Ang Bebe

FIRST SERVING: HONESTY

Sa isang di kalayuang bukirin ay naninirahan ang dalawang magkakapatid na si Juan at Pedro. Kasama nilang tahimik na nainirahan ay ang kanilang Lolo Jose at ang mga alagang hayop nito partikular na ang mga paboritong inaalagaan ni Lolo na mga bebe. 

Naging mabuting apo at katulong sa bukirin sina Jose at Pedro. Si Jose ay isang masunuring bata na may takot kay Lolo Jose. Kapag nagagalit kasi si Lolo ay para itong bulkang sumabok na naghahasik ng maiinit na lava. Si Pedro naman sa kabilang dako ay isang bata pilyo at mapang-asar kay Jose.

Isang araw habang naglilinis ng bakuran si Pedro, habang pinuputol nya ang mga damo gamit ang "grasshook" ay hindi nya namalayan na isang bebe pala ang nakawala sa kulungan at dumaan sa kanyang harapan. Ang bebe na ito ang isa sa pinakapaborito ng kanyang Lolo. Habang patuloy sa paglilinis si Pedro ay ganun din naman ang pagdaan ng bebe sa kanyang harapan ng sa di inaasahang pangyayari ay natamaan nya ang ulo nito. Dead on the spot ang kawawang bebe.

Sa takot na baka magalit si Lolo Jose ay dali daling niya ito ang itinago at mabilis na tumakbo sa likod ng bahay. Naghukay sa lupa at mabilisang inilibing ang kawawang bebe. Pawisan si Pedro matapos mailibing ang bebe. Panatag ang kanyang loob na walang kahit sino ang nakakita sa nangyari. Ang di niya alam ay nakita ito ng kanyang kapatid na si Juan. 

The next day...

Lolo Jose: Pedro! Pedro! Linisin mo ang hapag kainan matapos tayong kumain!

Pedro: Lolo sabi ni Juan siya na lang daw ang mag huhugas ng mga pinag kainan natin.

Juan: Huh!? Wala akong sinabi na ganun!

Pedro: (Bumulong kay Juan at sinabing..) Hugasan mo yang mga pinag kainan natin kung ayaw mo isumbong kita kay Lolo na pinatay mo ang paborito nyang bebe.

Juan: Ako na ang maghuhugas Lolo. Gusto ko naman talaga hugasan ang mga pinggan. 

Pedro: Good boy!

The next next day...

Lolo Jose: Pedro! Pedro! Magluto ka ng hapunan at may mga bisita tayo mamaya. 

Pedro: Lolo, sabi ni Juan siya na lang daw ang magluluto.

Juan: huh!? wala akong sinabi na ganun Lolo.

Pedro: Pabulong na nagsabi.. ang bebe!...

Juan: Ako na nga ang magluluto Lolo.

Malungkot si Juan sa nangyari. Naisip nya na ang pagtago nya ng kanyang lihim ay naging dahilan pa para makatas sa responsibilidad ang kanyang kapatid. Mas naging mahirap sa kanya ang mga bagay-bagay dahil sa pagtago nya sa kanyang sikreto. Napagtanto niya na mas makakabuting sabihin niya ito sa kanyang Lolo Jose. Tatanggapin niya ang parusa nito dahil sa nagawa nyang pagkakamali na hindi niya sinasadya.
Juan: Lolo, may sasabihin po ako sa inyo. Sana po mapatawad mo ako. Napatay ko po ang paborito mong bebe. Hindi ko sinasadya na maputol ang kanyang ulo habang ako'y naglilinis ng bakuran. Tatanggapin ko po kung ano man ang parusa na iyong ibibigay. Ako'y humihingi ng paumanhin na hindi ko sinabi sa inyo agad.

Lolo Jose: Apo, alam ko matagal na napatay mo ang paborito kong bebe. Nakita ko ang dugo sa "grasshook" na ginamit mo. Nakita ko din ang balahibo ng bebe sa likod ng bahay. Naghihintay lamang ako na aminin ang nagawang kasalanan. Ngunit, gayun pa man hindi ako galit sa nangyari. Sa nakikita kung paghingi mo ng tawad at ang pag-angkin ng iyong pagkakamali ay isang palatandaan na ikaw ay dapat patawarin.

Niyakap ni Juan ang kanyang Lolo habang ito'y napaluha sa tuwa. 

Few days after...

Lolo Jose: Pedro! Pedro! Linisin mo ang bakuran natin at mayabong na ang mga damu.

Pedro: Lolo, sabi ni Juan siya daw ang mag lilinis ng bakuran.

Juan: Bleeehhhh.. Hindi mo na ako maloloko. Sinabi ko na ang totoo kay Lolo tungkol sa bebe. Kaya linisin mo na ang bakuran. 

Pedro: Ganun? Huhuhuu...



MORAL LESSON:

Humingi ng tawad sa kasalanang nagawa. Wag ipawalang bahala ng ito'y hindi na lumala.

Comments

Popular posts from this blog

Happy 2013!!!

November 1 na ba???

Oh na na, Whats My Name?