap din palang itapon. Mga bagay na nagpapasaya sa atin. Mga bagay na nagpapaala-ala na minsan sa buhay natin tayo ay naging masaya sa piling nya. Kung ang bagay na ito ay may halaga pa pano na lang kaya kung yung taong minsan naging parte ng pagkatao mo. 

           Ngunit mahirap harapin ang bukas kung ang buong pagkatao mo ay naiwan sa nakaraan.Malabong darating ang bagong saya kung hindi ka pa handang yakapin ang tuwa at saya na kayang ibigay ng iba. Mahirap makahanap ng bagong pag-ibig kung ang puso mo ay nakatali pa rin sa iyong nakaraan. Umaasang sa darating na panahon ay magkabalikan at muling mapukaw ang nagaalab nyong damdamin kahit pa na alam mong hindi na kailan man mangyayari.

          Kailangan kung makalimot. Kailangan kung mag move on. Kailangan kung harapin ang "Umagang Kay Ganda" (plugging ito!?) na mag-isa (sa ngayon). Naghanap ako ng paraan upang makalimutan ang bangongot ng aking nakaraan. Nagtanong sa mga kaibigan. Nakinig sa kanila payo. Pinairal ang pagmamahal sa sarili  at binigyan ng importansya ang mga taong higit na nagmamahal na walang hinihinging kapalit. 

        Upang madaling makalimot sa pait ng kahapon, gumawa ako ng hakbang at paraan gaya ng...
  1. Hindi pagpunta sa mga lugar na nakakapagpa alaala sa kahapon. Lalo na sa mga motel na madalas nyong pinunpuntahan.
  2. Isipin mo na panget sya at puro kapintasan lang ang nakikita mo sa kanya. Masama na kung masama. Masama din naman ugali nya. Bwahahaha (evil laugh). Lol
  3. Itago ang mga bagay na bigay nya. Wag itapon sayang. Baka pwede pa pagkakitaan.
  4. Wag tumambay sa bahay nyo. Nakakabaliw yan. Puntahan ang mga matitinong kaibigan at makipag usap. Wag sa mga siraulong kaibigan, dadahil ka lang nila sa kabaret bar. 
  5. Mag paganda ng katawan/magpasexy. Para maglaway ang hinayupak. Yun ay kung maglaway talaga sya.Goodluck na lang kung mas sexy/gwapo o maganda ang pinalit sayo. Move on ka na lang. Kung panget na man ang pinalit sayo, aba eh! yan ang tinatawag na TRUE LOVE. Talo ka dyan. Hayaan mo na lang din. 
         Sa totoo lang mahirap talaga kalimutan ang isang bagay na nagbigay sayo ng kahulugan. Mahirap kalimutan ang isang taong nagbigay sayo ng kahulugan kung paano mabuhay, kung paano kalimutan ang iyong sariling pangarap para lang bumuo ng pangarap kasama sya. Mas mahirap pa kung sa bawat pangarap na binuo nyo eh hindi na pala ikaw ang magiging katuwang nya na buoin ang mga iyon. Ngunit, hindi pa huli ang lahat. Hindi pa magugunaw ang mundo. Hindi ka man mapalad sa larangan ng pag-ibig sa ngayon. Alam ko at alam mo na meron din naman isang tao dyan na handang buoin muli ang mga pangarap na yun. Malay mo katabi mo sya ngayon o di naman kaya nakatingin sya sayo sa malayo. Malay mo makakatabi mo sya sa jeep pauwi sa inyo mamaya. Malay mo makasalubong mo sya sa daan. There is still hope for a heart that has been broken. Dont give up on love.



Comments

  1. masunod nga yang mga hakbang mo pag nagkataon. haha

    ReplyDelete
  2. oh my gadddd!!! isang emo post! grabe. i feel you pare :)

    ReplyDelete
  3. hahaha...natawa ako sa mga tips mo..pero ang emo mo pare..hehe

    ReplyDelete
  4. Hahaha... nakamove on nako. Halos lahat yan ginawa ko. effective lalo na yung number five. lol (evil laugh) hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?